"Nung una palang kitang makita alam kong ikaw na yung itinadhana para sakin, I love you Blaze" sabi ni Gilbert habang nakahawak sa pisngi ko.
Nakatingin ako sa mata ni Gilbert habang sinasabi niya yun sa akin. Unti-onti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko konti nalang mahahalikan ko na sana siya pero nagising ako dahil binuhusan ako ni mama ng tubig.
"Ano hindi ka pa babangon jan late kana sa school dalian mo jan" sigaw niya sakin
"Mama naman eh papunta na sana kami sa exciting part inistorbo mo pa" nagmamaktol na sabi ko
"Ikaw tigil tigilan mo ako ah maligo kana at mag agahan" sabi ni mama saka lumabas my kwarto ko.
Sayang talaga yung panaginip kong yun mahahalikan ko na sana yung isa sa mga heartthrob sa campus eh. Si Gilbert kilala siya bilang walking heartbreak ng school namin pero Sayang parin kahit sa panaginip lang mahalikan ko manlang siya.
I'm Blaze Jacinth Monterde BJ for short 19 years old and currently a second year college taking up Bachelor of Science in Nursing. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako ng kusina para mag agahan. Habang kumakain ay talak parin ng talak si mama kaya hindi ko na ito pinansin at patuloy lang ako sa pagkain. Hanggang matapos ako ay hindi ko pinansin si mama dahil medyo naiinis ako sa kanya dahil sinira niya yung panaginip ko first kiss po pa sana yun eh. Pagkatapos kong kumain ay umalis na agad ako ng bahay.
Pagdating ko ng classroom namin ay nakita kong andaming estudyante ang sumisilip sa room namin. Dahil medyo may pagkachismoso ako ay dali dali akong pumunta ng classroom namin at tiningnan ano yung pinagkakaguluhan nila.
"Excuse me" sabi ko sa mga estudyanteng nakaharang sa pinto ng classroom namin
Pero tiningnan lang nila ako at hindi parin sila umaalis.
"Ahh ayaw niyong magpadaan ah" sabi ko at pinagtutulak sila hindi naman ako nahirapan kasi angliliit nila at puro lang naman sila babae.
"Arayy naman" dinig kong sabi ng isang babae pero hindi ko na sila pinansin at pumunta na ako sa upuan ko.
"Bakit ngayon kalang alam mo bang kanina pa kita hinihintay?" Nagulat ako sa nagsalita pagtingin ko kung sino ay mas nagulat pa ako.
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko kay Gilbert
"Sino pa ba dapat?" sabi ni Gilbert
"Malay ko ba eh hindi naman tayo close" sabi ko
"Anong?? hoyyy baka nakakalimutan mo jowa ako Blaze" napanganga ako sa sinabi niya literal na napanganga
"Nanaginip pa ba ako?" sabi ko hindi ko napansin na medyo napalakas yung pagkakasabi ko
"Hindi ka nanaginip boyfriend mo talaga ako" sabi ni Gilbert
"Pero pano?" tanong ko kay Gilbert
"Syempre gusto mo ako at gusto din kita kaya naging magjowa tayo?" bored niyang sabi
"Gusto mo ako?" tanong ko
"Andami mong tanong halika na nagugutom ako" sabi niya sabay hatak sa akin papunta sa cafeteria.
Nag order siya ng breakfast niya dahil busog ako ay sinamahan ko nalang siya. Habang kumakain siya ay nakatingin lang ako sa kanya tapos bigla kong naalala yung sinabi ng matandang babae sakin.
"Iho inumin mo itong love potion na to bago ka matulog sa gabi at kung sino man ang mapapanaginipan mo ay pagkagising mo ay magkakagusto siya sayo" sabi ng matandang babae kahit nagdadalawang isip ako ay kinuha ko ito.
Tulad ng sabi ng matanda ay ininom ko ito bago ako natulog at napanaginipan kong muntik na akong halikan ni Gilbert kagabi siguro mamaya matutuloy na yung halikan namin. Kinikilig ako sa iniisip ko can we skip to the good part na ba? Medyo excited na ako.