Better in time

36 3 0
                                    

"So why you guys broke up?" tanong ng best friend kong si Annie

Ngumiti ako ng mapakla bago tumingin sa ex boyfriend kong si Matthew na nakatingin din sa akin.

"Hindi totoong nawalan ako ng gana, hindi din totoong may iba ako sadyang nagloko lang siya" sabi ko at ramdam ko na any minute tutulo na yung luha ko

"Nagloko si Matthew?" gulat na sabi ng isa naming kaibigan ni Matthew

"Kung hindi ka nagkulang tingin mo ba hahabapin ko sa iba yun?" sabi ni Matthew at habang nakatingin sa akin ng may hinanakit

"Pero hindi rason yun Matthew para lokohin mo ako ng ganun" sabi ko at tumulo na yung luha ko dahil naalala ko ulit yung gabing niloko ako ni Matthew

—————————

"Jay diba 2nd anniversary niyo ngayon ni Matthew? Wala ba kayong plano na mag celebrate?" tanong sa akin ng best friend kong si Annie

"After class balak ko siyang sorpresahin" nakangiting sabi ko

"Ilang weeks din kayo hindi nagkikita ah kasi always kang busy sa schoolworks mo habang siya sa trabaho niya" sabi ni Annie

"Kailangan eh para sa future" nakangiting sabi ko

Actually sobrang miss ko na ang boyfriend kong si Matthew ilang weeks na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil pareho kaming busy. Malapit na kasi yung finals namin kaya hindi muna kami nagkikita para mas maka focus ako sa studies ko.

And always din siyang busy sa work niya kaya kahit miss na miss ko na siya at tiis tiis muna dahil kailangan kong makakuha ng mataas na score para maka graduate ako ng SHS ng may award

Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso ako sa mall para bumili ng regalo and foods para surpresahin si Matthew.

Kinagabihan ay pumunta ako ng bahay nila Matthew kilala na din naman all my parents niya at legal na rin kami both sides

Nakabukas yung gate nila kaya dumeretso nalang ako papasok pero nagtaka ako ng nakabukas din ang pinto nila dahan dahan akong pumasok sa bahay nila walang tao kaya dumeretso ako sa kwarto ni Matthew dahil baka tulog siya at nakalimutan niyang ilock yung pinto at gate nila

Nasa tapat ako ng kwarto niya ng may narinig akong ungol hinigpitan ko yung paghawak ko sa doorknob hinugot ko lahat ng tapang at lakas ko bago buksan yung pinto ng kwarto ni Matthew

Sinasabi ko sa sarili ko na sana hindi si Matthew ang makikita ko pagbukas pero kahit anong pilit ko na pagaanin yung loob ko ay mas bumigat yun ng makita kong may babaeng nakapatong kay Matthew

"Surprise! Happy 2nd anniversary babe" nasabi ko nalang

Gulat na gulat silang dalawa habang ako ay nakatingin lang sa mga hubot hubad nilang mga katawan

Hindi ko na hinintay na magsalita pa at tumalikod na ako at umalis na

Mabigat yung bawat paghakbang ko dahil bawat hakbang ay tinutusok yung puso ko ng libo libong karayom.

–––––––––––––––––

"Wala akong masabi" panimula ni Annie "Bilib ako sayo Keinan kung sa akin nangyari yun baka kinalbo ko na yung babae yun nung gabing yun" dagdag pa ni Annie

Kahit tatlong taon na yung nakakalipas yung sugat sa puso ko ay nanatili paring sariwa

"Nung umalis ka ng gabing yun sinundan ka ba niya?" tanong sa akin ng isa pa naming barkada

"Hindi" mabilis na sabi ko

Tumingin naman yung iba naming barkada kay Matthew na tila naghihintay ng paliwanag ni Matthew

"Ouch" umaarteng nasasaktan na sabi no Annie "Bakit hindi mo siya hinabol at magpaliwanag?" tanong ni kay Matthew

"Kung sakali bang hinabol kita nung gabing yun iiwan mo pa rin ba ako?" tanong sa akin ni Matthew

"Ewan ko pero isang rason na rin yun siguro yung hindi mo paghabol sa akin" sabi ko

"Hindi kita hinabol ng gabing yun dahil nahihiya ako sayo nahihiya ako sa ginawa ko" sabi ni Matthew na nakayuko

"Hindi mo siya sinundan bro kasi tinapos niyo pa yung kung ano man yung ginawa niyo" sarkastikong sabi ng isa naming barkada kay Matthew

"Hindi agad ko ding pinaalis yung babae" sabi ni Matthew

"Finals exam na namin bukas" biglang sabi ni Annie kay Matthew

"Oh ano naman?" tanong ni Matthew

"Any tips how to cheat" sarkastikong sabi ni Annie

"Bars"

"Ouch real talk"

"Hahaha aguy" hiyawang komento ng kaibigan namin

Tumayo na ako at akmang lalakad na paalis pero hinawakan ni Matthew ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya

"Bitawan mo ako" mahinahong sabi ko

"Pag binitawan kita ngayon hindi ko alam kung mahahawakan pa kitang muli" seryosong sabi niya haabang nakatingin sa mga mata ko

"Mahal pa rin kita Keinan" sabi ni  Matthew

"Noong gabing nakipag s*x ka sa babaeng yun naiisip mo bang mahal mo ako?" sabi ko

Akala ko hindi na tutulo yung luha ko dahil matagal na yun

"Kasi nagkulang ka may pangangailangan din ako bilang lalaki Keinan" sabi niya

"Ayun nga yung masakit Matthew yung pinagmukha mo sa akin kung ano yung pagkukulang ko at yun at yung pagiging bakla ko" umiiyak na sabi ko

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin" sabi niya

"Dahil yun ang naramdaman ko Matthew" sabi ko at binawi yung kamay kong hawak niya at tumalikod at naglakad na paalis

Akala ko magaling na ako akala ko hindi na ako maapektuhan pero hindi pa pala hindi pa pala ako nakaka move on.

          "Move on" sounds easy.

But you have to die million times in pain just to appreciate world.

The end.....

Written by: Seungwoonie21

:: errors ahead.
:: Open for criticism
:: Plagiarism is a crime




CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now