'Hindi lahat ng superhero ay nakasuot ng kapa ang iba ay yung taong hindi mo inaasahan'
"HAHAHA anak ng prostitute"
"Ewww mukha kang basura"
"Walang ama iniwan kasi bayarang babae ang nanay niya haha"
Nakatayo ako sa rooftop ng eskwelahan namin umiiyak habang inaalala yung mga masasakit na salita na binabato sa akin ng mga kaklase ko.
Dahil hindi ko na nakaya yung mga ginagawa nila sa akin ay naisip kong mas mabuti nalang kung mawala na ako dahil wala na ring may pakialam sa akin.
Pinikit ko yung mga mata ko habang dinadama yung malamig na simoy ng hangin.
Tatalon na sana ako ng may biglang humila sa akin.
"Uyyy kung mag papakamatay ka wag dito dahil tambayan ko ito at ayokong dito ka pa magmulto" maangas na sabi niya pero ramdam ko sa mga mata niya na concern siya sa akin
Nakatingin lang ako sa mata niya at nakatulala sa maamo niyang mukha. Natauhan lang ako ng pitikin niya ang noo ko at narealize na nakadagan pala ako sa kanya.
"Wala ka bang balak na umalis sa pagkaibabaw sa akin nangangalay na ako" sabi niya
"Ayy sorry po" sabi ko at dali daling tumayo
"Ano bang ginagawa mo dito eh gabi na" tanong ko medyo na nahihiya pa ako dahil hindi ko pa siya kilala
"Pag tinatamad pa akong umuwi dito talaga ako tumatambay masarap kasi ang hangin dito" sagot niya at naupo sa isang bangko habang nakatingin sa langit
"Ahh okay" awkward na sagot ko
"Alam kong may problema ka kaya mo naisipang gawin yung binabalak mo kanina pero sana isipin mo din yung nararamdaman ng taong maiiwan mo" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko
And with that biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Ano bang problema mo you can tell me alam mo bang mas magandang mag share ka ng problema mo sa taong hindi mo kilala dahil hindi ka nila huhusgahan" sabi niya
"Pero naiintindihan ko naman kung ayaw mong mag kwento" dagdag pa niya
Naupo ako sa tabi niya nakatingin lang siya sa langit kaya napatingala din ako at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Ilang minuto din ang nagdaan na walang may nagsasalita sa amin hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
"Nakita kong binubully ka ng mga kaklase mo kanina" sabi niya
"Andun ka kanina?" gulat na tanong ko
"Mmm" maikling sagot niya at napayuko nalang ako
"Hindi naman ganun si mama" panimula ko
"Oo galit ako sa kanya dahil sa kanya nararanasan ko ito pero hindi siya ganung klaseng babae hindi siya bayaran" dagdag ko pa
Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon niya at nilahad ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
"Ayoko ng drama tara na umuwi na tayo" sabi niya at nagpauna ng maglakad
"Teka ano palang pangalan mo?" tanong ko
"I'm Brett" nakangiting sabi niya at bumaba na ng rooftop
Pinanuod ko lang siyang maglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hahabulin ko pa sana siya para magpasalamat pero nung hindi ko na siya naabutan pagkababa ko.