Hindi ako kailanman naniwala sa ideya na kahit gaano katagal ang isang relasyon ay hindi nito magagawang masira kalaunan.
Iyon ang unti-unting tumatak sa isipan ko habang lumalaki at nakikita kung paano sirain ng pagmamahal ang relasyon ng mga magulang ko.
"Happy anniversary, hon!"
Pero alam kong ibang-iba ang relasyon naming dalawa ni Gabriel. Sinalubong niya ako ng halik at ipinakita sa akin ang cake na may nakalagay na number five bilang indikasyon ng limang taon naming pagsasama.
"Inaantok pa ako." Inaantok kong wika.
"Pareho tayo." Tumawa siya at inilagay ang cake sa gilid upang alalayan akong bumangon at sumandal sa headrest. "Pero hindi natin nasalubong kaninang madaling araw yung twelve am kasi parehas tayong pagod, 'di ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko kasi naisip na fifth anniversary pala namin ngayong araw. Lalo na't napakarami kong inasikaso sa trabaho. At ang maalala niyang anniversary namin ngayon ay sapat na para kumalabog ang puso ko nang mabilis.
"Happy anniversary, Gabriel," malumanay kong wika.
Saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa napangiti siya. Hindi ko na rin mapigilang hindi mapangiti lalo na nang kumindat siya sa akin.
"Gabriel, ha? 'Yang mga tactic mo, napaka luma na."
Tumawa siya at hinila ako upang humiga sa kaniyang dibdib. Agad naman na pumulupot ang braso ko sa baywang niya at pumikit habang dinadama ang kaniyang haplos.
"I wish we could just stay like this. . ."
Napangiti na lang ako. Kung puwede lang din, gaya ng dati. Pero iba na ang takbo ng buhay namin ngayon. At naiintindihan naman namin ang isa't isa. Hindi na lang sa relasyon namin umiikot ang mga mundo namin. We can still do this kind of thing pero kailangan may focus na rin kami sa pansarili naming trabaho lalo na't nagpaplano na kami para sa future naming dalawa.
Tatlong taon pa ang kailangan, magpaplano na rin kaming bumuo ng sariling pamilya.
"Looking back, I never thought that we could really do this," wika ko at tiningala siya. "Hindi ko inakalang darating sa puntong yung pinaplano lang natin noon, e unti-unti na nating natutupad ngayon. . ."
Napapikit ako nang maramdaman ang dampi ng labi niya sa noo ko. "Alam ko na noon pa lang na ikaw na yung babaeng makakasama ko hanggang dulo, Krystal."
Kumalabog ang puso ko habang pinakikinggan siya. Sa limang taon naming pagsasama, hindi pa rin nawawala yung kilig na nararamdaman ko sa tuwing nagsasalita siya ng mga ganito. Pero kung may nangingibabaw man, iyon na siguro ang comfort naming dalawa sa isa't isa.
"Kaya nga, salamat. Dahil nagawa mong maging patient sa akin all throughout the years that you had with me," sambit ko. "Hindi na yata ako makakahanap ng katulad mo."
"Dapat lang, Krystal. Kasi ayokong mangapa ulit sa umpisa kapag ginusto mong mawala sa buhay ko. Wala rin naman akong balak."
Natahimik kaming dalawa habang nakatitig lang sa kawalan. Paminsan-minsan, naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya at napapangiti ako. Akala ko kasi ako lang ang nakakaramdam pa rin ng ganito. Siya rin pala.
"Anong gusto mong gawin ngayong araw?" tanong niya kalaunan.
Puwedeng dito na lang tayo at 'wag nang umalis? gusto ko sanang sabihin pero naisip kong minsan na lang din kaming umalis na dalawa. "Ikaw bahala. . ."
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...