Chapter 10

66 6 8
                                        

"Kayo na ba ni Shin?"

Umiling ako sa tanong ni Ross, kaibigan ko. Nandito kaming dalawa sa kiosk at tinatanaw ang mga estudyanteng dumadaan sa harap namin.

"Hindi pa."

Dalawang buwan na simula noong nanligaw sa akin si Gabriel. Hindi ko pa rin siya sinasagot simula no'n. Naisip ko kasi na parang hindi pa rin ako handa, e.

Sa dami ng pinagdaanan ko sa Eldridge, parang hindi ko pa ulit kayang magbukas ng puso para sa panibago.

Hindi naman mahirap magustuhan si Gabriel. Lalo na't lahat ng oras at atensyon niya ay ibinibigay niya sa akin kahit hindi ko naman hinihingi.

"Akala ko kayo na eh. Andami kong naririnig sa mga blockmates ko na ang sweet niyo raw. Para kayong magshota," nang-aasar niyang wika.

Natawa naman ako at inirapan siya. "Naniniwala ka sa chismis? At saka, madikit lang talaga si Gabriel. Hindi naman palagi. Kapag lang may oras kaming dalawa."

Tumango naman siya. "Matino naman ba?"

"Oo," sagot ko. "Kahit hindi mo hilingin yung mundo, parang ibibigay sayo. Mga gano'n."

Natawa naman siya. "Wala nang ganiyan ngayon, Krystal. Ibibigay yung mundo? Baka nga kahit kalahati, hindi maibigay eh. At saka, bakit mundo kaagad? Hindi ba puwedeng buwan muna?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Sinasabi mo bang hindi ako deserving para sa mundo, Ross?"

"Hindi naman sa gano'n." Umiling pa siya sa akin. "Ang ibig ko lang sabihin, maraming pangakong napapako, Krystal. Kung mundo kaagad ang hinahangad niyang maibibigay sayo, paano kung mapako? At bitwin pa lang yung naaabot mo? Hindi kaya masiyadong masakit kung umasa ka kaagad sa malaki kung sa maliliit pa lang na bagay e hindi na siya nagbubuhos ng effort?"

Napaisip naman ako. May punto naman siya. Hindi naman ako yung tipo ng babae na mahilig sa mga materyales na bagay, e. Hindi rin ako yung tipo na kung ano yung hiniling ko e gusto ko kaagad makuha.

No.

Hindi ganoon. Sapat na nga sa akin kung ano lang yung kayang maibigay, e. Basta, galing sa puso.

"Mahirap naman talaga kapag mataas ang expectations mo, Ross. Pero hindi naman ako ganoon. Ayokong p-in-ipressure ang isang tao kasi naranasan ko na 'yan noon and hindi naging maganda yung kinalabasan," wika ko.

"Hindi ba dapat mas lalo mo nga siyang i-pressure ngayon kasi nanliligaw naman siya sayo? Hindi naman yung tipong ibibigay niya sayo lahat ng gusto mo. Pero kumbaga, iparamdam mo sa kanya na kung pinagtitripan ka lang niya, hindi kailanman magwoworkout 'yon kasi hindi ka naman basta-basta. Mga gano'n."

Sumang-ayon naman ako kasi may punto naman siya. At iyon din naman ang ibig kong sabihin kasi sa ilang buwang panliligaw ni Gabriel, na reject ko man siya ng ilang beses ay hindi pa rin niya pinaramdam sa aking mas mababa ako sa kanya.

Kaya noong araw ding sinabi ni Ross sa akin iyon ay sinagot ko si Gabriel.

"Tama na. Darating na yung professor," sabi ko kasi ayaw niya akong pakawalan sa pagkakayakap.

Akala ko wala akong mararamdaman pagkatapos ko siyang sagutin kasi hindi naman ako yung nanligaw. Pero heto ako, para nang sasabog sa bilis ng takbo ng puso ko.

May ganun pala 'no? Yung akala mong maliit na bagay na ibinigay mo, hindi ka makakaramdam pero ikaw pa rin pala yung mas matatamaan.

"Hindi ako makapaniwala, Krystal. . . akin ka na. . ."

Yeah, hindi rin ako makapaniwala. Akala ko nga, papaasahin ko rin siya sa huli eh.

Pero talagang hindi mo malalaman ang halaga ng isang tao kung walang magpapa-realize no'n sayo.

Ocean of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon