HIS (stand by me)

27 1 0
                                    


"After I leave, you should go back to where you belong" sabi ni Kyden habang hinahabol ang hininga niya at tumango naman ako bilang pagsang ayon

"Mangako ka Hendery" sabi niya at alam ko any minute ay malalagutan na siya ng hininga

"Pangako" sabi ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko

Hinahawakan ko yung kamay niya ng mahigpit at ngumiti siya sa akin bago siya tuluyang kunin ng langit.

"Gumising ka kyden" umiiyak na sabi ko habang pilit na ginigising si kyden

"Babe naman eh sabi mo walang iwanan diba nangako ka sa akin kyden" kahit maubos yung luha ko alam kong hindi na magigising si kyden pero patuloy pa rin ako sa pagluha

"Babe" sumisigaw na sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak

Naabutan ako ng mama ni Kyden na magsisisigaw kakaiyak. Mung makita niyang hindi na humihinga si kyden ay napayakap ito sa akin at dinaluhan ako sa at iyak.

Dinala ni mama ni Kyden yung katawan niya sa funeral home habang ako ay nagpaiwan nalang sa bahay dahil hindi ko kayang makita yung katawan niyang ipapasok sa kabaong.

Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto namin ni Kyden habang umiiyak ng makita kong umaandar mag isa yung computer ni Kyden kaya nilapitan ko ito. Pagkalapit ko ay agad itong napunta sa site ng webtoon na binabasa ni Kyden. Matagal tagal rin nung huli naming binasa namin ito ni Kyden. Sinimulan kong basahin ito simula chapter 1 at nagulat ako dahil nabago ang takbo ng kwento at hindi na kami ni Kyden ang bida neto. Bumalik na ito sa original na kwento at ito ang ikinatatakot ko ang mabalik ulit ako sa webtoon at nakakalimutan ko yung taong sobrang mahal ko ngayon.

"Wala na akong choice kundi gamitin ito" nilabas ko ang diary na binigay sa akin ng magulang ko bago ako napunta sa mundong ito

Wala akong choice kundi gamitin ang diary na dapat ay gamitin ko para makabalik ako sa webtoon upang muli kong makapiling ang mga magulang ko.

Isang hiling nalang ang maaring kong isulat sa diary na ito. Mahal na Mahal ko ang mga magulang ko pero mas Mahal ko si Kyden. Binuksan ko na ang diary at nagsimula na akong isulat ang magiging huling hiling ko.

Dear diary,

Alam mo kung gaano ko namimiss ang mga magulang ko pero sa pagkakataong ito gagamitin kong itong huling kahilingan ko na sana ay muling maisusulat ang aming pag iibigan ng minamahal kong si Kyden. Hinihiling ko na muling mag simula ang aming pag iibigan mula sa umpisa at sana wala ng sakit at hadlang sa pagkakataong ito.

Humihingi ng isa pang pagkakataon,

Hendery

Pagkatapos kong isulat ang aking hiling ay pinikit ko ang aking mga mata at sa pagdilat ko ay ngumiti ako dahil alam kong mag uumpisa na ang aking kahilingan.

—————————

Nakatayo ako sa harapan ng computer ni Kyden nung magising siya sa ingay ng alarm niya. Bumangon siya at naupo sa kama niya pero nakapikit parin ang mga mata niya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya dahil ang cute niya pag bagong gising siya.

Kinusot niya pa ang mga mata niya bago siya tumayo at pasuray suray na naglalakad papuntang banyo. Habang naliligo si Kyden ay naupo ako sa kama niya kinuha ko yung photo book na nakalagay sa gilid ng kama niya.

"Okie dokie yo is it true? yes okie dokie yo" kumakanta at sumasayaw si Kyden pinigilan kong tumawa ng malakas dahil sa para siyang tanga pero ang cute sa ginagawa niya

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now