Chapter 20

2.9K 232 61
                                    

Saturday — late celebration ng birthday ni Eris Belona.

I decided not to go. Isa pa, wala rin naman akong ipinangakong pupunta ako. Nabati ko na rin naman siya, okay na 'yon. May regalo ako pero hindi ko na ibibigay, hindi naman din okay yung gift. Parang pang-gago lang.

Masyadong maraming ganap these days to the point na pakiramdam ko nawawala na sa order yung priorities ko. I really need to pause a little, think, and then reorganize.

Hindi pwede 'to.

Wrong choice si Eris, wrong choice si Ana — wrong choice ma-involve sa kanilang lahat.

Gusto kong mairaos ang college ng walang kahit anong aberya o kung ano mang drama. Hindi ako nagbalik-aral para sa ganito.

Mas okay na yung bumalik sa dati, walang kahit sinong tao sa buhay ko. They won't last anyway, I don't want them to stay.

Nakakatangina.

Hindi ko alam kung anong tama ko ngayong araw pero parang gusto kong umiyak — kahit na wala naman akong daat idrama. Parang ang emosyonal ko lang ngayon. Naiinis ako, gusto kong magwala.

Imbes na magmukmok dito sa bahay ay nagdesisyon akong maglinis na lang kahit malinis na yung buong bahay. I checked my laptop to see if there's anything else to do pero wala na. I've already submitted all there was to do that's work related. Kahit nga sahod ko ay na-receive ko na.

I checked my fridge — hindi ko kailangan mag-grocery. There were no new books to read either. Pota talaga.

Sinipat ko ang oras — 7:36pm. I think kanina pa nagsisimula yung party ni Eris dahil kung tama ang tanda ko ay 6pm ang start no'n. Bumalik akong kwarto at kinuha yung cellphone na tinago ko sa ilalim ng unan.

No'n ko nakita na tadtad ako ng text at missed calls galing kay Eris. Puro tanong kung nasaan na ako o kung pupunta ba ako. Hindi ko na inabala ang sarili kong mag-reply. She tried calling again — nagulat pa ako pero pinatay ko rin kaagad and decided to call someone else instead.

Ilang rings din ang inabot no'n bago may sumagot.

"Yo — Monicka here!"

Napangiwi ako dahil ang lakas ng boses niya. "Hoy."

"Napatawag ka?" Narinig ko ang pagtawa nito. "Abala ka, magr-round 2 pa sana kami ni Vincent —" I heard something sa background, baka yung boyfriend niya. "Joke lang, joke lang. So anong atin tonight, BB?"

"Tigilan mo nga 'yang BB mo, pangit pakinggan." Imbes kumontra at tumawa lang ulit ang kausap ko, parang gago pa rin talaga 'to. "Pwede pumunta diyan?"

"Oo naman, yes." Mabilis na sagot nito. "Pasundo kita kina Zeke, mas malapit naman siya sa'yo."

"Hindi ba busy 'yon?"

"Paano magiging busy iyon, eh, hindi nga nagtatrabaho. Napasarap yata sa honeymoon. Pasundo kita, ah."

"Sige. Message ko rin siya, thank you."

"Bebe ka namin, eh. You pa ba?"

"Ew."

Tumawa ulit si Monicka sa kabilang linya. "Love you!"

Pinatay na niya ang tawag. Napatitig na lang ako sa cellphone ko. Hindi ko maiwasan matawa dahil hindi na halos nagbago yung babaeng iyon. Mas matanda siya sa akin pati sina Zeke pero kung umasta minsan, para pa ring mga bata. Age lang talaga nagbabago, hindi personality.

Hindi naman ganoon kalaki ang age gap namin, mga magt-twenty eight lang naman sila. Pinakabata na si Amber sa amin, who's just twenty three.

Hindi rin nagtanggal ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Mabilis akong nag-ayos and when I felt I looked better than usual ay saka ako lumabas para sumalubong.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon