To be honest, it was never been easy. Sa limang taon, ang daming beses na ginusto kong sumuko dahil masiyado nang masakit. At alam kong ganoon din ang nararamdaman niya. Pero hindi niya kailanman pinaramdam sa aking napapagod na siya o ayaw na niya.
Halos siya na nga yung nagdadala ng relationship namin, e. Hindi nga lang niya napapansin pero kahit ilang beses niyang sabihing gusto niyang i-prioritize ang mga sarili namin—in the end of the day, ako pa rin ang ginagawa niyang mundo.
"Ang tagal na rin pala simula no'ng huli tayong nag-punta rito, 'no?" panimula niya habang naglalakad kami sa gitna ng Time Square Mall.
"Oo. Sabi ko sayo, 'di ba? Maraming puwedeng magbago kapag tumagal na tayo. Hindi na puwedeng lagi tayong magkadikit or magkasama lalo na ngayong tumatanda na tayo."
Ngumiti naman siya. Ngayon ko lang napansin ang pagbabago ng features niya. Ang mukha niyang puno ng fats noon, mas lalong nadedepina na ngayon. Kahit halata na ang cheekbones niya mas bumagay naman sa kaniya. Mas lalong umangat ang pagdadala sa kaniya ng labi niyang mapula at parang laging nakangiti. Isama mo pa yung almond niyang mga mata na parang kahit sino mahuhumaling. He was always the complete package.
"Oh, natulala ka diyan," bigla niyang sabi.
Napaiwas tuloy ako. "Ah, wala. . . napuwing lang."
"Kakaiba ka pala mapuwing, hon? Talagang kumikislap 'yang mga mata mo." Natawa na siya.
Hinampas ko siya kaya mas lalo siyang napahalakhak. "Tigilan mo nga ako, Gabriel. Saan na ba tayo?"
Mabilis niya akong hinila dahilan para bumagsak ako sa dibdib niya. Automatikong tumingin ako sa paligid at halos makaramdam ng hiya nang makita ang mga taong tumitingin sa amin. "Gabriel—"
"Shh," pigil niya sa akin. Pinagmasdan niya ang dalawang mata ko at hinaplos niya ang pisngi ko. "Krystal. . ."
"Oh? Problema mo?"
Natawa na naman siya. "Kahit kailan talaga, hindi na kita napaamo."
"Bakit nga?" Apurado na ako dahil may mga kumukuha na rin ng video sa amin. Masiyadong halata dahil sa mga flashes ng camera na tumatama sa aming dalawa.
"I love you."
Natutop ako. Bigla kong naramdaman na parang nililipad ng hangin ang pakiramdam ko. Hindi ako makapaniwalang pinagmamasdan siya. Oo nga at araw-araw niyang sinasabi sa akin 'yan, walang palya. Pero sa paraan nang pagkakasabi niya nito ngayon, parang may kakaibang kiliti akong naramdaman. Hindi iyon karaniwang kilig kundi kiliti na siyang kusang nagpangiti sa akin.
"Wala bang 'I love you too' diyan?" dagdag niya.
Pumikit ako nang mariin at hinila ang leeg niya upang magtama ang mga labi namin. Sa mga panahong 'yon, wala akong ibang maramdaman kundi comfortness. I wasn't used to us doing public display of affection but I feel like I need to kiss him now. Na parang kung hindi ko gagawin ngayon ay hindi ko na magagawa sa mga susunod pang araw.
Nang humiwalay ako sa kaniya ay doon ko lang nasabi ang mga gusto niyang marinig. "I love you so much more, Gabriel."
At nang ngumiti na siya sa akin pabalik, doon ko lang napagtanto kung gaano ako kasuwerte na siya ang boyfriend ko at kung paanong sobra na akong kontento sa buhay naming dalawa ngayon.
***
I remembered when we were in our prime years, sa carinderia lang ang go-to date namin dahil wala pa kami sari-sariling mga pera at umaasa lang kami sa mga magulang namin. Kaya kadalasan, kaniya-kaniyang pera namin ang ipinagbabayad noon. Pinapanood niya yung dalawang magshota na nagsusubuan at siyang katabi namin.

BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...