Chapter 9

3.9K 290 10
                                    

"Sakit ng ulo ko." Sumandal ako sa sofa at tumingala. Ipinikit ko ang mata ko. Pakiramdam ko napintig ang frontal lobe ko dahil gamit na gamit. "Tangina."

Narinig ko yung paghagikhik ni Eris. Hindi siya maganda sa pandinig dahil naaasar ako. Tiningnan ko ng masama ang babaeng germs na kasama ko. Nagtaas siya ng dalawang kamay at sumandal sa single couch habang sa carpet nakaupo. Ganoon ang style niya, hindi ko na lang pinapakialamanan.

"Hot mo naman." Kumindat siya. Hiniling kong sana tamaan siya ng masamang hangin at hindi na dumilat pa ang isang mata pero wala.

"Nakakairita ka. Gago."

"Gutom lang 'yan, eh." Sinipat niya ang laptop niya which I did the same. Sinara niya iyon pagkatapos bago ako tingnan. "Tanghali na pala. Dito ka na mag-lunch, check ko lang kung anong ulam."

"Malinis—"

"Maria Clara, safe ka rito, don't worry." Kumindat na naman siya. Tangina talaga nito. "Free from germs! Malinis siento porsyento!"

"Hindi ako si—"

"Well, hindi rin ako si Eris Belona." Tumayo na siya. She stretched her shoulders para mawala ang pagkangawit. "You better start memorizing my name surname kasi kailangan mo 'yon."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi na nag-abala pang sumagot. Tinawanan niya lang ako bago umalis. Isinara ko naman ang sariling laptop at hinilot ang sentido. Masyado yata kaming nagpakadalubhasa sa thesis proposals namin. We were so serious a while ago at iyon na yata ang pinakamahabang oras na hindi kami nag-away.

Kapag nagtatanong ako sa kanya ay maayos siyang sumasagot, she was even giving suggestions to improve the proposal at sa totoo lang, lahat ng nalabas sa bibig niya ay relevant. No wonder president siya ng student government. Kung sana ganoon palagi ang pinapakita niyang ugali, siguro hindi ako aabot sa point na inis na inis sa kanya.

Asar pa rin ako kay Eris but she's tolerable when serious. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang good catch siya as a partner. I like her intelligence and sense of responsibility pero overall, ayoko pa rin sa kanya. Matapos lang talaga lahat ng ito, maka-graduate lang ako, magpapalit na ako ng number at hindi na magpapakita pa sa kanya kahit na kailan.

"Masarap ulam!" Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang bigla na lang magsalita si Eris. Huminga ako ng malalim. Ni hindi niya pinapansin kung gaano kasama ang titig ko sa kanya dahil sa panggugulat. Tinawanan pa ako ni gago. "Default mo na ba talagang sumimangot?"

"Pakialam mo?"

"Sinigang ulam!" Sa sinabi niyang iyon ay saktong nakaramdam naman ako ng gutom. She extended her hand on me. Tiningnan ko lang iyon kaya pabiro siyang umirap at ibinaba ang kamay. No'n ko napansin na naka-pony na ang buhok niya ng mataas. May baby bangs siya. "Sabi ko nga ayaw mo akong hawakan, eh. Let's go eat now?"

"Okay."

Sinundan ko siyang maglakad papuntang dining area nila. Wala pang nakahain, I think hinihintay lang ako ni Eris dahil aware na siya kung gaano ako kaarte. Tumingin siya sa akin habang todo ang ngiti. Naghugas ako ng kamay. Umupo ako habang sinusundan siya ng tingin. Siya ang nag-prepare ng mga pagkain at kasangkapan.

Hindi ko alam kung saan napunta yung mga kasambahay niya at hindi rin naman ako interesadong malaman. Iniisip ko lang kung saan sila kakain or kung kumakain na ba sila. But probably there's a separate area for them, may kalakihan naman itong bahay ni Eris.

Naupo siya ng matapos. I checked the food. Mabango at mukhang masarap. Yung mga plato at iba pang gamit, mukha namang malinis. Parang mga bagong bili lahat, o kaya yung tipo na nakatago sa kung saan at saka lang gagamitin kapag may bisita.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon