SUMMER 2018
"Riri sino yang batang yan kanina pa yan sunod ng sunod sa atin" tanong ko sa pinsan kong si Riri
"Ahhhh si Jaehyun yan bestfriend ko" sagot niya
Tiningnan ko ang batang lalaki na kanina pa sunod ng sunod sa amin. Magkasing edad lang siguro kami pero mas matangkad siya sa akin maputi din siya matangos ang ilong, makapal ang kilay at may manipis at mapupulang babae.
"Jaehyun hali ka nga dito kanina ka pa diyan nakabuntot sa amin" tawag ni Riri dun kay Jaehyun
"Sino yang kasama mo Riri boyfriend mo?" Sabi ni Jaehyun at tiningnan niya ako ng masama
"Sira anong boyfriend ka jan pinsan ko yan nagbabakasyon lang sila dito sa Korea" sagot ng pinsan ko
"Ahh mabuti naman diba promise mo ako yung magiging boyfriend mo" sabi ni Jaehyun.
Tumingin sa akin si Jaehyun at inabot ang kanyang kamay kaya kahit na nagtataka ay inabot ko ito.
"Ako pala si Jaehyun future boyfriend ni Riri" sabi ni Jaehyun sabay ngiti
"Jeno" maikling sagot saka kami nag shake hands
Simula nung araw na yun ay naging magkaibigan kaming tatlo at buong bakasyon ko sa Korea ay palagi kaming tatlo na ang magkasama.
SPRING 2019
Napag desisyonan ng parents ko na doon na kami tumira sa Korea at doon na din ako mag aral.
Naging magkaklase kami ni Jaehyun at si Riri naman ay sa isang all girls high school nag aaral kaya hindi namin siya madalas makasama ni Jaehyun.
"Hoyyy Jeno bilisan mo diyan malelate na tayo" sigaw ni Jaehyun sa labas ng bahay namin
Kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay.
"Anong oras ka nanaman ba natulog kagabi?" tanong niya nakatayo siya sa labas ng gate namin dala ang bike niya
"Tinapos ko pa kasi yung homework ko kaya late na akong natulog" sabi ko
Sumakay na siya sa bike niya kaya lumapit na ako at umangkas sa likod. Kumapit ako sa bewang niya. Halos araw araw ito yung routine namin susunduin niya ako sa bahay at sabay kaming papasok ng school.
"Bilisan mong nagpadyak malelate na tayo" sabi ko sabay kurot sa tiyan niya
"Ehh kung gumising ka sana ng maaga hindi tayo malelate" sabi niya at binilisan ang pag padyak sa bike niya.
Sa sobrang bilis ng pag mamaneho niya ng bike ay nabangga kami sa basurahan agad naman kaming tumayo. Inayos ni Jaehyun ang bike niya dahil yung kadena ng bike ay medyo nasira.
"Wala ka na bang ibibilis pa diyan late na tayo" sabi ko
Lumapit sa akin si Jaehyun at lumuhod inayos niya yung tirintas ng sapatos ko. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero nung tumayo na siya ay tinanong niya ako kung handa na ako tsaka siya tumakbo kaya tumakbo na rin ako.
Pagdating namin sa school ay sarado na yung gate kaya wala kaming choice kundi mag akyat bakod. Unang umakyat si Jaehyun kaya nung nasa taas na siya ay inalalayan niya akong umakyat pero nung makaakyat na ako ay nadulas si Jaehyun kaya nahulog siya dahil nakahawak si Jaehyun sa kamay ko ay nahulog kaming pareho. Halos maduling ako dahil masyadong malapit ang mukha namin ni Jaehyun. Hindi ko napansin na magkadikit pala yung labi namin kaya mabilis akong bumangon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.
SPRING 2014 Kasabay ng tagsibol ay nagsimulang sumibol ang nararamdaman ko para lay Jaehyun.