Minsan nawawala sa isip ko na president ng student council si Eris. Mukhang totoo nga siya sa sinabing kaya niya mag-manage ng time.
Pero ngayon ay hindi ko siya kasama dahil legit namang nasa student council siya para mag-ayos at gumawa ng kung ano mang dapat pagkaabalahan niya. Nakita ko pa saglit si Stella pero wala nang time bumati kaya hinayaan ko na.
"Dito na kami sa overpass," Paalam ni Kean, sa tabi naman niya ang kapatid na si Kara.
Pinasama sila sa akin ni Eris kanina para naman daw hindi ako sad girl kapag wala siya. Tangina talaga ng utak no'n minsan. Akala niya yata hindi ko kaya mabuhay ng wala siya, masyadong bilib sa sarili.
"Sige, ingat kayo." ang maikling sabi ko lang.
Ngumiti si Kean at tinanguhan naman ako ni Kara na hindi halos umiimik. Pinanood ko lang silang umakyat sa overpass. Nang hindi ko na sila makita ay saka ako naglakad palayo. Ang tagal na rin nang huli kong makasama yung magkapatid na 'yon, iba rin kasi ang pagka-busy nila lalo na't may thesis and all. Madalas kung makita ko sila ay sa classroom na, pero hindi ko naman din kasi sila close.
Sina Ana naman, nasaktong nauna na rin at mag-aayos pa raw ng papers dahil redef sila. Kailangan nila makapag-defense ulit bago ang end ng semester para by next sem next year ay focus na lang sa testing and final half part ng research.
Malapit na rin kasi ang holiday. Mabuti nga at ilang hours na lang ang natitira sa OJT namin, kayang-kaya na tapusin. Inaayos ko na rin yung narrative ko, na kung hindi ko pa sinabi kay Eris ay parang hindi niya pa kaagad sisimulan.
Nakaka-stress din maging fourth year college. Sabay-sabay ang OJT and thesis. Tatlong OJT pa 'yon, ah! Jusko parang papatayin lang kami. Nagkaklase pa, although minor subjects na lang halos ang natitira.
Fulfilling naman din siya, pero habang papalapit kami sa graduation, papalapit na rin yung reality na pagkatapos no'n, kailangan na namin i-maneuver ang sarili namin sa real world. No more four walled classroom. New cells na ulit. Pota kakatawa.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng bahay sa sobrang pag-iisip ko. Nagtataka namang napatingin ako sa sasakyan na naka-park sa gilid ng bahay ko. Hindi naman 'to sasakyan nina Zeke. Ano't may illegal parking na nagaganap dito? At buhay pa ang makina no'ng sasakyan na parang kakapwesto lang no'n.
Nasagot ang tanong ko at bumukas iyon na para bang hinihintay lang ako dumating. Napatitig ako sa lumabas at mabilis siyang namukhaan. Nakita ko na siya noon sa isang litrato.
Tatay ni Eris 'to.
Ngumiti siya at hindi ko maipagkakaila na kuhang-kuha ni Eris ang ngiti na 'yon. I can see the resemblance. May pagkakahawig si Eris sa kanya kahit very minimal lang.
"You seem to recognize me," Ang baritonong boses nito ang nagpatuwid ng pagkakatayo ko. Para bang ang authoritative niya kahit saang angle ko tingnan, dagdag pa na naka-three piece suit ito. Tinuwid niya ang maayos nang coat at inilahad ang kamay sa akin. "Jovis Abelardo."
Ayoko man abutin 'yon ay ginawa ko na lang. His hold was strong and firm, but without force. Matangkad ang tatay ni Eris, mas matangkad pa sa aming dalawa.
Para lang kaming tanga na nakatayo pagkatapos namin magkamayan. Napakamot ako sa may kilay ko. "Um, pasok po tayo sa loob?"
"Sure," Ngumiti siya. "Thanks."
Nauna ako maglakad at nakasunod lang naman siya. Ibang-iba ang aura niya kumpara kay Eris, na kung hindi mo pa malalaman na yayamanin ay iisipin mong sakto lang siyang tao na nag-aaral ng maayos sa isang university. Although ganoon din naman sina Amber at Zeke, hindi talaga sila showy sa mga ganoong bagay. Para bang gusto talaga nila na simple lang.
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...