"Nakapili na ng tatlong titles." Napatango ako sa sinabi ni Eris. Mukhang natutuwa siya sa progress kahit na nagsisimula pa lang.
Kakalabas lang namin ng Department. Sana pala pinag-isipan ko yung mga titles na sinulat ko. Tangina, kung ano yung mema lang, iyon pa ang nakuha. Hindi man lang naisama ang gusto ko. Although, may napiling isa rito sa kasama ko na talagang ikina-excite niya.
"Gagawan lahat ng title proposal," sabi niya.
"Oo nga, nakakatangina."
"Ang bibig mo na naman," pananaway niya. Umirap na lang ako.
Tangina naman kasi talaga. May pasabi-sabi pa sila na kung anong gusto naming title, iyon ang kunin namin kasi mas madaling gumawa kung gusto ang ginagawa. Gago ba sila? Yung instructor din naman ng subject ang namili? Galing nga sa amin ang titles, sa kanila pa rin naman ang decision.
"Parang tanga kasi," sabi ko sa kanya. Itinago niya yung papel namin sa bag niya. For sure gusot na ang kawawang papel, o 'di kaya'y amoy mansanas na. "Kita mo, id-defense natin iyang tatlong title. Kung hindi rin naman isa't kalahating gago, sila sa huli ang mamimili. Hindi tayo."
"That's how it works, Bianca." Nagkibit siya ng balikat at humugot ng—as usual—mansanas. "They just pick which they think is the best."
"Their thoughts are merely subjective. Pwedeng sa kanila, maganda, sa atin ay hindi." Naglagay ako ng sanitizer sa kamay. Napabuntong-hininga na lang ako habang nagpipigil ng init ng ulo. Mga epal sila. "Edi sana hindi na lang nila sinabi na tayo ang may choice sa kung ano title natin. Gaguhan kasi, Belona—"
"Abelardo—"
"Again, wala akong pake." Inirapan ko siya. She just chuckled, which annoyed me more. Pero mas annoyed ako sa mga letseng professors na iyan. "Gaguhan kasi. Paasa mga puta."
"Ang dumi talaga ng bibig." Ngumiti siya at umiling na para bang hopeless case ako ng isang tao na walking cussing machine.
"So?" Walang ganang sinipat ko siya ng tingin. Namaywang ako.
"Wala lang. Ganda ka pa rin."
"Panira kang hayop ka." nanggigigil na saad ko. Ang sarap saktan, eh. Ano bang nakita nito sa akin at parang nagayuma yata? Meron yatang may galit sa kanya. "Kung kailan ka kinakausap ng maayos—letse ka."
"Sorry na," Mukha siyang tuta.
"Bahala ka." I scoffed.
"Kailan mo gustong gumawa?" she asked instead. Saka lang ako kumalma dahil mukhang matino naman ang pag-uusapan namin. "Mabilis lang ang araw. Mauuna pa naman tayo sa title defense."
"Oo nga, eh. Nauna kasi tayo magpasa. Tuloy, inuna na rin tayo."
"So, ano?"
"Gawin na natin kaagad." sabi ko sa kanya. Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa madalas kong tambayan—na naging tambayan na niya rin kahit labag sa loob ko. Ano pa bang magagawa ko, eh, panay ang buntot ng letseng babaeng 'to.
"Kailan?"
"Bukas?" patanong na sagot ko. She pursed her lips, halatang nagc-consider ng mga bagay-bagay. The sooner, the better. Ayokong tumulad sa iba na nangangarag tapos iiyak at magrereklamo kesyo wala na silang time. Habang maaga pa, kahit nakakawalang gana, gumawa na lang. "Basta this week."
"Where do you want to do it then?"
Nanahimik ako. Kung sa bahay nila, malinis kaya? Kung sa bahay ko naman, mukhang nasa disadvantage ako dahil malalaman niya kung saan ako nakatira. Pero hindi naman siya siguro aabot sa point na mag-a-ala stalker talaga siya hanggang labas ng school? Fuck. Ang hirap mag-decide! I should choose the safer one.
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...