Chapter 1

17.4K 536 112
                                    

Date started: April 24, 2018

Date completed: February 25, 2023

***

Hindi ko maiwasang mapahikab habang nakapila. Kakatapos lang ng flag ceremony, umagang-umaga ay dumadada yung President daw ng Student Council dito sa school na pinapasukan ─ ang Sunnyside University, main campus.

Hindi ko siya kilala. Lahat naman yata hindi ko kilala.

Nawala lang ako ng three years dito pero parang ang dami nang nagbago. First day ng first semester pero para akong nasa lamay. Tangina, tapos ang init pa. Hinugot ko mula sa bulsa ang puti kong panyo at ipinunas sa leeg at noo ko.

Puta. Ang tagal naman matapos nito.

Napailing na lang ako. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa mga napag-aralan ko na, hindi na ako mag-aaral ulit. Kaso sayang talaga, eh. Last year ko na ito sa college, katatamaran ko pa ba? Tyagain na kahit nakakaantok.

"And f-or th- first sem-er ─"

Hindi ko maintindihan yung nagsasalita sa harap. Yung president pa rin ba 'yon? Ang tagal ng speech niya, wala namang makakaintindi!

Ni hindi ko siya makita mula sa pwesto ko dahil itong mga hinayupak kong schoolmates at classmates, akala mo mapuputol na ang leeg sa kakatanaw sa harapan. Napasuklay ako sa hanggang leeg kong buhok. Nakakaantok. Lalayas na ako rito.

Natapos ang speech niya nang wala akong naiintindihan. Basta narinig ko na lang na nagsipalakpakan itong mga tao sa tabi ko. Sana kasi ayusin nila yung nakakagago nilang mic na sabog naman. Nakakaletse.

Humikab ulit ako at pasimpleng napailing nang i-dismiss na kami. Kanya-kanyang pulasan ang mga estudyante para pumunta sa kani-kanilang room. Saan ba ako pupunta? Tinatamad talaga ako.

Inayos kong maigi ang suot na black uniform dahil sayang ang pagkakaplantsa kung magugusot lang. Ang init sa Pinas pero black na sailor uniform ang suot namin. Akala mo highschool, peste. Buti na lang necktie ang gamit namin at hindi ribbon, ang ew no'n.

Imbes na dumiretso ng room ay sa cafeteria ako napadpad. May milagro yata't ako lang ang tao. Nagugutom ako. Nakakagutom tumayo sa tanginang flag ceremony at makinig sa speech na hindi ko maintindihan kung may holen ba sa bibig yung presidente o sadyang low class lang ang mikropono nila. Itapon na nila 'yon. Pwe.

Walang kwenta.

Parang buhay ko, alanganing patapon. Kung wala lang akong pangarap sa buhay kahit papaano baka huminto na ako. Drama ko, tangina. Gutom lang 'to, eh!

Pumunta ako sa isang stall na pinakamalaki sa lahat. Matagal na ito rito, buhay pa pala sila. Ito yung madalas kong pagbilhan ng kakainin noon dahil subok na. Kilala na rin naman nila ako, ewan ko nga lang kung matatandaan pa nila ako. Maraming stalls na nandito, halos lahat hindi na familiar sa akin.

"Ineng," tawag sa akin nang isa. Niliitan pa nito ang mata para tingnan akong maigi. Aba, dumami yata wrinkles ni Ate. Stressed siguro. "Nag-aaral ka pa pala? Bianca?"

"Balik-aral, Ate Mel." sagot ko sa kanya. Tinuro ko yung gusto kong kainin at napangiti na lang ito. "Tanda ninyo pa pala ako."

"Aba'y siyempre!" Tumawa ito. "Ikaw ba naman palaging bisitahin ng estudyanteng tulad mo, akala mo lagi kang may sanitary inspection."

Napangiti ako at naalala yung dati. First year ako no'n, hindi ko sure kung sino lahat ng nagtitinda ng pagkain ang pinakamalinis kaya inisa-isa kong pasukin ang area nila para mag-check. Mukha nga siguro talaga akong inspector noon.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon