Chapter 16

2.9K 225 68
                                    

"So, bakit nga ako nandito?" Hindi ko maiwasang itanong sa Eris na ito matapos ang ilang minutong pagka-occupied niya sa ginagawa.

Hindi ko naman alam kung anong pinagkakaabalahan niya, basta related sa student council eme. Ang nakakapagtaka ay kami lang ang tao rito sa student council.

Hindi naman ako nagrereklamo talaga kasi siyempre may aircon. Pero kasi tapos na klase namin pati pasok namin sa Guidance pero ito at naisipan niya pa akong hilahin dito dahil may aasikasuhin daw siya.

Speaking of, malapit na matapos ang OJT hours namin sa Guidance and magp-proceed na kami sa next setting. We have 3 OJTs with 120 hours each. Siguro kung wala naman siyang plano regarding sa next setting ay magsosolo na ako —

Teka nga. Bakit ko ba iniisip na magkasama pa rin kami sa susunod? Tangina.

Nilingon niya ako at nginitian. Sinamaan ko siya ng tingin nang may ma-feel ako sa sarili ko na kakaiba. What the fuck, Bianca Heriel?

"May inaayos lang ako pero malapit na rin 'to." sagot niya. Itinago niya yung bungkos ng papel sa isang brown envelope na may string. May tinipa rin siya sa kaharap na laptop. "Hindi lang halata pero ang responsible ko kayang president."

"K," ang maikling tugon ko dahil ayoko naman isipin niyang interesado ako.

She chuckled. Para bang tuwang-tuwa ito lagi sa reaction ko. Todo-pigil ako sa puso ko na bigla na lang nagpaparamdam than usual. Parang gago talaga.

"You know about the upcoming University Cup, right?"

Napatango ako. Annual iyon ginaganap tuwing first semester, kung tama ang tanda ko ay next month na iyon. It's a one week event na involved ang lahat ng satellite campuses ng Sunnyside. So malamang sa malamang ay magiging puno itong school dahil main campus kami.

It comprises of sport events at kung anu-ano pang pakulo ng school. No wonder marami na akong napapansin na nagt-train. May iba ring nagr-rent na ng gym or practice room outside the school. Malaki naman ang campus pero hindi lahat ng sport type ay mac-cater sa isang lugar.

One week na puro mababahong nilalang ang makakasalamuha ko. Hay.

Buti na lang hindi required ang mga fourth year na tulad namin — although malabong hindi required itong si Eris dahil siya nga ang President.

"Ilang days na lang ng pagr-render natin ng oras sa Guidance ay tapos na tayo, after that I'll be surely busy na for the upcoming Cup."

Napatango ako habang iniisip yung mga possibleng mangyari. Wala pa namang schedule ang defense namin, pero surely ay after the Cup pa iyon. Iyon lang yung one week event na masasabi kong malaya maging kaming patapos na.

"Malayo pa naman ang defense natin," nasabi ko na lang, "since to be announced pa ang schedule. Sa OJT naman ay matatapos tayo ng maaga."

"Gusto kong sumabay sa'yo sa second setting pero ayoko naman mahuli ka." Ngumuso si Eris na parang bata. Napairap naman ako. Kaartehan talaga nito sa buhay. "I'm planning to start sa second after the one week event, eh. But you can do it right after your first. Makakahabol naman ako, it won't compromise our thesis din."

"Basta maayos." maikling sagot ko.

Ngumiti siya at muling inabala ang sarili sa ginagawa. Nakaupo lang ako rito sa mahabang sofa habang nakatingin sa kanya.

Pero naumay din ako sa mukha niya.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid. It looks like a normal room, yung may sala set pa at tv na naka-install sa pader pero mukhang hindi rin nagagamit masyado.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon