Chapter 17

54 4 1
                                    

Mabilis akong nakababa nang sasakyan ni Ross at hindi na nagawang makapagpaalam.

Mabibigat ang bawat hakbang ko hanggang sa makapasok sa loob ng aming apartment. Doon ko lang hinayaan ang sarili kong bumagsak.

Hindi ko na hinayaan pang punasan ang mga luhang patuloy na rumaragasa habang iniisip lahat nang sinabi nina Tita Gabriela at ni Shane kanina sa hospital.

Sa bigat ng mga salitang binitiwan nila ay hindi kinaya nang damdamin ko. Siguro nga hanggang ngayon, natatalo pa rin nila ako pagdating sa ganitong bagay.

Siguro nga, hinahayaan ko pa rin silang tapakan ako kahit limang taon na ang nakalipas simula noong huli nilang nagawa ito sa akin.

Bakit ba kasi hindi nila magawang mapagod?

Bakit hindi nila magawang maging masaya para kay Gabriel?

Kahit hindi na lang nila ako gustuhin. Dahil alam kong hindi ko sila mapipilit sa bagay na iyan at wala akong balak na pilitin sila.

It was not my choice. It is his decision. Siguro nga masaya ako noong p-in-ursue niya pa rin ako even after how his mother abruptly said 'no' about our relationship.

"Mabuti pang tapusin na lang natin 'to, Gab. Siguro mas nakakabuting magkaibigan na lang tayo kasi wala tayong patutunguhan. Ayaw ng mama mo sa akin pati na rin ng mga kaibigan mo. Hindi ko rin naman ipipilit ang sarili ko. Ayoko na ring idamay ka sa mga problema ko," wika ko sa kanya nang mapag-isa kami sa classroom.

"Babe, ano na naman pinagsasabi mo? Hindi solusyon 'yan. Hindi mo naman ako dinadamay sa problema mo, ako ang may gustong tulungan ka—"

"Kaya nga," putol ko sa kanya. "The more na mas magandang tapusin na lang natin 'to kasi ayoko ring isipin nilang sinagot kita dahil taga solba ka ng mga problema ko, Gabriel—"

"Babe, ayoko," diretsong sagot niya at hinawakan ang kamay ko upang pagsalikupin ang mga daliri namin. "Mahal na mahal kita kaya ko ginagawa 'to. Di ko rin kayang nagkakaganyan ka dahil sa problema mo."

Umiling ako at pilit na pinabibitiw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"'Di ba ayaw mo sa babaeng naninigarilyo? Sa umiinom ng alak? Nahuli mo na ako kanina, hindi ba dapat iniwan mo na ko ngayon? Please, Gabriel. . . gusto ko na lang bumalik sa comfort zone ko. Yung tipong ako na lang since nabuhat ko naman yung sarili ko ng mag-isa for the past years."

Hinila niya ako kaya bumagsak ako sa dibdib niya. Pigil na pigil ang sarili na umiyak ay kinuyom ko na lang ang aking kamao.

"Iba na 'yon, babe. Iba na yung takbo ng buhay mo ngayon. May nagmamahal at nag-aalala na sayo," bulong niya.

Hindi ako umimik at pinakinggan lang ang tibok ng puso niya.

Paano ko siya mapapakawalan kung ganito niya ako mahalin?

Alam kong hindi ko siya puwedeng ipagdamot pero gusto ko. Gustong-gusto ko.

"Kung 'yan lang pala ang gusto mo, sana 'di mo na ako minahal," dugtong niya. Nasaktan ako. "Iba na 'yon, malayo na tayo sa nakaraan. Iba na yung takbo ng buhay natin. Nagmamahal ang bawat isa sa atin, ayaw mo rin namang isarili ko yung problema ko. I feel the same way. Gusto kong open tayo sa isa't isa."

Humiwalay ako sa kanya at pinakatitigan siya sa mga mata. All I can see in his eyes is our future. Alam kong nakikita niya rin sa mga mata ko ang tunay kong nararamdaman.

After all, kung may mas matibay na ebidensya para sa lahat ng galaw at mga salita—ang mga mata natin 'yon.

"Hindi mo pinansin yung una kong sinabi. Ang sabi ko, ayaw sa akin ng mama mo pati na rin ng mga kaibigan mo. Mahalaga sila sayo, Gab. At ayokong mawala sila sayo."

Ocean of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon