Chapter 22

3K 257 91
                                    

"Punyeta."

Inuntog ko ang ulo ko sa table. Pakiramdam ko wala akong magawang matino kahit ang dami ko nang natapos — except sa second setting ng OJT na hindi ko sinisimulan.

Alam kong sinabihan na ako ni Eris mauna sa second setting pero sa nakaka-pesteng dahilan ay hindi ko magawang kumilos para doon.

Third day na rin ngayon ng one week event ng school na hindi ko pinuntahan kahit inaya ako nina Ana days prior. Ayoko dahil mainit at boring — puro mga sport events lang naman iyon at yung parang pageant na ewan. May mga booths pero hindi ko naman hilig iyon.

Ilang araw na rin akong tunganga lang dito sa bahay, baka nga maging upuan na lang ako dito dahil wala akong kagalaw-galaw unless maglilinis ako and some stuffs.

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan yung huling message ni Eris sa akin. Napahinga ako ng malalim nang makaramdam ako ng mabigat sa loob ko.

Okay, fine. Nakukunsensya ako na naiinis. Gusto ko na lang mag-sorry, kaysa yung ganito na parang ako lang yata ang awkward especially nitong mga nakaraang araw — maraming mga araw — sa tuwing parang invisible lang ako sa kanya.

I'll admit that I'm not used to it, nasanay ako na lagi siyang makulit at nakabuntot. Tapos ngayon biglang poof — wala na? Parang gago lang.

Magf-feeling close siya sa akin, hinayaan niya akong ma-attached sa kanya, tapos dahil lang sa simpleng birthday party na hindi ko pinuntahan — period na kaagad.

Sa huli ay kinain ko lang lahat ng mga sinabi ko. I may actually like her far more than I intended.

Hindi nga lang yung klase ng like na sinabi niya sa akin — I think. Ang alam ko talaga ay straight ako, at ayoko naman din makipagrelasyon kung sakali. Hindi talaga ako familiar sa part na iyon.

Kung gusto ko talaga siya more than friends, eh, ano naman? Sus.

At isa pa, wala naman talaga siyang mapapala sa akin. Baka nga sa huli mawala lang din yung fascination niya since hindi naman niya talaga ako kilala. Hindi ako special kahit anong sabihin niyang privilege niya iyon.

Mas okay nang friends. At least hindi sobrang complicated. Ngayon pa nga lang sumasakit na ulo ko kakaisip sa kanya, ile-level up ko pa ba? Parang kagaguhan na lang.

"Putanginang yawa —"

Sa sobrang lutang ko aksidente kong na-tap yung call icon sa cellphone. Mabilis ko iyong pinatay.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Akala ko cardiac arrest aabutin ko hayop.

Napahiga ako sa kama. Tinago ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan pagkatapos ko i-turn off. Baka mamaya isipin no'n ni Eris susuyusin ko siya kasi tinablan na ako ng konsensya.

Okay, tinablan ako, pero bahala pa rin siya!

Napabangon ako at pumunta sa harap ng salamin. Inalis ko ang pantaas na damit at sinipat ang kabuoan ko.

I can't help but sigh — seeing all the scars around my very skin. Kinapa ko iyon pero mabilis ding tumigil.

Parang tangina, Bianca

--

I checked the time — 7:46pm.

Sa huli ay nagdesisyon akong puntahan ang bahay ni Eris. Hindi ko na matiis, sige na, mags-sorry na ako. Hindi pa naman ganoon kataas ang sungay ko para panindigan ang pride ko.

Bumaba ako ng sasakyan at pinakalma ang sarili. Ayoko man aminin pero ninenerbiyos ako, mags-sorry lang naman ako. Nakakapota.

Ilang beses din akong huminga ng malalim. Naka-park lang yung sasakyan ko at sinisilip yung guard house. As usual ay may nagbabantay ro'n. Sumandal ako sa pinto ng sasakyan at sinubukang tawagan si Eris pero busy tone ang bumungad sa akin. Tangina 'yan.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon