"Hoy mag-sorry ka!" Gigil na sabi ni Ana doon sa kaibigan niyang lalaki na noong isang araw lang ay walang habas na pinainit ang ulo ko. Hinampas niya pa ang ulo no'n nang hindi makuntento.
"Teka, nananakit ka na!" Ang reklamo nito.
"Mag-sorry ka, tanga ka talaga!" Pinandilatan siya ng mata ni Ana at mukhang tumitiklop naman na yung kapre sa kanya at parang aso na nagpaawa. "Kung hindi ka rin isa't kalahating bobo, si Bianca pa talaga sinubukan mong patusin. Jusko kang bata, I kenat this kabobohan."
"Eh, sa type ko."
"Hindi ka nga type. Tingnan mo itsura mo, mukha kang hindi naliligo. Ang tangkad mo pero kapag naghubad ka mukha ka lang ihawan, may tuberculosis ka ba?"
"Wala!"
"Naman pala! Kumain ka!" Parang nanay si Ana kung manermon. Pasimple kong tinakip ang puting panyong dala sa bibig ko dahil natatawa ako kahit alam kong seryoso namang badtrip siya doon sa lalaki. "Tapos seriously? Alden Richards? Eh, Alberto pangalan mo!"
"Malapit lang naman Alden sa Alberto." Giit ni Alden — na Alberto pala ang tunay na pangalan. Tumingin siya sa akin at mukha namang nag-reflect na ito sa kabobohan last time. "Sensya na talaga, pero girlfriend mo talaga iyon si Eris Abelardo?"
Napahinga ako ng malalim at alanganing tumango. Tangina talaga. Ngayon tuloy ang alam ng mga ito ay girlfriend ko talaga si Eris — kahit hindi naman. Okay, nanliligaw, pero, hindi ko naman sasagutin iyon.
"Mukha bang magsisinungaling si Eris sa atin, eh, president iyon?" Pagtatanggol naman ni Ana. Para akong nakukusensya na ano. Nagsitanguhan naman yung si Melanie at Maricar na friends niya. Para silang kikay na ewan.
"Kapag si Eris naging lalaki, pihado mas gwapo pa sa'yo 'yon, kuyasizt," Natatawang komento no'ng Mariecar. Tinapik pa nito sa balikat si Alberto na parang nakikiramay dito. "Sabi sa'yo huwag ka na magtatabako. Kahit nga ako may crush doon, eh."
"Girl crush ko rin siya." Nakipag-appear si Melanie kay Mariecar.
"Lahat na lang ba ng babaeng maganda, maganda rin ang hanap?" Parang naupos na tabako si Alberto at mukhang malapit nang gumawa ng music video sa gilid.
Parang tanga talaga.
"Paanong hindi hahanap ng maganda kung puro below standard kayong mga lalaki?" Nawala na ang banas sa mukha ni Ana at napalitan nang nanunuksong expression. "Sabi sa'yo, hindi lahat nadadaan sa pagwapo at pamimilit, okay?"
Sumilip na lang ako sa view sa labas mula rito sa fifth floor building na tinatambayan namin. Wala pa kasi yung prof namin sa Rizal tapos itong si Alberto raw ay vacant class kaya nahila rito.
Wala rin si Eris, ewan ko kung nasaan. Malaki naman na 'yon, kaya na niya sarili niya.
Mainit pa rin as usuap pero mahangin kasi rito kaya ayos lang. Maraming estudyante bukod sa mga clsssmates ko ang nakatambay ngayon. Yung iba nagsimula na ng klase kaya kami na lang halos ang nag-iingay. Yung iba nakaupo na sa sahig — may naglalaro pa ng concentration.
Parang gusto ko na lang umuwi.
"Ana, Ana, Ana," Napatingin ako kay Alberto nang akbayan niya ang nasabing babae. "Hindi lahat ng lalaki, below standard, okay? Nasa standard ako —"
"Wala." Chorus nina Ana, Melanie, at Mariecar sa kanya.
"Nasa standard ako!"
"Kung standard ka bakit hindi ka namin type?"
"Kasi friends ninyo ako, walang malisya. Tropa tayo rito." Tumingin ang kapre sa akin at kumindat. "Pero para sa iyo, pwedeng more than frie — aray, Ana!"
"Tama nang kalandian —!"
Lahat sila ay natigilan at napatingin sa gilid ko, saka ko napagtanto na dumating na si Eris nang lingunin ko. She was smiling at me, pero parang amused na amused ang itsura nito. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi siya nag-iisa.
Kasama na naman niya si Stella. Bakit nandito 'yan?
"Ayan, nandito nang jowa." Nang-aasar na tiningnan ako ni Ana. "Ay, bagay."
"Jowa?" Stella was sming but she looked curious. Tumingin siya sa akin then kina Ana. "Nino?"
"Mine," Mas dumikit sa akin ai Eris at ang gago, walang paalam na umakbay sa akin. Ngali-ngali akong alisin iyon at nang masakal siya pero nagpigil ako.
Buti na lang walang pakialam yung mga ibang estudyante kesyo nandito si Eris o wala. Bahagya lang silang napatingin kanina pero kanya-kanya na ulit ng trip at mundo.
Parang naguluhan naman si Stella. "May girlfriend ka? Wait, hindi ka straight?"
Nagkibit ng balikat si Eris at natatawang isiniksik pa ako sa kanya. Hindi na ako nakapagpigil at pasimple siyang tinulak. Lumayo naman ito ng kaunti. Tinapik-tapik ko ang uniform ko at inayos ang napansing lukot. I took out my alcohol and sprayed a bit.
Gulong-gulo naman silang napamata sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano?"
Hindi naman sila nagsalita. Napairap ako.
"Who wouldn't like Bianca? Kahit sino mapapabaliko nito —"
"Except sa akin," putol ni Ana.
"Tsaka ako," dagdag ni Melanie.
"Samedt, mare." sabi pa ni Mariecar. "Pero pwede naman sa'yo, Eris — aray! Ana!"
Eris cleared her throat. "Seems like wala akong karibal —"
"Ako —"
"Yup, wala nga." Pinutol na kaagad ni Eris si Alberto bago pa matapos nito ang sasabihin.
Hindi siya kawawa pero nakakatawa itsura niya.
Hindi ko mabasa yung expression ni Stella, pero para siyang natatae. Humakbang siya palapit sa akin at walang pasabing tinulak palayo si Eris.
"Hey —!"
Umismid si Stella. Nilingon niya saglit si Eris at ewan ko pero tiningnan niya bigla ng masama yung isa. Then lumingon ulit siya sa akin. Kulang na lang yata ma-corner ako rito. Baka bigla na lang ako ihulog nito, nasa fifth floor pa naman kami.
"This is annoying," Parang batang magmumukmok si Stella. "Naunahan ako ni Eris."
"Huh?"
"Huh?"
"Huh?"
"Chismis ba 'to?"
Napalingon kami sa sinabi ni Mariecar. Pero walang pumansin sa sinabi niya.
Wait nga!
"Girlfriend mo talaga si President?" ang tanong nito sa aki . "Hindi ka pinilit or anything?"
"Uh..." Putangina. "Tangina. Ang init. Lumayo nga kayo!"
Ayaw nilang gumalaw kaya ako nang lumayo. Pagsiksikan ba naman sarili nila sa akin, eh, ang init ng panahon. Parang mga gago magtatanong na lang.
"Girlfriend ko nga 'yan," sabi ni Eris. "Tanungin mo pa. Mukha ba akong sinungaling?"
Ngumuso si Stella. Natatawa naman si Ana, si Alberto parang gusto rin yatang humiling na sana hindi totoo sinasabi ni Eris.
Napasubo pa yata ako.
"So, ano?" Stella tried grilling me with her stares.
"Wait nga, baliko ka rin?" Hindi ko maiwasan itanong.
"Obviously?"
"Kapag magaganda talaga, laging maganda ang hanap." Alberto looked highly disappointed. Anong gagawin, eh, mukha siyang hikain.
Sumasakit ang ulo ko sa mga 'to. Sabi ko dati gusto ko lang iraos ang college ng tahimik pero kabaligtaran ang nangyayari. Kinarma pa yata ako no'ng nakisakay ako kay Eris.
_____
BINABASA MO ANG
Discord (GL) [COMPLETED]
Romance[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na araw-araw na lang lumalamon ng apple ay tahimik na sana ang buhay niya. Ayos n...