Maaga akong gumising nang araw na iyon para ipaghanda kaming dalawa ni Gabriel nang umagahan.
Hindi matago ang ngiti sa labi ko lalo na ngayong araw na ang birthday niya. At dahil nga gusto kong gawing espesyal ang araw na 'to ay gumawa ako ng banner na may lettering na Happy Birthday. Inilabas ko rin sa refrigerator ang mga binili kong cupcake kagabi bago ako tuluyang umuwi ng bahay.
Tulog pa siya ng mga oras na ito dahil sa pagod sa trabaho.
Ta's sabay ulit kaming kumain ng hapunan kagabi kaya walang mapaglagyan ang saya sa puso ko habang ginagawa ang lahat ng ito para sa kanya.
Naisip ko nga rin kung bisitahin kaya namin ang pamilya niya ngayong araw, kaya lang ay pareho kaming may trabaho. Kaya nagpa-reserve na lang din ako ng dinner naming dalawa sa Monde Restaurant. Ako rin mismo ang susundo sa kanya sa opisina niya mamaya.
Matapos kong ilagay ang mga plato sa lamesa ay kumuha ako ng isang cheesecake sa plato at nilagyan ng kandila. Sinindihan ko rin ito at naisip kong gigisingin ko na lang siya at kakantahan.
Nang makapasok ako sa kuwarto namin ay ingat na ingat akong magising siya kaagad.
Kaya nang tuluyang makalapit sa kama namin ay inilagay ko muna ang cheesecake sa nighstand upang harapin siya.
Pinagmasdan ko siyang tulog na tulog. Napangiti ako at hindi maiwasang kahumalingan siya. Magmula sa mahaba at makakapal niyang pilikmata, sa matangos niyang ilong, sa depina niyang panga, at sa mapula niyang labi.
Napangiti rin ako nang makitang tumutubo na naman ang stable hair niya. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya na paborito kong amuyin lalo na kapag bago kami matulog na dalawa.
Hindi ko inakalang yung katulad niyang lalaki e ako pa yung mapipiling mahalin.
"I'm so in love with you," bulong ko sa natutulog na si Gabriel.
Hindi ko napansing naiiyak na pala ako kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko at muling ngumiti para tuluyan na siyang gisingin.
Binalingan ko ang cheesecake na namatay na ang kandila. Muli ko iyong sinindihan at tuluyan nang hinarap sa natutulog na si Gabriel.
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday my babe," kanta ko. "Gabriel? Hon, gising ka na."
Hindi naman niya ako binigo nang unti-unti siyang magdilat ng mga mata at sinalubong ako ng ngiti.
"Hon. . ."
"Babe, happy birthday," bati ko sa kanya.
Pumikit-pikit pa muna siya at nag-inat ng katawan kaya napatihaya siya bago ako binalingan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil mukhang hindi pa rin gising ang diwa niya.
"Bumabalik pa rin tayo sa una nating tawagan," mahina siyang natawa.
Napangiti na rin ako. Oo nga. Nung college kasi kami, babe talaga ang endearment namin. Actually, marami kaming naging tawagan hanggang sa nag-settle kami sa endearment namin ngayon.
"Blow the candle, hon," wika ko pa.
Doon ko lang nakitang unti-unting nag-stretch ang labi niya hanggang sa natawa na lang siya.
"Krystal. . ." natatawang aniya.
"Yes, hon? Gising ka na?"
Hindi muna siya nagsalita at pinakatitigan ako pati na rin ang cheesecake na dala ko para sa kanya.
"Thank you," madamdaming wika niya.
Ngumiti lang ako at inilapit pa ang cheesecake. "You're always welcome. Mauubos na ang kandila. Blow it na."
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
Ficción GeneralOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...