Chapter 10

4.2K 281 34
                                    

Napahilot ako sa sentido ko sa ingay. Katabi ko si Eris habang sa harapan naman namin ay nakaupo iyong dalawang kaibigan niyang sina Kean at Kara. May baon na lunch box yung dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil kahit may laman ang bibig ay panay ang daldal nila, pero mas madaldal talaga si Kean.

Bagay nga silang magkakaibigan, at sure akong hindi dapat ako nandito.

"Ang saya, 'di ba?" Ang hyper ng boses ni Eris. May hawak siyang mansanas as usual. Hindi ko alam pero nasasanay na yata ako sa ganoong hilig niya sa prutas na iyon. It's still fucking disgusting though. "The more, the merrier."

"Hindi."

Napabuntong-hininga ako. Nakaka-stress sila. Yung alone time ko, wala na, sira na. Kung hindi nakabuntot sa akin si Eris, walang pakundangan naman niya akong sinasali sa circle of friends nila. Fine, mas matino yung magkapatid kumpara sa babaeng dugyot na ito but still, sobrang daldal nila kapag magkakasama. Sumasakit ang ulo ko sa ingay.

Never ko pang nakausap yung dalawa. Mukhang matalino si Kean with her red eyeglass, mukhang tahimik pero once na sila-sila na lang ang magkakasama, saka umaandar ang bibig nito. Parang naipon lahat ng kwento niya sa isang buong araw kung dumaldal. Si Kara naman ay parang masungit ang dating, pero palangiti, halata nga lang na mabilis siyang mahiya. Parehas silang wavy ang buhok, hanggang balikat ang kay Kean samantalang hanggang baywang naman ang haba ng kay Kara.

Hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila at wala akong pakialam.

Niligpit ko ang pinagkainan. Tumayo na ako bitbit ang bag kaya napatingin sila sa akin. Parang mga tanga. Hinila ni Eris ang laylayan ng uniform ko no'ng aalis na dapat ako. Tiningnan ko siya ng masama.

"Saan ka pupunta?"

"Pakialam mo?"

"Mean talaga," Napairap ako nang ngumuso siya. "Bilis mo naman kumain, eh. Dito ka pa."

Tinitigan ko lang siya. Nang tanggalin niya ang kamay na nakahawak sa laylayan ng uniform ko ay saka ako mabilis na naglakad paalis. Walang salita na inabot ko yung pinagkainan ko kay Ate Mel  at umalis na. Nakakairita ang ingay ng mga estudyante ngayon.

Hindi ko na tatapusin ang buong klase. Hindi naman ako babagsak sa isang absent lang, isa pa kaya ko namang maghabol sa lessons dahil humihingi naman ako ng soft copy ng mga lectures. Mas convenient na ang pag-aaral ngayon kahit ang daming seremonyas dahil na rin sa technology. Kung noon, kailangan pa ng Manila paper o cartolina sa harap, ngayon PowerPoint presentation lang, buhay na ang klase.

Umiiwas ako sa part na crowded habang naglalakad palabas ng school. Napabuntong-hininga ako. Nawawala na ang asar ko pero hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa nakaraan. Kung tutuusin, parang kailan lang nangyari lahat.

I had friends, pero wala na akong communication sa kanila. Hindi na rin naman na kailangan, ganoon talaga, eh. It's either you will keep in touch in people or you won't at all. May dahilan ako. Minsan nakakapanghinayang, nakakalungkot, pero nandito na ako ngayon. Kailangan ko na lang panindigan.

I don't need friends. Lalo na kung mahirap malaman kung sino ang totoo sa hindi.

Kumuha ako ng payong nang hindi ko na matiis ang init ng katanghalian. Binilisan ko ang paglalakad, gusto ko nang umuwi. Gusto ko na lang matulog. Baka sakali paggising ko ayos na ulit ako. Ayoko ng ganitong nab-bothered ako dahil lang sa mga walang kwentang tao.

"Uy, friend!"

Natigilan ako sa paglalakad nang may humila ng uniform ko. Masama ang tingin na binigay ko sa babaeng gumawa no'n sa akin. Saka ko lang napansin na familiar siya. Nakangiti pa rin siya kahit ang hostile ng naging reaction ko. Si go-friend pala ito, yung kaklase kong cheerful tuwing klase sa Rizal.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon