"Pretty naman."
Gustuhin ko mang magmura ay hindi ko magawa dahil may kasama kami rito sa loob ng Guidance Office. Tangina talaga. Wala akong choice kung hindi tingnan siya ng masama since hindi naman kami tanaw ni Ma'am Diol although maririnig niya kami dahil maliit lang naman ang office. Ayoko namang magkaroon siya ng bad impression sa akin lalo na at first day ng OJT ko ngayon.
Kaunting timpi lang, Bianca.
"Good morning, Ma'am!" Bati ni Eris gago nang makalapit siya sa prof. "Pretty rin kayo today."
"Nambola pa ang batang 'to," Natawa si Ma'am Diol sa kanya. Based sa way ng pakikipag-usap nila sa isa't isa ay close ang dalawa. Formal naman kasi ng slight sa akin si Ma'am, siguro kasi formal lang din ako.
Never talaga akong naging at ease sa teacher, except na lang siguro kay Sir Noah dahil kaklase ko siya no'ng estudyante pa lang ito at kahit papaano ay magkakilala na rin. Hindi naman nagbago ang tingin ko sa kanya kahit naging teacher na siya, ganoon pa rin naman ito kahit hindi kami close.
Tahimik na naupo ako sa pwesto ko matapos maglinis. Iyon talaga ang una kong ginawa kahit hindi ako sinasabihan dahil feeling ko marumi dito sa loob kahit hindi naman. Seven pa lang naman ng umaga, marami nang estudyante pero wala namang pumupunta rito unlike sa ibang mga office.
At dahil maliit lang ang office ay mabilis lang ako natapos. Pagpasok pa lang kasi rito sa loob, may mga upuang naka-align na sa left side which are for students waiting in line here. Sa right side naman ay isang malaking filing cabinet na nakatalikod. Sa harap naman ang table—kung saan ako nakapuwesto—at maraming mga pamphlet na naka-display. Sa right side ay may computer table at siyempre ang computer at printer.
Kapag lumiko sa kanan ay may dalawa pang table para doon sa dalawang prof. May dalawang room pa rito na maliit, ang isa ay interview room samantalang ang pangalawa ay office ni Ma'am Diol. Mas maraming gamit doon pero approved naman sa akin dahil organized. Ang sarap sa mata tingnan.
Pasimple kong pinagmasdan si Eris at tulad ko ay naka-formal attire din siya. Bagay ang suot nitong black pantsuit habang puti ang inner clothing nito. She looks elegant—as usual. Naka-pony rin ng mataas ang mahabang buhok niya na karaniwang nakalugay lang. Ang liit ng mukha niya at bagay ang jawline nito, maamo pa rin tingnan.
Iniwasan ko siya ng tingin at hindi na inintindi. Ang aga-aga siya ang ino-observe ko. Makagawa na nga lang ng magagawa!
Kinuha ko yung mga papers na ni-print ni Ma'am kanina. Puro quotations ang laman no'n na kailangan kong gupitin at irolyo para ilagay sa box na idi-display dito sa glass window. May butas naman iyon kaya hindi ko na kailangan lumabas.
Yung mga pa-quotes ay pakulo nila Ma'am Diol para sa mga estudyante. Every morning, pwede silang kumuha sa box ng isang rolled paper na may lamang quotation. Parang fortune cookie...wala nga lang cookie.
"Hello, Maria Clara." Napairap ako nang umupo sa tapat ko si Eris habang ngiting-ngiti sa akin. Nabubuwisit na ako sa tinatawag niya sa akin pero ayaw namang tigilan ng hayop na 'to. Humalumbaba siya at sinilip yung mga ginugupit-gupit ko. "Let me help you."
"Ikaw bahala."
Tumawa lang siya ng mahina at kumuha ng gunting at ilang papel na gugupitin. Hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy lang sa ginagawa. Maya-maya siguro ay may dadating nang mga estudyante kahit papaano. Sana naman ay hindi ako ma-bored. Ang sabi ni Ma'am sa amin ay wala ngayon yung dalawa pang prof na assigned dito pero pumasok sila, sadyang busy lang sa faculty. Kahit siya kailangan umalis mamaya.
Puro mga thesis kasi ngayon inaayos ng mga fourth year. Napabuntong-hininga ako sa isiping kami lang ni Eris mamaya rito ang maiiwan. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...