Chapter 33

2.9K 227 82
                                    

"Papa wants to see you pala."

Natigilan naman ako sa pag-aayos ng mga papers na hawak at napalingon sa kanya. Wala kaming pasok ngayon sa OJT namin at tapos na rin ang last class pero nandito pa kami sa school dahil inaayos namin yung mga in-approved na scales na gagamitin namin for pre-test ng mga participants na napili namin. Nakuha na rin naman na namin kasi ang approval no'n sa mismong mga developers and in return, ay dapat mag-send kami ng results after ng research.

"Bakit daw?" tanong ko. Simula ng naging kami ay hindi naman pumasok sa isip ko yung tungkol sa Papa niya. Hindi ako concern or worried, siguro kasi technically ay lumaki na akong walang magulang kaya parang wala rin akong pakialam sa magulang ng ibang tao.

"Because you're my girlfriend?" sagot niya na parang iyon na dapat yung pinaka-obvious na sagot at hindi na necessary itanong. "Of course he's curious who you are and what you look like."

"Edi sana sinend mo sa kanya picture ko at sinabi mong masama ugali ko." walang anong sagot ko.

Natawa naman siya at pabirong binunggo ako sa balikat. Hindi naman ako kumibo at basta na lang tumayo no'ng maayos ko na yung mga gamit namin. Lumabas kami mula sa bakanteng classroom na pinagtambayan namin saglit para mag-ayos at sabay na naglakad palabas. As usual, binabati pa rin siya ng mga estudyante pero ang kaibahan lang ─ pati ako binabati na ng mga hanimal.

Hindi rin kasi nagtagal ay kumalat na sa buong school na girlfriend ako ni Eris, kung sino man ang nagkalat, malamang isa lang iyon sa mga kakilala namin na alam kung anong meron sa aming dalawa. Edi ayon, napalabas kami sa closet nang wala sa oras kahit wala naman sa hinagap naming magtago.

Okay lang sana, pero ang mga deputa, first lady ang tawag sa akin. Parang nakakagago.

"That won't work, Bianca," Nakangiti lang si Eris sa akin. "That's my father we're talking about, I think it's proper lang na makita ka niya since we're now going out."

"Bakit? Hindi naman siya yung girlfriend ko."

Natawa siya lalo. Wala naman nakakatawa sa sinasabi ko. "I don't know if you're sweet or what sometimes. Pero seryoso, okay lang ba kung makita ka niya? I also want to officially introduce you to him."

Tiningnan ko siya ng ilang segundo. Feeling ko wala ako karapatang tumanggi unless wala akong pakialam kung malungkot man siya. Napakamot ako ng mahina sa sentido ko. Ang hirap magpalaki ng girlfriend. Pero sabagay, wala naman mawawala kung papayag ako. "Okay, kailan ba? Ngayon na?"

"Yes!" She looked happy. "He's out of town ngayon, eh. But he'll surely set the time and date once he's available."

"Ang busy masyado ng Papa mo." hindi ko mapigilang mapuna. Nakalabas na kami ng gate, magalang na kumaway pa yung guard kay Eris at tumango naman itong isa. Ako wala lang, katamad mag-adjust. "May social life pa ba 'yon?"

Nagkibit siya ng balikat. "It's hard to run an entire company I guess."

"What if ipamana na sa'yo yung business ninyo?"

Mukha namang napaisip siya sa tanong ko. Kasi kung tutuusin, ang layo ng course niya sa business ng Papa niya. Wala naman akong alam sa mga ganoong bagay, but usually, when your family runs a business and you're to inherit it, it's encouraging to take business related courses din. Pero eto ang babaeng ito at nag-psychology. 

"Magtatapos na nga pala tayo next year." Napatango naman ako sa narinig. "Wala naman sinasabi si Papa about doon, pero tingin ko at some point, ie-expect niya rin akong sumunod sa yapak niya. Maybe we can manage it together?"

"Ba't ka nandadamay? Nagtatanong lang naman ako." Siraulo 'to, gagawin pa akong business partner, wala naman akong alam sa ganoon.

"Siyempre, ikaw makakatuluyan ko. For richer, for poorer, in sickness and in health, until death ─"

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon