More than a week had passed and I just confirmed something — Eris is ignoring me.
Akala ko noong una ay wala lang iyon since busy rin siya sa upcoming events ng school so mas may ganap ang student council maging ang mga varsity players. Wala naman din akong pake dahil ano ba namang iaangal ko kung busy? Alangan pigilan ko, parang gago lang.
But right now, dito mismo sa klase, pumasok siya pero ni lingon o kahit anong sign ng pagbati ay hindi niya ginawa. Parang hindi kami magkakilala. Ito namang sina Ana, obvious na curious sila pero hindi ko lang ine-entertain. Siguro hindi rin sila makapagtanong dahil aware akong kanina pa magkasalubong ang kilay ko sa inis.
Kung bakit ako naiinis, hindi ko rin alam. Basta naiirita ako.
Tahimik kami ngayong nagsasagot dahil may long quiz kami. Buti na lang talaga at naalala kong mag-review dito sa Philosophy dahil kung hindi, matutulad ako rito sa mga kaklase kong mukhang nangangamote na. Hindi naman kasi technical yung mga questions ─ kaunti lang. Karamihan puro situational.
Ang maganda lang siguro dito, wala talagang exact na tama o maling sagot, but the questions are so tricky. So nakakasunog pa rin ng utak mag-isip. Kailangan talaga familiar ka sa mga napag-aralan na or else itlog talaga ang magiging score mo.
Wala sa sariling nalingon ko ang pwesto ni Eris, katabi niya yung magkapatid na sina Kara at Kean. Ang seryoso niya tingnan pero mukhang hindi naman ito nahihirapan magsagot tulad ko. Nagulat pa ako at naramdaman yung mabilis ngunit saglit na pagkabog ng dibdib ko nang mag-angat siya ng tingin at saktong nagtama ang mata namin ─ pero mabilis din siyang umiwas.
Okay, so ayaw niya nga talaga akong pansinin.
Napasandal ako sa upuan habang dino-double check ang papel kong tapos ko nang sagutan. Confident naman ako sa mga sagot ko, pagtapos nito ay ipapasa ko na lang ito sa prof dahil pwede nang umalis ng klase as long as okay na ang exam.
Huminga ako ng malalim at tumayo bitbit ang papel at bag ko. Parang tanga naman itong mga kaklase ko na napalingon sa akin na hindi ko na lang pinansin. Diretso lang ang tingin ko na naglakad sa harap at inabot sa babaeng prof ang answer sheet and yung questionnaire sa kanya. Tumango naman siya at nginitian ako, edi ngumiti na lang din ako kahit pilit.
"You may go now, Miss Cruz."
"Thanks po."
Lumabas ako ng room nang hindi lumilingon, para pang nakahinga ako ng maluwag after no'n. Siguro kasi hindi ko na makikita si Eris na nakakabwisit dahil hindi ako pinapansin. Isang linggo na siyang nag-iinarte ng ganoon, ah.
Isa lang naman ang naiisip kong rason bakit nagkakaganoon yung babaeng iyon ─ nagtatampo siya. If not nagtatampo, siguro napagdesisyunan niyang wrong choice na ako ang kaibiganin o magustuhan man lang.
Kung tutuusin ay pabor sa akin iyon, at least hindi ko na kailangan ma-involve sa kanya, bawas tao. Pero tangina talaga, masyado na ba talaga akong na-attached doon sa Eris Belona na 'yon to the point na kapag nakikita ko siya ay naiinis lang ako dahil ang lakas ng loob niyang mang-ignore?
Bawal bang hindi pumunta ng party niya? Hindi naman ako nangako ng kahit ano sa kanya, hindi rin ako nagbigay ng motibo para asahan niya yung presence ko ro'n so bakit parang may kasalanan ako? Okay, at fault ako sa part na hindi ako nag-reply o sumagot man lang ng tawag niya pero ─ putangina.
"Bianca! There you are!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumakbo si Stella palapit sa akin, pawis na pawis ito kaya napangiwi ako at napaatras ng ilang hakbang.
"What?" Parang naguluhan pa siya sa ikinilos ko. "What?"
"Kadiri mo, tanga."
Tinawanan niya ako. Parang umitim yata siya lalo, pero okay lang naman tingnan sa kanya. Siya yung klase ng babae na maganda kahit yata maging purple ang skin color niya.
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...