Chapter 18

2.7K 221 54
                                    

"Maria Clara ─"

"Tangina mo talaga, ah."

Tinawanan niya ako nang malakas na para bang sanay na sanay na talaga ito na ganoon ako. Ewan ko rin kung bakit, pero imbes na mainis ay parang gusto ko rin matawa. Hindi naman nakakahawa yung emotion niya pero ewan ko. Parang gago talaga.

Parang gusto kong sapakin yung sarili ko dahil nagiging weird na ako recently.

Inaya niya akong pumasok sa loob ng bahay nila pagkarating. May nahagip ako na isa sa mga maid na mabilis ding umalis, baka busy o ano.

"Lagay mo na lang yung bag mo diyan." Tinuro ni Eris yung sofa nila.

Mabilis naman akong sumunod. Mabuti na lang pala at naligo muna ako bago sumama kay Eris ─ talagang nagpumilit akong dumaan muna sa clinic dahil pakiramdam ko hindi ko kakayanin yung lagkit ng pakiramdam ko. She was patient enough to wait, naabutan ko pa nga ang babae na nakikipagdaldalan kay Nurse Joy na parang wala na rin yatang magawa sa buhay.

Tiningnan ko yung oras at nakitang ala-una na rin pala ng hapon. Napatitig ako kay Eris at no'n ko mas napagtuunan ng pansin yung pagod sa mukha niya. Hindi naman siya mukhang haggard dahil ang aliwalas pa rin ng pagmumukha niya, halos hindi nga maalis ang ngiti sa labi ng babaeng baliw. Tapos nag-drive pa siya papunta rito since nagdala siyang sasakyan.

"Tara na?"

Napatingin ako sa kanya pero kaagad din akong pasimpleng nag-iwas at tinuon ang paningin sa direksyon kung saan ang dining area. "Sige."

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating. Napamaang naman ako dahil ang daming pagkain na nakahain sa lamesa ─ may cake pa! Ano 'to? Bakit may pa-cake?

Binigyan niya ako ng plato at utensils. Natawa pa siya dahil siguro sa pagmumukha ko. "I forgot to tell you, it's my birthday today."

"Huh?" Parang natanga yata ako saglit. Birthday niya ngayon? As in ngayon?

"When we first met, I mentioned you about my birthday. Hindi ko lang sinabi yung date." She chuckled.

Saka ko ang naalala yung nabanggit niya. Na ipapakilala niya raw ako sa Papa niya sa birthday niya or something kung tama man ang memorya ko. "So nasaan Papa mo?"

"He'll be here next weekend," sagot niya. "Birthday ko ngayon pero sa Saturday ang celebration. Sama ka, ah?"

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"What why?" Ngumuso siya na parang tanga. "Of course you're special!"

"Sabing hindi ako ─"

"Who else would I want to celebrate my birthday with?" pagputol niya. Natigilan naman ako dahil ang seryoso ng pagkakatanong niya no'n na para bang dapat common sense na lang sa akin yung dahilan. "I hope you're not forgetting that I like you ─ the, you know kind of like."

"Uh ─" Tumikhim ako. Ang interesting ng plato nila. Putangina, bakit ang init ng buong mukha ko? Nagb-blush ba ako dahil doon? Kailan pa nagka-effect iyon sa akin? Bwakinangshit. "Edi happy birthday."

Parang lalo yatang nagkasira-sira ang wiring ng utak ko nang ngumiti siya sa akin nang matamis, akala mo naman first ko lang makita iyon, eh, palagi naman siyang masigla.

"So, punta ka, ah?" she repeated her earlier invitation. "Pakilala kita kay Papa."

"Baka mamaya ipakilala mo akong girlfriend mo, susuntukin kita sa gums."

"Aw," Ngumuso siya pero mabilis ding natawa. Nagsimula na itong ipaghain ako kahit hindi ko naman siya inuutusan. Naglagay din siya ng isang slice ng cake. Ewan kung mauubos namin yung mga pagkain sa dami pero bahala na lang. Kakain naman siguro yung mga kasambahay niya rito. "Akala ko pa naman makakalusot ako."

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon