"You're not replying." Todo nguso si Eris habang panay ang pagbuntot sa akin. Kanina pa ako nagdadasal na sana kailanganin siya sa student council para hindi ganitong mukha siyang gago sa pakikipag-usap sa akin. "Panay kayang text ko sa'yo."
Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya. I raised an eyebrow at her before rolling my eyes afterwards. "Ikaw pala yung unknown number."
Napaawang ang labi niya. "Hindi lang ba ako ang nagt-text sa'yo?"
Nagkibit ako ng balikat at ngumisi. Sumimangot naman ang babae. Napabuntong-hininga na lang ako, halatang ayaw niya ng narinig. "Bukod sa text ni Globe at mga text na nagsasabing nanalo ako ng isang milyon, wala naman nang nagte-text pa na iba."
Natawa siya. Nag-shining shimmering ang mata niya sa hindi ko maintindihang dahilan. Parang nag-aadik lagi 'tong hayop na 'to. "Edi alam mo nang ako yung unknown number?"
"Yung scammer?"
"Hindi!" Napakamot siya sa sentido at napailing. "I was texting you a lot. For sure makikilala mo kaagad ako."
"Hindi ka nagpakilala."
"Pero tinawag kitang Maria Clara sa text!" giit niya.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi Maria Clara ang pangalan ko."
"Fine." She pouted her lips. "Labas mo phone mo. Save mo yung number ko sa contacts mo."
"Na-save ko na."
"Anong name ko?"
"Eris Gago."
"Excuse me?" Mukhang nagimbal ang itsura niya. Tangina, ang priceless! "It's Abelardo!"
"Synonym ng Abelardo ang gago at Belona." I told her. "Now, lumayas ka at ayaw kitang makita."
"Mean mo." Tinaasan ko siya ng kilay nang tumawa-tawa ito. Maya-maya lang din ay huminto siya, her lips painted with a smile. She took a step forward, umatras naman ako. Letseng babaeng 'to. "Pasalamat ka talaga—"
"Edi thank you." Inirapan ko siya bago tumalikod. Naglakad na ako paalis pero ramdam ko pa ring nakabuntot siya. Nakakabwisit! "Huwag kang sumunod!"
"Bakit?"
"Naiirita ako sa'yo!"
"Parang lagi naman?"
I stopped walking and faced her. "Exactly. Naiirita ako sa'yo, bakit hindi ka lumalayo?"
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ka naman naniniwala, eh."
Marahas akong napabuntong-hininga. "Lesbian ka?"
"Hindi." She pouted her lips.
"Bisexual?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi rin."
"So, pinagt-trip-an mo ako." I concluded.
"Of course not!" Panay ang pag-iling niya.
Hindi ko na alam kung maniniwala ako sa kanya. Minsan may sinasabi siya pero babawiin din. Minsan naman hindi ko alam kung nagj-joke lang ba siya. Isa lang naman ang sure ako, para siyang aso na panay ang pagbuntot kahit tanginang ayaw ko sa kanya. Saang part ba ng statement na 'yon ang mahirap intindihin? Nakakagago!
"If you would just take time to know me..." Tumamlay ang kislap sa mata niya. Kinapa ko ang feelings ko, wala, hindi naman ako na-g-guilty. "Masaya na ako kung magiging friends tayo, kahit hindi na girlfriend!"
"May friends ka na."
"Bawal magdagdag?"
"Pwede naman," Napangiti siya sa narinig. Tumaas ang kanang kilay ko. "Basta huwag ako."
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...