"Heyy wake up nasa trabaho ka pero patulog tulog ka lang" nagising ako dahil may sumisipa sa paa ko
"Yah kitang natutulog yung tao eh" reklamo ko pero agad din akong napatahimik nung makita ko kung sino yung nanggising sa akin
Agad akong napatayo at napatulala sa lalaking nasa harapan ko si Kristoff Guerrero isang sikat at sobrang gwapong artista.
"So-rry pe-ro ano nga ulit yung tra-baho ko?" nauutal kong tanong kay Kristoff
"Seryoso ka sa tanong mo?" naiinis na sabi ni Kristoff
"Oo mukha ba akong nagbibiro?" awkward na tanong ko
"Haha alam mo yung nakakainis sayo inagaw mo na nga sa akin itong main role sa movie na to tapos palagi ka pang painosente" sabi ni Kristoff ramdam yung galit sa boses niya
"Sorry pero wala akong matandaan eh" inosente kong sabi
"Alam mo ang sarap mong sapakin" supladong sabi ni Kristoff at umalis na palayo sa akin
"Hala nagalit yata sa akin" sabi ko habang nakatingin kay Kristoff palayo
Arghhh nakakainis panget na kaagad ng first impression sa akin ni Kristoff. Pano na yan baka siya yung boyfriend ko for today tapos hindi pa maganda yung unang tagpo namin. Habang nagiisip ako kung pano ako magiging close kay Kristoff nang may pumasok na isang babae
"Sir Blaze mag ready ka na daw at mag uumipisa na yung taping sabi ni direk" sabi nung babae at lumabas na ng tent
Hindi ko napansin na nasa loob pala ako ng malaking tent kasi parang nasa kwarto lang ako eh. Mamaya ko nalang siguro iisipin kong pano kami magbabati ni Kristoff kasi may pumasok na naman at sinabing lumabas na daw ako kaya wala along nagawa kundi sumunod nalang sa kanya.
Pagkalabas namin ng tent ay nagulat ako dahil nasa dagat pala kami. Nakita kong naka set up na yung mga camera. May mga staff na lumapit sa akin at agad na inayos ang make up ko.
"All set na ba?" tanong ng direktor
Kaya nung handa na ang lahat ay nagsimula kaagad kami na mag shoot. Ang scene namin ay sasagipin ko yung babaeng bida mula sa pagkakalunod at mag peperform ako ng cpr.
Kinabahan ako hindi dahil sa scene na gagawin namin pero dahil sa sobrang sama ng tingin sa akin ni Kristoff feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa kanya
"Scene 5 take 1" sabi nung isang staff kaya ginawa ko nalang yung tinuro ng direktor na gagawin
Tulad ng sinabi sa akin ng direktor ay tatakbo ako at mabilis na susulong sa tubig para sagipin yung bidang babae. Hindi ko alam na medyo may kalaliman pala yung tubig kaya imbes na yung bidang babae ang sasagipin ko ay ako pa yung nalunod. Nakalimutan ko na hindi pala ako marunong lumangoy
"Ahh tu-long" sigaw ko
Pero pinanuod lang ako ng mga staff akala siguro nila nagbibiro lang ako
"Cut" dinig kong sigaw ng direktor bago ako tuloyang lumubog
"Hindi ko aakalain na dito nalang matatapos yung buhay ko" sabi ko sa isip ko bago ako pumikit at nawalan ng malay
"Shittt gumising ka Blaze" dinig kong sabi ng isang boses
Nung imulat ko ang mga mata ko ay imbes na isuka ko yung tubig na nainom ko ay nilunok ko ito dahil sa gulat. Yung labi ni Kristoff at magkadikit sa labi ko at kita ko sa mukha niya yung pag alala. Nung makita niyang gising na ako ay parang gulat na gulat din siya at agad na napalayo sa akin
"Hindi ko sinasadyang halikan ka gusto ko lang na tulongan ka ok yun" paliwanag ni Kristoff at agad na tumalikod at naglakad palayo
"Anyari dun?" tanong ko sa mga staff na nakapalibot sa akin