"Bagay sa'yo 'yang white uniform," Eris praised me. Ngiting-ngiti si tanga habang iniikot-ikot niya ako na parang manika. Kulang na lang pati tahi ng suot ko i-check ka. "You're so pretty."
"Thanks," labas sa ilong na sagot ko. "Sa'yo, hindi bagay."
"Sarap mo talaga magmahal." Natatawang pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi ko na ikinaasar ko. Inalis ko yung kamay niya saka siya kinurot ng mahina sa tagiliran. "Aray! Mapanakit!"
"OA, ang hina-hina tangina nito."
"Aga-aga may nakikita akong love birds," Sabay kaming napalingon kay Ana na kakarating lang. Kaming tatlo ang magkakasama para sa last setting ng OJT namin. "Good morning, friends!"
Pagkatapos ng Industrial setting ay kaagad na naming inasikaso yung para sa huling setting. Kailangan kasi matapos namin lahat ng hours namin before pa mag-end ang semester at ang taon. Ayoko naman mamarkahan ng INC at ituloy next year, ang hassle. Buti na lang din natapos na at sumasakit na ang mata ko kay Christopher na panay ang aligid kay Eris sa tuwing free time niya.
At parang ang dami niyang free time! Sarap sakalin!
When we told him na kami na ni Eris, aba ay nag-ala-Alberto si gago at sinabing babae naman daw ako so hindi counted. Ang daming lalaki yata sa mundo na hindi deserve ng oxygen dahil hindi dinadala sa utak para mag-function ng maayos.
Maigi nang tapos na at baka kung makita ko siya, tanggalan ko siya ng buhay.
Hindi naman din siya papatulan ni Eris dahil parang nagayuma yata itong babae na 'to at sobrang clingy sa akin.
"Good morning, Ana," si Eris ang bumati. As usual ay naka-on switch pa rin ang pagiging approachable nito. "Nag-breakfast ka na?"
"Pwede ako mag-breakfast number 2."
"Tinanong ka lang, hindi kita ililibre," Natatawang sabi ni Eris. "Wala akong pera."
Tumingin sa akin si Ana. Umiling ako. Sumimangot siya. "Kayo, mukha kayong mga expensive pero hindi ko kayo halos nakikitang naglalabas ng pera."
"Si Eris kasi laging naka-card." sagot ko kahit hindi naman totoo.
"Lah, true?!"
"ID card lang," Umakbay sa akin si Eris. Inalis ko yung braso niya dahil ang bigat. Namimihasa na masyado porke hindi ko na inaawat. "But maaga pa naman. If you're hungry, we can go eat. Try natin cafeteria nitong place."
"Arats!"
"Ikaw, baby?" Napamaang ako kay Eris sa tinawag niya sa akin. "Gutom ka?"
Anong baby? Kailan pa kami nagkaroon ng ganoong endearment?
"Ang aga-aga, huwag kayo mang-inggit!" Umangil si Ana. "Nami-miss ko jowa ko, huwag kayong ganyan."
Walang sumagot sa kanya nang magsimula na kaming maglakad. Nakapunta na kami rito last time no'ng nagpasa kaminng requirements. Marami ako nakitang mga tulad naming intern, kami-kami lang naman yung mga may nameplate na embedded yung logo ng school namin.
Pinagmasdan ko si Eris na wala yatang napapansin sa paligid. Hindi ko alam kung aware itong babaeng 'to na maraming napapatingin sa kanya. Wala, kahit saan yata siya ilagay, meron at merong makakapansin sa kanya.
Bagay na bagay yung white uniform sa kanya, kahit yata basahan magmumukhang expensive kapag siya ang gumamit. Walang paalam na kinuha niya yung bag kong hindi nama kalakihan at dinala niya kasama ng bag niya rin. Kukunin ko sana pero bigla siyang umiiwas at ginitna sa pagitan namin si Ana.
"Parang nasasaktan ako sa pagiging third wheel," reklamo ni Ana.
"That's why I placed you in the middle," pang-uuto naman ni Eris. "So you won't feel out of place."
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...