Gabriel never returned home. Naka-off ang phone at hindi raw pumapasok sa trabaho.
There were no traces at all maliban sa makalat na kagamitan sa bahay na nalinisan ko na.
Hindi ko alam kung paano mapapaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nagkapalit pa yata kami ng situwasyon. Dahil ako na ngayon ang naghahanap sa kanya.
Pero sa ilang araw niyang pagkawala, marami akong natutunan. O, mas tamang sabihing naranasan kong ma-frustrate; hindi ko na kasi alam kung kaninong kakilala ko siya dapat hagilapin.
Walang sumasagot sa akin kapag tinatanong ko ang mga kaibigan niya kung may alam ba sila sa pagkawala niya. Hindi ko alam kung planado talaga 'to para hindi ko mahanap si Gabriel dahil iisa lang naman ang sagot nila: "hindi namin alam kung nasaan."
Isama mo pang hindi ganoon kakapal ang mukha ko para mag-reach out kay Shane. Kahit pa alam kong sa kanilang lahat na magkakaibigan—sila ang pinakamalapit sa isa't isa.
"Hindi po ulit pumasok si Sir Shin. Sorry, Miss," iyon lang ang sinabi sa akin ng babae sa information desk.
Hindi kasi kami puwedeng pumasok sa mismong puwesto nila dahil pinaghihigpitan at para lang sa mga employee nila iyon which I understand.
Kaya naman bagsak ang balikat ko nang lumabas ng kompanya.
Ikalimang araw ko na ang paghihintay na 'to sa kanya, saan ko pa siya kailangang hagilapin?
Naiintindihan ko kung nasaktan at nasasaktan pa rin siya sa ginawa ko. May kasalanan din naman ako, e. Hindi ko naipaliwanag sa kanya ang hinanaing ko. At alam naming nakahingi na siya nang tawad sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay namin na nakaligtaan niya.
Pero nasasaktan din kasi ako. Hindi ko kayang magsabi sa kanya dahil hindi ko na kayang dalhin pa ang sakit. Parang hindi ko na nga rin maamin sa sarili ko ang lahat, e.
At ayoko rin yung lagi na lang ako nagbibreak down sa harapan niya sa tuwing nangyayari iyon.
Tumunog ang telepono ko kaya agad kong kinuha sa bag. Napatabi pa ako sa gilid ng pintuan ng building nila nang sunod-sunod ang mga employee na pumasok.
Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumawag, basta ko na lang itong sinagot.
"Hello?"
"Finally, Krystal, sinagot mo na! Nasaan ka ba nanggaling nitong nakaraang linggo?"
Kumunot ang noo ko at nilayo ang telepono para i-check. Si Joie ang tumatawag.
"Bakit, Joie? May nangyari ba?"
"You didn't know?!" Para siyang gulat dahil ako na lang ang nahuli sa balita. I wonder kung kaninong buhay naman kaya ang nahagilap niya. Or may kinalaman ba kay Shane 'to?
Kinutuban ako. Mukhang may nakaligtaan pa yata ako. Nagsimula na akong maglakad palayo sa opisina nina Gabriel. Doon ko lang ulit inisip kung saan ko naman siya puwedeng hanapin sa ganitong panahon.
"I'm sorry, Joie. Hindi. Marami akong problema nitong mga nakaraang araw—"
Narinig ko siyang eksaheradang bumuga ng hangin sa kabilang linya. "Oh my God, ano ba itong naririnig ko. Alam kong may problema ka, Krystal, kaya nga kakamustahin ko sana sayo si Shin pero it turns out wala ka sa hospital?"
Tumigil ako sa harapan ng Starbucks Coffee at tiningnan ang kahabaan ng Dai Nam Avenue. Maraming sasakyan ang dumaraan at nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagod.
"Hindi kita maintindihan, Joie. Sinong nahospital? Bakit naman ako mapupunta doon?" naguguluhang wika ko.
Uuwi na lang ba muna ako? Wala pa akong kain simula kaninang umaga dahil mas inuna kong pumunta rito sa opisina ni Gabriel. Kaso hanggang ngayon, talagang wala akong mapala. Pinaypayan ko na lang ang sarili ko gamit ang kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/300236391-288-k12224.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...