Chapter 8

44 5 1
                                    

Noong bagong dating pa lang kami ng pamilya ko rito sa La Douleur, pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa ibang tao.

Sinabi kong magbabagong buhay na ako at hindi na magiging mahina pagdating sa mga mahal ko sa buhay. Kasi wala rin namang nangyayari, e.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpumilit sa mga kaibigan kong isiksik ang sarili ko sa kanila. Binalewala nila ako.

Naaalala lang nila ako kapag may kailangan sila sa akin. Let's face the reality, na hindi lahat ng taong tinuturing mong kaibigan ay kaibigan din ang tingin sayo.

Kapag alam nilang sapat na sa kanila yung kaibigan na meron sila, kahit kasama ka pa sa circle na 'yon; echepwera ka. Bakit?

Kasi wala ka namang puwedeng role sa buhay nila. Kung meron man, huhuthutan ka hanggang sa maubos ka.

Alam mo yung pakiramdam na kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mong ayos lang kasi kaibigan mo naman sila at kaya mong gawin lahat para sa kanila, maibigay lang ang gusto nila, e gagawin mo?

Sa mga pagkakataong iyon, kaibigan pa rin ang turing nila sayo. Kaya kahit sa tingin mo na ang babaw naman ng pagkakaibigan niyo kasi kapag may intimate moments, hindi ka kasama—wala lang sayo 'yon. Kasi nandiyan naman sila sa tabi mo.

Pero kapag naubos ka na. Kapag wala ka nang maibigay sa kanila at sa sarili mo, doon mo lang tunay na marerealize na talagang hindi ka nila kinaibigan para sa kaluluwa mo, kinaibigan ka lang nila kasi may kailangan sila sayo.

At dumating ako sa puntong 'yon, na lagi akong inggit sa mga may solid na friendship.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko kung kelan ko mararanasan 'yon? At kung mararanasan ko pa ba?

Pero sa kinatagalan, naisip kong parang hindi na. Gaya rin ng parating nasa kasabihan, 'hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay nakalaan para sayo.'

Kaya tuluyan ko nang tinanggap ang katotohanang hindi para sa akin ang mga ganyang solid friendship.

Hanggang sa makilala ko ang barkada ni Gabriel, sina Shane, si Ranz, si Zachary, si Tan, at ang iba pa nilang kabarkada na hindi ko pa ulit nakikita.

Noong una, ramdam na ramdam kong tanggap nila ako. At dahil nga nature ko ang madaling magtiwala, agad akong nagpadala sa mga pakikisama nila sa akin. Lalo na ni Shane.

I gave her all my trust. Siya pa nga mismo ang naglakad sa akin kay Gabriel, e. Thus, marami akong nalaman tungkol kay Gabriel aside pa sa mga madalas niyang ikuwento sa akin.

Hanggang sa isang araw. . . naramdaman ko na ring kaibigan na lang ako ni Shane tuwing kailangan niya ako.

Siguro, simula 'yon nang maging kami ni Gabriel pero hindi siya kailanman natuwa para sa amin.

"Hon, magkikita na lang ba tayo Monde?" tanong ko kay Gabriel.

Nauna kasi kaming mag-off, alam kong sa mga oras na ito, nagi-inventory pa si Gabriel para sa mga products na ilalabas nila at ie-endorse.

"Ayos lang ba, hon?" aniya, sa malungkot na tinig. "Gusto ko sanang ako ang susundo sayo pero marami pa kasi yung natira eh."

"Oo naman. Malapit lang naman dito yung Godimento, iikot lang ako do'n."

Bumuga siya ng hangin. "Pasensya na, hon, ha? Hayaan mo lahat ng gusto mong kainin sa gabing 'to, sagot ko."

Nakaramdam naman ako ng tuwa. Sakto nagugutom na rin ako pero may mga cheesecake namang binibenta sa godimento kaya doon na lang siguro ako bibili ng pampalipas pagkain.

Ocean of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon