Chapter 12- Presence of holiday

5 1 0
                                        

"Ma, mag order na alng kasi tayo." pag pupumilit ko kay mama. Dahil alam kong mag rereklamo siya, once na mapagod siya.

May mga kasambahay naman kami, pero gusto niya siya ang mag luluto. Pupunta kasi dito ang mga kamag-anak namin sa pasko. Hindi ko rin naman kasalanan na marami silang inaanak. 

Wala rin ang mga kasambahay namin, dahil pinauwi ni mama sa kani-kanilang bahay. Kaya kami rin ang kumikilos. 

"Bilisan mo diyan at maligo ka na pagkatapos." hinihiwa ko pa lang ang bawang at sibuyas minamadali na agd ako ni mama. 

Pagkatapos kung lutuin ang adobo ay agad ko nang sinalang ang banana bread sa oven. Hindi naman 'yon masususnog dahil naka timer naman. 

Umakyat ako sa kwarto pero napagtanto ko na hindi ko pa pala inihahanda ang susuotin kong pamasko. I open my closet and looed what should I wear for this christmas. 

Inisa-isa ng mga mata ko ang mga damit ko. I wanted to wear something nice that'll match with my boost. 

It took me an hour on what should I wear, but I ended up wearing red long sleeve blouse, partnering it with a checkered mini skirt. I looked myself on the mirror. Yes, I look pretty today. 

I applied a minimal make up, I want to be presentable. Alam kong marami kaming bisita dahil maraming iniluto si mama. 

I scoffed when I looked at kuya "gaya-gaya ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled and raised his hands as if a police will arrest him. 

Inakbayan niya lang ako habang papunta kami sa kusina para tumulong. How funny it is, hindi naman namin pinag usapan ano ang sususotin namin , pero pareho kaming naka checkered. 

"Inimbita mo si Ate Maya?" pag tukoy ko sa matagal niyang girlfriend. He nod his head, mukang ang buong pamilya ni ate maya ang pupunta mamaya. 

Nang sumapit ang alas once ay nagsi datingan na ang aming mga bwisita. Binati ko ang mga kamag anak namin sa mother side. Kumain kami ng mga pinsan ko sa terrace "Ashey, g na ang pag v-vlog. Ang gaganda kaya ng mga edits mo." sabi ng pinsan kong si Marie. Isa siya sa laging naka abang sa mga short video clips na pnopost ko. 

"Bagay ba sa 'kin? parang hindi naman." I shook my head on that idea. 

"Bagay kaya sa 'yo. Ganda mo kaya lagi. Baka madami ang manligaw sa 'yo niyan." Iya agree with marie. 

"Sarap ng adobo ah?" Marie chuckled, as I shrugged.

We continue eating and took pictures. May mga dumating na mga inaaank ng magulang ko. Hindi ko nga kilala ang iba. 

"Ashey, pamasko ko?" We both giggled. I actually have a christmas gift for both of them. It's just a purse. 

"'kala niyo ha." I smirked at them. 

Namasko kami sa isa't isa, nasa libo na ang napamaskuhan namin. Gusto nga nila mag sleep over sa 'min pero hindi naman pwede dahil mamasko pa rin sila. 

Nagpa alam naman ako kay mama na pupunta kami sa bahay nila Aney, pinayagan naman ako dahil mamaya pa daw pupunta sila ate Maya with her family. 

Nauna ako sa gate nila Aney, pero nakita ko ang kotse ni Lucas. At, talagang nasa labas pa sila. Mukang hindi ang merry ang christmas nila. Agad kong tinawagan si Eisen. 

"Paki-bilis, jusko mukang mag hihiwalay sila." Natatarantang sagot ko.

[Ito na nga malapit na, nasa seven eleven na] sabi niya at agad rin naman binaba ang tawag.

Kumunott ang noo ko nang marinig ko ang kanta, bakit parang pang letting go ang kanta? Hindi pang pasko?

"May tao ba dito? Mukang wala" Nanlaki ang mata ko tsaka ko nilingunan si Eisen at agad tinakpan ang bibig niya!

Rewrite our Antiarrhythmic SceneryWhere stories live. Discover now