THE PROMISE

913 8 0
                                    


"Juanito huwag naman ganito oh diba nangako ka sa akin na magsasama pa tayo. Huwag mo naman akong iwanan ng ganito diba mahal mo ako?."

"Hu-wag ka ng umi-yak pasensya na kung hin-di ko matutu-pad ang pa-ngako ko sayo" sabi niya at umubo nakita kong may kasamang dugo yung pag ubo niya "Mahal na ma-hal kita Lucas panganko sa susunod na buhay ko ikaw na yung makakatuloyan ko" huling sinabi niya bago siya mawalan ng buhay.

"Ikaw lang din ang mamahalin ko Juanito pangako sa susunod na buhay ko hahanapin kita at tutuparin yung pangako mo" umiiyak na sabi ko bago ako tumayo at kinuha ang baril tinutok ko ito sa ulo ko bago ko kinalabit ang gatilyo.

Isang malakas na putok ang narinig ko bago naging kulay itim ang lahat.

*****

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock kaya kahit na inaantok pa ako ay inabot ko ito at pinatay. Niligpit ko muna ang higaan ko bago ako pumasok ng banyo para maligo. Habang naliligo ay inalala ko yung panaginip ko lately palagi kong napapanaginipan yun kaya hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung sino yung dalawang lalaking yun hindi ko sila nakilala dahil medyo blurred ang imahe nila.

Mabilis kong tinapos ang pagligo at nagbihis na ako para pumasok ng school.

Muntik ko na palang makalimutan ako nga pala si Cris Ivan Rivera 18 and currently grade 12 student.

Medyo late na ako para sa first subject ko dahil naiipit ako sa traffic kanina rush hour kasi kaya traffic kanina. Nung makapasok ako ng room ay nagsimula ng magturo ang teacher namin. Hindi ako masyadong maka focus sa lesson na tinuturo ng guro dahil lumilipad na naman ang utak ko muli ko na naman kasing naalala yung napanaginipan ko gabi-gabi.

Mabilis na natapos ang first at second subject ng hindi ko namalayan dahil masyado akong absent minded. Pumunta kami ng girlfriend kong si Gwen sa canteen para sa 15 minutes break. Pagkatapos naming bumili ng sandwich at juice ay palabas na sana kami nung may bumangga sa akin kaya natumba ako. Tiningnan ko ito hindi ko kilala dahil siguro ay transferee ito tinulungan niya naman akong bumangon at nag sorry naman ito.

"Sorry po talaga ito kasing mga classmate ko eh tinulak ako"

"Ayos lang sa susunod mag ingat nalang kayo at huwag kayong magtutulakan dito masayadong maraming tao dito at baka maaksidente pa kayo" mahabang sabi ko

"Okay po by the way ako nga pala si Johann Alfonso" pakilala niya sabay abot ng kamay niya

"Cris Ivan Rivera" sabi ko at nakipag shake hands sa kanya.

Bigla akong kinabahan nung maglapat ang aming kamay at parang may alalang pumasok sa utak ko.

Pagkabalik namin Gwen sa classroom ay andun na ang teacher kaya pumasok na kami at naupo. Dahil wala naman akong masyadong naiintindihan sa lesson dahil wala na naman ako sa tamang pag iisip ay napatingin ako sa bintana at pinanuod ang ibang estudyante sa labas.

Biglang naging iba ang itsura ng paligid nakita ko yung mga estudyanteng nasa labas iba na ang kanilang suot na damit karamihan sa mga kalalakihan ay naka barong at ang mga babae naman ay naka bistida tila parang sa sinaunang panahon ang kanilang kasuotan.

May nakita akong parang pamilyar sa akin kaya tumayo ako at naglakad sa papalapit sa kanila. Sinundan ko sila papunta sa isang garden may mga upuan dun at medyo tago ang lugar na iyon. Naupo sila sa isa sa mga upuan kaya nagtago ako sa likod ng puno naalapit sa kanila para making ng usapan nila.

"Lucas alam na ng aking ama kung ano ang namamagitan sa atin at balak niya akong ilayo sa iyo"

"Pero paano niya nalaman Juanito?"

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now