"Sa pagitan ng langit at lupa may lugar kung saan tinatawag na cloudland. Dito napupunta ang lahat ng namamatay. Araw araw pinanunuod ng mommy penguin ang kanyang anak mula sa cloudland. Miss na miss na niya ito. Isang araw may lumapit sa mommy penguin na isang fairy at may binulong ito."
"Kung gusto mong makasama muli ang iyong anak ay maaari kang sumakay sa rainbus papuntang lupa pero dapat bago bumalik ang rainbus ay dapat bumalik ka rin o hindi mo na maaring makita ang iyong anak mula dito sa cloudland."
Sumakay ang mommy penguin sa rainbus papunta sa lupa. At nung bumaba ito ay agad niyang nakita ang anak nitong nakasuot ng yellow raincoat at malungkot ang mukhang nakaupo ito sa isang waiting shed. Agad niya itong nilapitan at niyakap.
Buong maghapon ay naglaro ang mommy penguin at anak nito tinuruan din nitong manghuli ng isda. Masayang masaya ang mommy at baby penguin pero naalala nito ang sinabi sa kanya ng fairy.
Muling sumakay ang mommy penguin sa rainbus pabalik sa cloudland.
"Anak kailangan ko ulit umalis ha pero sa susunod na tag ulan ay babalik ako wag ka ng malungkot big boy ka na diba?"
Tumango lang ang baby penguin kahit malungkot ito.
"Niyakap nila ang isa't isa at sumakay na ang mommy penguin sa rainbus." dinig kong huling sabi ni Kino bago niya sinara yung libro
"Daddy kailan ulit ang rainy season diba sabi ni mommy babalik siya pag nag rain sasakay siya ng rainbus" inosenteng tanong ni Kino
"Baby matagal pang mag rainy season eh" sagot ko
Mag iisang taon ng patay ang mommy Kino at mag isa ko nalang siyang pinapalaki.
"Mga when nga po? wala po bang exact date?" tanong niya ulit
"Hindi alam ni daddy baby eh" sagot ko nalang
Naawa na ako kay Kino dahil sa mura niyang edad ay nawalan na siya ng ina.
"Baby matulog kana malelate kana sa klase mo bukas" sabi ko at pinatulog ko na si Kino
Kinabukasan ay maagang nagising si Kino
"Daddy! daddy wake up look umuulan na oh" excited niyang sabi
Agad siyang lumabas at tumakbo palabas kaya kumuha ako ng payong at hinabol ito.
"Kino huwag kang magpaulan magkakasakit ka niyan" sabi ko sabay habol kay Kino
Hindi parin tumigil kakatakbo si Kino kaya sumunod nalang ako sa kanya hanggang makarating kami sa waiting shed.
"Bakit wala si mommy? Diba she promised to me na babalik siya sa unang araw ng tag ulan" humihikbing sabi ni Kino konti nalang ay iiyak na ito.
Kaya agad ko itong kinarga at pinatahan pumasok kami sa waiting shed para sumilong pero nakita naming may lalaking nakahiga sa sahig kaya binaba ko ulit si Kino.
"Baby dito kalang muna ha titingnan lang ni daddy kung sino yang lalaking nakahiga"
Dahan dahan akong lumapit sa lalaking nakahiga sa sahig at nung tingnan ko kung sino ay laking gulat ko si Lorence na totoong tatay ni Kino na limang taon ng patay.
Sinampal ko ng ilang ulit ang mukha ko dahil baka nananaginip lang ako pero hindi eh. Akmang gigisingin ko ito ay biglang bumukas ang kanyang mata.
"Daddy who's that? Do you know him?"bulong na tanong ni Kino na nasa likod ko na pala
"Yes baby kilala ko siya" bulong ko kay Kino
"Lorence ikaw ba yan?" medyo takot na tanong ko
"Sino kayo?" tanong ni Lorence