Chapter 17

2.6K 230 55
                                    

Natapos ang first setting namin na hindi ko halos pinapansin si Eris. Mabuti na lang talaga at wala pa masyadong gagawin sa thesis dahil medyo nangunguna kami sa buong Psyc.

Karamihan din ay mga busy na lalo na sa mga lower years. Marami rin palang graduating student ang nasa sports pa rin kahit ang busy na sa thesis and all. Parang sira.

Busy rin si Eris. Maya't maya itong napapatawag ng Dean o kaya sa HR, pati na rin sa President ng Campus ─ minsan may nakikita akong students from other satellite na dumadayo rito. Same uniform lang naman, ang kinaibahan lang ay ang mga ID laces namin.

Madalas din kasama ni Eris yung si Stella pati na ang ibang members ng Student Council na hindi ko alam ang pangalan. Basta may isang lalaki. Meron ding student representative sa bawat year level.

Ang daldal kasi nitong si Go-Friend — na Ana pala ang pangalan - kung anu-anong chinichika sa akin sa oras ng Rizal. Mabuti nga at kahit papaano ay nakakapakinig pa rin ako sa klase.

"So, friend ─" At lately ay nahihila na niya ako sa circle of friends niyang hindi ko naman sure ang names. Sinubukan niya akong hawakan sa braso pero tiningnan ko lang siya ng masama. Parang gago talaga. "Sungit mo talaga, friend."

"Edi huwag mo akong kausapin." Inirapan ko siya.

Napapadalas na rin ang pag-init ng ulo ko ng walang dahilan. Parang malapit na yata ako mag-menopause kahit na kakatapos lang ng period ko. Kainis!

"Nagugutom na ako, mga madam!" Ang malakas na boses ng isa sa kaibigan niyang si Melanie ang narinig ko. Tumingin siya sa akin. "Nakain ka ba sa Mcdo?"

Umiling ako. Ang daming tao sa Mcdo at sa kung saan-saang fast food, hindi rin malinis yung cr. Ang dumi-dumi, naturingang food site. Kapag kumain ako ro'n baka magkasakit lang ako.

"Gold pala talaga 'tong si Bianca!" sabi no'ng isang kasama pa namin na lalaki na hindi ko matandaan ang name.

Basta matangkad siya na payat, parang kapreng nasobrahan sa tabako. Hindi namin siya classmate pero tropa siya nitong sina Ana. Computer science ang course, base sa narinig kong sinabi nito nang una ko siyang makita.

Napahinga ako ng malalim. Parang gusto kong pumaslang.

Walang salitang inayos ko ang mga gamit at iniwan sila ng walang pasabi. They tried calling me pero hindi na ako lumingon o ano pa man.

"Snobber mo naman."

"Ay puta —"

Napalayo ako nang bigla akong dikitan nitong lalaking katropa nina Ana na sumunod pala sa akin. Tiningnan ko siya saglit bago ito i-ignore dahil hindi naman kami close.

"Saan ka ba pupunta?" tanong pa nito. "Samahan na kita."

Hindi ko siya kinikibo. Bahagya kong binilisan ang paglalakad, pero sa tangkad niya at haba ng binti ay inilang hakbang niya lang ako bago makahabol. Tangina talaga.

Maling desisyon talaga maging involved sa ibang tao. Hindi ko naman ginusto, pero bakit ba panay sila lapit sa akin? Noong una si Eris, tapos si Ana, ngayon itong — ano bang pangalan nito!

Huminto ako at hinarap siya. Huminga ako ng malalim at todo pigil na huwag sumigaw dahil nababadtrip ako sa ngito nito. "Can you stop following me?"

"Sinasamahan ka lang naman."

"At hindi ako pumapayag na samahan mo ako so scoot."

"Sungit mo naman," Tumawa si gago. "Pero saan ka ba? Samahan na kita. Tanghali na, saan ka ba usually kumakain?"

Putangina talaga.

Matatanggap ko pa kung si Eris ito, pero hindi naman. Ang pangit-pangit pa. Well, okay, hindi naman literal na pangit — mukha naman siyang tao — yung tipikal na lalaki na mukhang playful pero mukhang sakto lang. Pero pangit pa rin.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon