Chapter 25

3.1K 233 40
                                    

"You look really nice with corporate outfit. " Ilang beses akong kinindatan ni Eris.

"Mahipan sana ng masamang hangin 'yang mata mo." Inirapan ko siya. "Kindat ng kindat parang tanga."

Tinawanan niya ako habang nag-aayos ng paper sa file cabinet. Parang wala naman yata itong pinagkaiba sa ginagawa namin no'ng internship namin for educational setting at Guidance Office ang napili namin.

This is our second setting — industrial naman. As usual ay HR thingy, required magsuot ng formal attire ulit. Simple lang naman yung mga ginagawa namin, more on clerical tasks lang. Organizing files ng employees, payroll and leave credits, interview sa mga new hires, at kung anu-ano pa.

Ang swerte ko pa yata na affiliated ng school itong company ng tatay niya raw. Alam ko namang mayaman si Eris pero hindi naman pumasok sa isip ko na CEO type na pagiging mayaman.

"You just find me cute winking at you."

"Manigas ka."

She laughed at me again, tuwang-tuwa talaga si gago. Kahit yung mga kasama namin dito na kapwa interns at ilang HR talaga rito na nag-a-assist sa amin ay nangingiti na lang din dahil kanina pa yata kami nagsasagutan ng babaeng 'to. Kung anu-ano kasing sinasabi.

Marami rin sa mga schoolmates namin ang dito nag-ojt kaya kanina pa yata ako nakakakita ng familiar na mukha, lalo na yung mga nalapit talaga kay Eris para bumati. Ang popular masyadong ng babaeng 'to.

Ang maganda lang siguro sa kanya rito, wala siyang nar-receive na special treatment sa mga empleyado kahit aware sila kung kanino siyang anak the moment na nakatapak siya sa loob ng kompanya.

Based sa pagkakaalam ko, Papa ni Eris ang CEO pero hindi naman siya yung solo na nagm-manage ng business. Like may mga chairman eme pa, board of directors ganoon, and kaya ang tatay niya ang may highest position ay dahil sila ang may largest share sa company.

Ang lowkey naman kasi masyado ng babaeng ito, kung hindi mo pa alam, iisipin mong average type lang siya. Lahat na yata sinalo niya — maganda, matalino, responsible as president ng student council, mabait naman kahit may saltik, tapos angat pa sa buhay. No wonder lahat ay magaan ang loob sa kanya.

Napalingon kami sa may pintuan nang may kumatok. Lalaki iyon na naka-suit and tie, matangkad, clean cut, tapos ay may itsura. Yung mga kasama ko parang nag-fangirl saglit o hindi kaya ay natulala maliban sa amin ni Eris.

He flashed a colgate smile at us but he's just really looking at Eris — na mukhang wala pa ring pakialam sa kanya pero ngumiti na lang din pabalik sabay ng isang mahinang pagtango.

"Good morning, Sir," ang bati ng ilan sa kanya.

"Nalaman ko kay Sir Abelardo na dito ang internship mo." He beamed. Parang tuwang-tuwa talaga siyang makita si Eris. "Glad I'll be able to work with you."

"Sa ibang department ka." Yung itsura ni Eris parang anytime ay kukunot ang noo niya. She also sounded more formal than usual, same tone na ginagamit niya sa mga hindi niya close or kilala pero required siyang kausapin. "And 120 hours lang ang required sa amin per OJT."

"It's still plenty of days, huwag ka na magsungit." Sagot naman ng lalaking hindi ko pa rin malaman kung anong pangalan. "How about dinner later?"

"No, thanks."

Tulad ni Eris kapag tinatanggihan ko siya ay parang hindi rin apektado ang kuya mo at nakangiti pa nga ng matamis. "Sige, some other day."

Ngumiti siya sa aming lahat bago lumayas. Akala ko naman kung anong kailangan niya, papagwapo lang pala.

Tahimik na bumalik sa sarili-sariling puwesto yung mga kasama namin. Kahit si Eris nag-start nang gumawa dito sa tabi ko kaya naki-join na lang din ako kahit wala naman talaga masyado pang gagawin dahil kakatapos lang ng sahuran ng mga empleyado nang dumating kami.

"Sino 'yon?" Hindi ko maiwasang maitanong. Para kasing ang init ng dugo niya ro'n sa lalaki.

"Si Christopher Rojas," Ngumuso siya na parang labag pa sa loob niya na sumagot kasi ganoon ang tanong ko. Napapailing na hinila ko yung dulo ng buhok niya nang pabiro. "Anak din ng isa sa shareholder tapos ayan may position din siya rito pero for experience lang daw kaya hindi mataas. Madalas magpunta 'yon sa bahay not until recently dahil busy raw at may expansion kasi."

"Nanliligaw sa'yo 'yon?" Hindi pa naman yata ako sobrang dense para hindi mapansin, lalo na no'ng inaya siya mag-dinner no'ng lalaki.

"Basted na iyon ilang beses na." May sinulat siya doon sa isang papeles na hawak niya, naglalagay yata siya ng mark. "Plus nililigawan kita, remember?"

"Wala naman akong sinabing iba."

"Type mo ba 'yon?"

"Lah, pota," Hindi ko malaman kung matatawa ako o ano sa tanong niya. "Malamang hindi."

"So anong type mo?"

"Wala akong type."

Tinaas-baba niya ang dalawang kilay. "Pwede mo naman aminin na ako."

"Kapal ng mukha mo." Natawa siya sa sagot ko. Ewan ko anong ispiritu ng katangahan ang sumapi sa akin at pati ako ay natawa na. Naiiling na tinitigan ko siya. "Ikaw hindi mo type 'yon?"

"Ikaw type ko."

"Baliko ka na ba ever since?" I changd the subject when I felt my face getting hot. Parang gago amputa. "I mean no'ng bago pa sa akin, na-attract ka naman sa ibang tao? Lalaki, babae, gano'n."

"Not really," she answered. "Sa'yo lang."

Hindi ako sumagot pero tumango ako. Wala naman na akong maisip pang itanong sa kanya kasi feeling ko magiging awkward lang.

Mukhang na-hook na rin naman siya sa ginagawa. She looked so busy while writing something, if not writing ay nagbabasa naman siya. Titingin saglit sa laptop, magt-type, tapos babalik sa files. Parang alam na alam niya ang ginagawa, iba na rin siguro ang experience na nakuha niya sa Student Council.

Eris know when to take things seriously, may sense of humor din siya kahit madalas ko siyang barahin. And okay, considerate siya. If feeling niya ay may mali siyang ginawa, she knows how to make it up with the person. She's also a good friend.

Palaging alam niya ang ginagawa, and she have her ways charming people. Miski nga ako na hindi siya trip no'ng una, nakita ko na lang ang sarili ko na nato-tolerate yung buong pagkatao niya.

What's not there to like? I asked that sometimes to myself, and my head is always betraying me. Lahat yata ng meron si Eris ay likeable.

Pero hindi ko alam kung gusto ko siya romantically. Parang hindi naman? Kung oo, parang malabo? I have this feeling that I'm liking her more than a friend, but not enough to actually indulge myself more.

Sa totoo lang ay nawala na yung pakialam ko kung babae siya o hindi. So hindi ko rin ma-justify sa sarili ko na babae siya so hindi pwede. Kasi ano naman kung babae? Pero sa akin siya nagkakagusto so hindi pwede. Feeling ko hindi talaga ako girlfriend material, hindi ko naman din kailangan ng romantic relationship, at nag-e-enjoy naman ako sa friendship namin.

Mas matimbang yung friendship, at mas comfortable ako sa area na 'yon. I like being friends with Eris, anything more than that, I don't think that's something I can do.

There's nothing for me to offer, and I don't want her to wait in vain any longer. I have to do my part now.

Siguro kailangan ko na talaga siya i-reject for real this time. At siguro kailangan ko na rin ihanda ang sarili ko just in case na hindi maging pabor sa end ko yung result.

_____

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon