"Guys I have a kwento" sabi ng kaklase naming si Charmaine pagpasok niya palang ng room.
"Talaga ba Charmaine?" Tanong ni Klea
"Pakyuu!" Sabay sabay naming sabing magbabarkada at nagtawanan
"Seryoso ako gaga niyo" sabi niya at naglagay pa liptint sa labi niya.
"So ano nga inuna mo pa talaga magpaganda kesa sa chismis alam mo namang food ng soul namin ang chismis" sabi ni Klea.
" So eto nga nakita ko kanina si Khairo may kasamang babae" sabi ni Charmaine habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.
"Maganda ba ang girl?" tanong ni Klea at tumango naman si Charmaine
"Ayyy Ford talo kana maganda daw yung babae ni Khairo mag self love ka muna" sabi ni Klea
"Ano namang pake ko kung may gf na siya as if I care naman kahit maglaplapan pa sila sa harap ko wala akong pake" sabi ko pinilit ko talagang mag mukhang seryoso para hindi na nila ako asarin at baka mapikon pa ako at ma dagokan ko pa itong dalawang eto
Kaklase din namin si Khairo at hindi lingid sa kalaaman ng mga kaibigan ko na may gusto ako kay Khairo. Matangkad, maputi at ang tangos ng ilong ni Khairo daig niya pa ang slide sa ilong niya pwede kang magpadulas dun. Sobrang sweet ni Khairo sa lahat ng kakilala niya kaya palagi kong iniimagine na jowa siya. Natigil ang pag imagination ko ng sampalin ako ni Klea yung sampal pa naman niya ay yung magigising ka talaga sa katotohanan.
"Wag ka nga ngumiti ngiti jan mukha kang abnoy" sabi ni Klea
"Pakealam mo ba happy lang ako kaya ako napapasmile" sabi ko
"Sige lang Ford maging happy kalang kasi alam ko naman na iiyak ka later pag nakita mo yung girlfriend ni Khairo" sabi ni Klea
"Crush ko lang naman si Khairo no at kung iiyak man ako dahil sa kanya edi iinom nalang natin" sabi ko
"Ayan yung gusto ko sayo eh shot puno mamaya ah icelebrate natin yang heartbreak mo hahaha" tawa pa ng gagang Charmaine.
Bumalik na kami sa kanya kanyang upuan namin nung makita naming pumasok na yung teacher at kasunod neto si Khairo.
Napatingin ako kay Khairo super gwapo niya talaga kaya maraming babae at bading yung nagkakagusto sa kanya. Umupo si Khairo sa upuan katabi ko kaya napaayos lang ako ng upo. Parehas kaming tahimik at nakikinig lang sa teacher namin na nagtuturo.
Nung matapos ang klase ay agad na nagsilabasan ang mga kaklase namin at kaming apat nalang ang natira ako si Khairo, at yung dalawang chismosa si Charmaine at Klea. Yayain ko na sanang lumabas ang dalawang chismosa pero lumabas na sila.
"Sabi ni ma'am kayong dalawa daw yung maglinis ngayon dahil parehas kayong late kanina" sabi ni Klea at agad na silang umalis ni Charmaine
Tahimik lang akong kumuha ng walis at nagsimula ng maglinis ganun din ang ginawa ni Khairo.
"Wala kang gagawin mamaya? Gala tayo pagkatapos nito" panimula ni Khairo
"Bakit hindi mo yayain yung babaeng kasama mo kanina" sabi ko
"Sino bang babae?" tanong ni Khairo
"Andami mo palang babae no kaya hindi mo alam" sabi ko
"Sino nga kasi?" medyo naiinis na sabi niya
"So ikaw pa talaga yung galit? Sabi ni Charmaine ay may kasama ka daw na babae kaninaat sobrang ganda daw" naiinis din na sabi ko
"Ahh si Kylie? nagpasama lang kanina papunta sa principal's office" sabi niya
"Ehhh bakit pa siya nagpasama hindi ba siya marunong pumunta dun mag isa?" Sabi ko
"Bakit nagseselos ka?" tanong niya habang nakangisi.
"Bakit ako magseselos ano ba kita?" sabi ko medyo nagulat naman siya aa sinabi
"Boyfriend mo lang naman ako Ford baka nakakalimutan mo" sabi ni Khairo
"Ayy oo nga pala jowa pala kita no" sabi ko habang kinikilig
"At isa pa wag ka ng magselos kay Kylie alam mo namang kapatid ko yun diba?" Sabi niya
"Oo na po baby" sabi ko
"Wag ka na ngang sumama jan sa dalawa mong chismosang kaibigan palagi nalang tayong pinag aaway ng dalawang yan" sabi niya sa akin at nilapit ako sa kanya at hinalikan.
Hindi alam ng dalawa kong kaibigan na boyfriend ko na si Khairo ang alam kang nila crush ko siya.
"Tara date tayo ngayon" nakangiting sabi ni Khairo.
Gusto ko lang naman sanang magselos kay crush eh kaso nakalimutan ko boyfriend ko na pala siya.
The End
Written by: seungwoonie_21