Inihinto ko ang sasakyan sa parking lot at bumaba. Naglakad ako palapit sa guardhouse, mabuti na lang ay may tao. Hay. Ang aga pero wala ako sa mood. Putanginang buhay.
"Ano pong kailangan nila?" tanong niya nang tuluyan akong makalapit. He looked matino naman, wearing respective uniform, pero mukhang dugyot dahil pawisan. Ew. Gusto ko siyang buhusan ng towel at alcohol.
"Si Eris Abelardo, bisita niya ako." sagot ko. Gustuhin ko mang maging magalang, eh, wala talaga 'yon sa nature ko. Bahala siya. Basta maayos akong nagsasalita, pwede na 'yon, kahit walang po at opo. "Ibinilin niya raw ako."
"Ano hong name nila?"
"Bianca Cruz."
"Wait lang ho, Ma'am." Pumasok siya sa loob ng guardhouse. Sa tingin ko ic-confirm niya na nandito na ako.
Kinuha ko naman ang cellphone mula sa dalang bag at nag-text ng mabilis kay Eris Belona para malaman niyang nandito na ako. Napabuntong-hininga ako. Ayoko siyang makita sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa gagawin namin. Tanginang buhay, nakaka-stress. Tapos ang init na agad. Packing tape. Global warming at its finest.
Naglakad ulit palapit sa akin yung guard. Nanatili naman ako sa puwesto ko at hindi kumibo. "Ma'am, hintay na lang ho tayo. Susunduin daw ho kayo ni Ma'am Eris."
"Sige." maikling tugon ko. Inilabas ko ang payong. Tangina, init. Huwag sana niya akong paghintayin ng sobrang tagal. Makakasapak ako ng presidente nang wala sa oras.
Maya-maya lang ay nakatanaw ako ng sasakyan na palapit sa pwesto rito. Huminto iyon pero hindi pinatay ang makina. Lumabas mula roon si Eris Belona. Ngiting-ngiti pa ang gago, halatang tuwang-tuwa na nandito ako.
"Sakay ka na," saad niya. Tumango naman ako at dumaan sa gilid. Ininspeksyon ko pa ang loob ng sasakyan niya, sumenyas naman siya na malinis sa loob, obviously alam na niya ang nasa isip ko. Isinara ko ang payong bago sumakay at itinago naman ang phone sa bag. "Kuya, thank you po."
"Sige ho, Ma'am." Ngumiti yung guard at bumalik na ulit sa loob ng guardhouse.
Eris maneuvered the car at nagmaneho papasok sa loob ng subdivision. Ngayon ko lang napansin na mukhang magkakalayo ang agwat ng mga bahay rito, bukod sa malalaki iyon at malawak. Yayamanin, ganda ng architectural design, pinagkagastusan. No wonder kailangan niyang gumamit ng sasakyan sa distansya pa lang.
"Sa bandang dulo pa yung bahay namin, pero mabilis lang naman tayong makakarating." sabi niya. Lumingon pa siya saglit sa akin at ngumiti. "You want some apple? Meron diyan."
"Ayoko." I declined. Nagkibit naman siya ng balikat. She looked different seeing na naka-pambahay lang siya. She's wearing a white printed shirt ng We Bare Bears and a plain black short. Feeling ko talaga ine-emphasize niya ang kaputian niya. Malapit na siya maging si Snowhite the long haired version. Although she still looked respectable despite the laid back outfit. "Parang wala kang car last time."
She chuckled. "Actually, nilalakad ko 'to pauwi. Or magb-bike ako."
"Okay." Maikling tugon ko. Parang nakakapagod ang trip niya, ang layo, eh. Muli akong napatingin sa binti niya, it looked kinda firm in a feminine way. She looked strong to be honest, feeling ko may alam siyang martial arts.
"Ikaw, nag-commute ka papunta rito?" tanong niya, "Tsaka ang aga mo, Bianca. Mag-e-eight pa lang ng umaga."
I have this principle na it's either I'm fifteen minutes early or fifteen minutes late. That's what I call being graceful. Pero hindi na niya iyon kailangang malaman. Hindi kami close. "Ginamit ko sasakyan ko."
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...