"Krystal, tahan na."
Umiling ako habang pinipilit na punasan ang luhang walang tigil sa pagtulo.
Nawala lahat ng pag-asa kong maaari pa kaming maayos ni Gabriel sa mga pinagsasabi niya kanina. Tinulak ko siya palayo. Alam ko sa sarili kong gusto ko pa pero pagod na akong tanggapin siya. Parang nawalan ng saysay lahat ng pinagsamahan namin.
"Ikakasal na lang kami, e . . . Ikakasal na lang, Joie. Bakit kailangan niya pang guluhin sa last minute?"
Muli kong binaon ang mukha ko sa tuhod at humikbi.
Tamang-tama na lumuwas ng Maynila si Joie para sa pag-aasikaso ng papeles nila ni Ross para sa business trip nila. Hindi ko na napigilang hindi siya papuntahin sa bahay nina Mama kasi hindi ko alam kung paano tatanggapin na talagang tapos na talaga kami ni Gabriel.
Wala na siyang babalikan sa akin.
She sighed. "I hate to break this to you, pero honestly, napakababaw pa ng relasyon ninyo. Ang dali niyong matibag. Ang daling bumigay ni Gabriel at ikaw naman ang dali mong magpatawad. Nasabi mo nga na sa likuran ng mga pagsisinungaling niyang hindi niya kailanman sinabi sayo, nagawa niyang mag-propose. I mean, sinong tao ang kayang gumawa no'n, 'di ba?"
Piniga ang puso ko dahil alam kong totoo rin naman ang mga sinasabi niya. Parang gusto lang ako pakasalan ni Gabriel para matakpan ang mga kasalanan niya. At hindi na ako tuluyang makakawala sa kanya dahil taling-tali na niya 'ko.
"Matagal ko nang sinabi sayo na may hinala akong bumalik lang si Shane sa buhay ninyo para sirain kayong dalawa ni Gabriel. Hindi ka naman naniwala at naiintindihan ko 'yon," dagdag niya pa. "Pero kita mo kung anong epekto sa 'yo ngayon? Hindi na ikaw ito, Krystal."
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa paghikbi. Parang hinihiwa ang puso ko dahil alam kong may punto ang mga sinasabi niya.
Nagtiwala akong hindi na mauulit ang dati dahil matagal na 'yong pinagsamahan namin. At saka, sinong matinong tao ang sasalida sa isang relasyon para lang manira, 'di ba? Kaya hindi ko kayang palagpasin ang ginawa ni Shane sa 'min.
"Maybe, he managed to manipulate you, years ago, Krystal. At ngayong naulit muli, isa lang ang ibig sabihin niyan. You both are really not meant for each other."
Natawa ako. Bigat na bigat na ako sa damdamin ko pero nagagawa ko pa ring tumawa na parang baliw. Hindi ko na napigilan. "Tangina, limang taon, Joie! Limang taon para lang patunayang hindi kami para sa isa't isa? Joie naman. . ." Napailing ako. ". . .ang sakit mo magsalita."
Mahina niya akong binatukan kaya napaiwas ako nang tingin sa kanya.
Gusto ko siyang samaan nang tingin. Gusto kong ipaglaban yung relasyon namin ni Gabriel. Gusto kong pagtakpan sa kanya si Gabriel. Pero alam ko. . . alam ko sa sarili kong may punto.
Kung meron mang salita rito sa mundo ang pinakatatapakan ang pagkatao mo at wawasakin ka nang pinong-pino . . . ang pag-ibig iyon.
Love is the most abusive word in this world.
"Idilat mo kasi 'yang mga mata mo sa katotohanan. Kahit naman noon ganyan ang issue niyo ni Gabriel, 'di ba? At ang drama mo ay magkaibigan sila. Tanggap ka lang nang tanggap. Ni hindi mo man lang inisip kung worth it bang tanggapin," sermon niya.
Bakit ba ang talas ng dila nito? Walang preno. Kung tao lang ang reyalidad—siya na 'yon. Lagi na lang niya 'kong sinasampal nang katotohanan.
"Alam ko," pumiyok ang boses ko. "Kaya nga tinaboy ko na, hindi ba? Wala na kami. . ."
Inirapan niya 'ko. Ramdam ko yung inis sa mukha niya. Kahit sino naman maiinis, 'di ba? Para kasing ang dali lang magsalita. Pero ang totoo, ang hirap naman talagang gawin.
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...