Chapter 15

3.1K 242 49
                                    

"This is not a date, okay?" Sabi kaagad ni Eris bago pa ako makapagtanong.

Dinala ba naman kasi ako ng babaeng ito sa isang restaurant na mukhang pangmayaman dahil kahit ang mga staffs ay English ang gamit sa pakikipag-usap.

The entire place spells luxury! High ceiling with vintage chandeliers, classic themed tables, a bar counter at front with wine and several liquors on display, pati flooring mukhang pinag-isipan. There are plenty painting display din, plus a mirror wall that overviews the scenery outside. Tapos itong table namin kulang na lang ay kandila.

Maiintindihan ko naman na mayanan siya, gets ko iyon dahil sa laki ng bahay nila at sa sobrang exclusive ng lugar nito, hindi mo na kailangan itanong pa yung ganoong bagay.

But to actually rent the whole place just for us? Punyeta sinong hindi mag-iisip ng kakaiba.

"Kakain lang ang tawag mo rito?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumahimik lang ako nang dumating yung first serve ng meal namin. May pa-appetizer pa.

"I know how picky you can be," ang rason niya. "I had the entire place disinfected and organized. Everything is to your liking. Because you wouldn't go out with me dahil ang lagi mong rason ay matao."

Napahinga ako ng malalim. May point naman siya pero tangina talaga. Magkano ginastos niya rito? Gusto niya ba ako magkautang na loob sa kanya?

Sa saglit pa lang namin na pagkakakilala ay aminado naman ako na kahit nakakagago ang ugali ni Eris ay nakatulong na siya sa akin. Hindi siya pabigat sa thesis, she's also helping me sa OJT namin, and she's quite considerate on some occasions.

I'll admit na nasasanay na ako sa presensya niya to the point na kahit nasa pamamahay ko siya ay hindi na ako bothered. It even became a habit to me to keep apples on my fridge dahil siya at siya lang ang kakain no'n.

Pero to do this? Aba awat naman. You don't spend this much just for a friend—kung magkaibigan ba talaga kami. Shuta talaga. Sumasakit ulo ko kakaisip lang ng ganitong gesture.

"Please don't think too much about this—"

"Ginagawa mo ba 'to sa mga kaibigan mo?" Umiling siya sa tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay at ginalaw ng bahagya yung pagkain na nakahain para sa akin gamit ang tinidor. "So, bakit ako?"

Napakamot siya sa bandang sentido bago hawiin ang buhok niya. Nakalugay na iyon ng maayos at para bang kahit galing kami kanina sa defense namin ay mukha pa rin itong maayos, akala mo hindi na-haggard o stressed man lang.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya. Para kasing ang lalim pero malumanay. Para kang inaalon nang mahina. Those brown eyes of her is staring at me in a way that will want me to recoil away from her.

Hindi ako sanay matingnan ng ganoon. I didn't grew up spending time to be stared at like that, or to be spared even an ounce of care.

"You're special to me."

Sumandal ako sa kinauupuan. I crossed my legs and spent enough time to look at her. Pinagmasdan ko lang maigi ang reaction niya. Yung paraan ng pagtitig ng mata niya sa akin na parang kinikilala ako palagi, the way her lips purse, then suddenly biting her lower lip like she's trying to say something but is hesitant, or kahit yung paggalaw lang ng kamay niya na para bang hindi ito mapakali o naghahanap ng tiyempo para kumilos at magsalita.

At first glance, si Eris yung tipo ng tao na talagang lilingunin mo. Sino ba naman ang hindi? Maganda naman talaga siya, kahit sino ay magkakainteres sa kanya liban sa akin. Matangkad, maganda ang buhok, mabango, and she's giving that air of superiority kahit na palangiti siya at approachable since siya nga ang student council president.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon