Chapter 29

3.3K 260 113
                                    

Tangina nito ni Eris. Kaya pala ang lakas ng loob dalhin ako rito kasi may rest house ang babae na sa kanya nakapangalan. Gaano ba sila kayaman?

"Gabi na, uuwi na ako." sabi ko sa kanya. Ni hindi ako nag-abalang pumasok sa loob, nandito lang ako sa tapat ng pinto. Para kasing siraulo, dadalhin-dahil pa ako rito, akala yata ay ayos lang sa akin. May balak pa naman akong umuwi. Hello, sasakyan ko gamit namin.

Pwedeng-pwede ko siyang iwan.

Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan niya ako sa braso at marahang hinila palapit sa kanya. "Let's stay the night."

"Gago ka ba —"

"Weekend naman bukas and wala tayong pasok. Let's stay for the weekend."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang seryoso niya tingnan. Parang natatangahan na rin ako sa sarili ko dahil parang hindi ko makapa sa sarili ang pagtanggi.

Hindi naman kalayuan itong dinayo namin, kung may mangyari mang aberya o kahit akong dyahe sa buhay ko ay pwede naman ako umuwi kaagad.

"Fine," Sinipat ko yung oras sa phone ko at tuluyan nang naglakad papasok. Hinubad ko ang suot kong sapatos. "Gutom ka na ba?"

Gabi na rin kasi. Parang ang bilis lang ng araw, ang tagal-tagal yata naming nag-moment doon sa labas, akala mo gagawa ng music video ang mga deputa.

"Napasuyo ko nang mag-re-stock. I can cook if you want," sabi niya. "Or we can eat outside, may resto rin namang malapit."

"Tangina, planado 'to, 'no?" Yung pag-abang niya sa akin, itong rest house, pati yung stock ng pagkain na sinasabi niya. Ano pa nga bang ine-expect ko sa babaeng ito?

She smiled sheepishly at me. "Slight."

"Slight mo mukha mo."

"So, ano na?" She dismissed my retort. "I'll cook or —"

"Ako na." Walang kaabug-abog na sagot ko.

Ipinatong ko ang bag sa single couch at nilibot ang tingin sa kabuoan ng lugar. Kumpara sa bahay nila talaga ay maliit lang ang rest house na ito, pero mas malaki pa yata ito ng slight sa bahay ko.

Simple lang din ang design ng interior - wood grain flooring, beige colored walls and a mirror wall on one side. Kitang-kita ko ang reflection naming dalawa ni Eris. May sofa and couches, tapos ay may carpet pa. May TV set din at isang vinyl record player din sa gilid na nakapatong lang sa table and ilang vinyl disk na naka-display.

"Nagana ba 'yon?" tanong ko kay Eris at tinuro yung record player. Naglakad ako palapit at pinadausdos ng marahan ang tip ng daliri ko sa edge no'n. Parang mamahalin masyado, baka makasira ako.

"Oo," Lumapit siya sa akin at kumuha ng isang disk. The Beatles pa nga ang hawak niya. "Try natin?"

"Ikaw bahala."

Tumawa siya at walang salitang sinet nga iyon habang ako naman ay nanonood lang. Hindi rin nagtagal ay pumailanlang sa paligid ang tunog na nagmumula ro'n. Tunog luma na hindi ko ma-explain, parang ang nostalgic lang. Hindi sobrang ganda ng quality unlike kung makikinig ka sa Spotify pero ang comforting sa feeling.

Napatingin ako kay Eris nang mahuling nakatitig lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"

Ngumiti siya at walang paalam na pinisil ng mahina ang pisngi ko. "Ang ganda mo."

"Parang tanga," Tinapik ko palayo ang kamay niya at tinuon sa ibang direksyon ang paningin na akala mo may hinahanap. Sinubukan kong kalmahin yung putanginang puso ko na bigla na lang kumabog. Wala namang kwenta yung sinabi niya pero tangina talaga. "Saan yung kusina?"

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon