Chapter 30

3.5K 226 66
                                    

"Hi, friend!"

Anak ka ng putangina.

Wala sa sariling napa-check ako sa oras at napaungol nang makitang kaka-seven pa lang ng umaga. Ano't narito silang lahat? Kakagising ko lang!

Hinanap ng mata ko si Eris pero nang makaamoy ako ng sinangag ay kaagad kong napagtanto na nasa kusina siya at nagluluto.

Pinanood ko lang si Ana nang ilagay nila ang mga gamit sa sofa. Sina Mariecar at Melanie naman ay parang tangang tumayo sa harap no'ng record player habang chine-check yung mga disk na available.

"So amazing! Nagana ba ito? Nakakain ba 'to?!"

Walang sumagot sa kanila maliban kay Alberto na naki-join din sa katangahan. Try nila kumain ng record player, mga tanong talaga.

Magkakatabi naman ang magkapatid na sina Kara at Kean pati na rin si Stella na biglang kumindat sa gawi ko nang magkasalubong kami ng tingin. Tinasaan ko siya ng kilay. Aga-aga nanggagago.

"Anong ginagawa ninyo rito?"

"Oh, I invited them." Napalingon ako kay Eris na saktong kalalapit lang sa akin. Sinipat ko ang kabuoan niya. She's wearing a pink apron at kung bakit pink ay hindi ko rin alam. Mataas ding nakapusod ang mahaba niyang buhok habang may hawak siyang sandok, bahagya ring namumula ang pisngi niya. "I cooked enough, nag-breakfast na ba kayo?"

"Willing ako mag-second hanggang third round ─"

"Walang nagtatanong sa'yo." putol kaagad ni Eris kay Alberto. "Hindi ka kasama sa food count actually."

Hindi ko malaman kung nagbibiro siya o ano pero walang bakas ng pang-aasar ang expression ng babaeng naka-pink na apron. Siraulo talaga 'to. Masyado siyang gigil doon sa tao.

Nagpapaawang tumingin sa akin si Alden. "Kawawa naman ako..."

"Mangisda ka na lang sa labas," baliwalang sagot ko. "Ayon ang dagat, malawak. Marami ro'n."

"Grabe na kayo sa akin."

"Bakit ka kasi nagpilit sumama, hindi ka naman invited?" Natatawang tanong ni Stella. Para naman siyang sasabak sa marathon sa sport style niyang outfit. Pero bagay naman sa kanya, lakas ng dating ng morena skin plus athletic built din kasi ang katawan. Matangkad pa, tangina.

Si Mariecar naman at Melanie ay parang pinagbiyak na bunga, ako na mismo ang nalilito dahil parehas M ang simula ng pangalan nila at halos same na sila ng reaction, nagagawa siguro nang palaging magkasama. Ang kikay nila parehas tingnan pero naka-summer outfit ang mga tanga, eh, medyo may kalamigan ngayon. Hindi naman talaga beach season.

Si Kara at Kean, parang outfit pa rin kapag washday ang ganap ─ simpleng jeans and pants at flat shoes. They looked simple but appealing? Since parehas naman silang maganda talaga kung tutuusin. Si Alberto, well, mukha siyang water boy na hindi ko maintindihan. Why was he wearing a plain white sando and khaki shorts in the first place? Para siyang misplaced surfer.

Si Ana naman ay jusko ─ naka-NSTP shirt siya kahit pang-first year lang yung uniform na iyon tapos naka-tuck-in pa sa suot na highwaisted jean. Anong trip nito?

Parang wala na silang damit sa kanila at basta na lang namili ng damit na available.

"Tara na nga, ditong kusina." pag-aaya ni Eris.

Sumunod naman kaming lahat na akala mo ay mga anak lang na kakain muna bago pumasok sa school. Maingay as usual sina Ana habang tahimik lang yung magkapatid. Si Alberto ay dumiretso ng cr dahil tinatawag daw siya ng kalikasan habang si Stella ay parang lintang gustong sumiksik sa akin kung hindi ko lang siya tinutulak.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon