Chapter 14

3.1K 242 50
                                    

"Ang lalim naman ng paghinga na 'yan."

Napalingon ako kay Eris nang marinig iyon mula sa kanya. Hindi ko siya pinansin habang inaayos ang papers namin. Hindi ko naman din masungitan itong babaeng 'to dahil nandito pa kami sa room kasama ang panelist.

Kakatapos lang ng thesis proposal defense namin at sa wakas ay nakapili na ang panelist kung anong title ang magm-move forward. It took us almost an hour and a half dahil enjoy na enjoy itong mga prof magtanong sa bawat titles namin. Mga tanginamers akala mo napakatatalino magsitanong.

They said all three titles are interesting, kahit ano raw yata ay pwede namin i-push. So, ang nangyari, imbes na sila ang pumili out of three titles ay sa amin nila binigay ang desisyon to push which title to go with. Siyempre, we took the advantage of getting the one na most workable and easiest to do─kahit wala naman madali sa paggawa ng research.

We settled with quantitative, kaysa naman mag-quali kami or mixed.

Wala naman silang naging violent reaction o kahit ano, dahil pabor nga sila sa lahat ng titles. We've just made the defense really entertaining and interesting for them and unknowingly set the bar higher for others na magd-defense pa lang.

In short, walang sense itong defense dahil kami pa rin ang pumili ng title. Hindi sa nagrereklamo ako. Okay ngang kami pumili, kaya nga walang sense na nag-defend pa kami.

Iisipin ko na lang na ganoon kami kagaling.

Paanong hindi? Nagc-complement kami masyado ni Eris sa isa't isa. We were able to supply each other's lacking. Kapag may hindi ako masagot ay siya ang nags-step up and vice versa. Marunong ito makipag-cooperate and her overall appearance and accent screams confidence.

We did better kaysa sa previous practices namin. Mukhang magiging smooth ang research dahil na rin sa kanya. Pinapatunayan talaga ng loka-loka na good catch siya at wala akong pagsisisihan na naging partner siya.

Pagtapos namin mag-thank you sa mga prof ay lumabas na kami ng room. Nabungaran pa namin sina Kara at Kean maging ang ibang magd-defense na naghihintay lang. Agad naman nagsilapit yung magkapatid, yung ibang estudyante aba parang mga tsismosong lumapit din ng kaunti.

Mga tanga talaga 'to.

Napapunas ako sa sarilu dahil kung anong lamig sa room ay siyang init dito sa corridor. Paano ba naman kung magsisikan sila ang inam. Tangina.

"Uy, kamusta? Madali lang?" tanong kaagad ni Kara. "Ang tagal ninyo, Ris, kinabahan tuloy kami. Maraming tanong?"

Tumango naman itong kasama ko. "Madali lang yung tanong basta inaral ninyo yung research ninyo. It's your research, you know it better than the panelists."

Tumango naman yung mga nakiki-tsismis din. Akala mo na-gets nila. Nags-sugar coat lang naman 'tong Eris Belona na 'to, eh.

"Pwede ba mag-Tagalog? Sabi kasi English policy daw kapag defense."

"Hindi ko sure, English lang ginamit namin ni Bianca, eh. Pero Tagalog ibang tanong nila."

"Bakit ninyo naman ginalingan sa English? Kinakabahan tuloy kami. English broke ako."

"Maayos naman grammar mo, chin up lang. Relax, huwag ka kabahan."

"Eh, bakit ang tagal ng defense ninyo? Almost two hours kayo ro'n kaya."

"They kinda enjoyed asking?"

"Paano kapag ganyan din sa amin?"

"Kaya ninyo iyon."

Parang hindi naman na-satisfied yung iba sa sagot ni Eris. Ewan ko ba't sila tanong ng tanong, eh, wala rin naman sila choice kung hindi sumabak sa defense. Natigilan lang ang mga ito nang magtawag na ng kasunod na students. Sina Kara at Kean na pala.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon