PICTURE

106 2 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin ay naglakad lang ako pauwi ng bahay. Napansin kong kanina pa ako sinusundan ng isang lalaki sa takot ko ay binilisan ko yung paglalakad ng walang lingonan hangganh makarating ako sa bahay.

Kinabukasan nung uwian ay napansin ko nanaman yung lalaking nakasunod sa akin kahapon. Nakita ko siyang nakatingin lang sa akin sa kabilang kalsada hindi ko alam pero malungkot yung mukha niya.

Nang napansin nitong nakatingin ako din ako sa kanya ay nagmamadali itong umalis. Nakita kong nahulog ang wallet niya kaya mabilis akong tumawid sa kabilang kalsada para pulutin ito. Hahabulin ko pa sana siya para isuli yung wallet niya pero hindi ko na siya naabutan at nawala nalang bigla sa paningin ko.

Tiningnan ko ang laman ng wallet niya para tingnan kong sino yung pwede kong icontact para isuli yung wallet. May nakita naman akong ID Kiefer Vasquez basa ko sa pangalan niya. So Kiefer Vasquez pala pangalan niya infairness gwapo siya ahh. Dahil wala akong nakitang any contacts dun sa wallet niya ay napagdesisyonan ko ng bukas ko nalang ito isasauli.

Kinabukasan ay nagmamadali akong lumabas ng gate ng university dahil baka hindi ko maabutan si Kiefer medyo dumidilim narin kasi dahil nagbabadyang umulan. Hindi naman ako nabigo nakita ko si Kiefer sa kabilang kalsada nakatayo tiningnan ko siya mapapansin mo talaga ang lungkot sa mga mata niya. Nung mapatingin siya sa akin mas lalong naging malungkot ang mga mata niya. Tatawagin ko sana siya ng bigla na naman siyang naglakad paalis kaya nagmamadali akong sundan siya.

Sobrang bilis niya maglakad kaya halos lakad takbo ang ginawa ko para. Nakita kong pumasok siya sa isang eskinita sinundan ko lang siya. Medyo malayo layo na rin yung nilakad niya pero at nakasunod lang ako sa kanya ni minsan hindi siya lumingon sa akin na parang hindi niya napapansingay nakasunod sa kanya.

Dahil sa occupied masyado ang utak ko ay hindi ko napansin na nasa sementeryo na kami. Sinundan ko si Kiefer pumasok sa sementeryo nakarating siya isang puntod at nakita kong nakatayo lang siya at nakatingin sa puntod. Napatingin siya sa akin sobrang lungkot talaga yung emosyon na nakikita ko sa mga mata niya lumapit ako sa tabi niya. Nasa harap ako ng puntod na tiningnan ni Kiefer binasa ko yung pangalan ng namatay.

Kiefer Vasquez

Born: August 6, 2000
Died: January 21, 2022

Halos lahat ng buhok ko sa katawan ay nagtayuan sa nakita ko. Nilingon ko si Kiefer sa tabi ko pero wala na siya. Hinanap ko siya pero wala na talaga siya.

"Iho buti naman at nadalaw mo yung puntod ng iyong nobyo" sabi sa akin ng isang matandang babae

"Po nobyo?" tanong ko

"Hindi pa siguro bumabalik yung alala mo" sabi niya "Si Kiefer siya ang iyong nobyo namatay siya dahil sa isang aksidente maaring hindi mo maala dahil magkasama kayo noong maaksidente kayo bumangga ang sinasakyan niyong van galing kayo noon sa isang outing maswerte ka at nakaligtas ka" kwento ng matanda

Bigla kong naalala yung mga pinagsamahan namin ni Kiefer. Napaiyak ako dahil ni isang tao sa pamilya ko ay wala manlang may nagsabi sa akin tungkol sa nangyariny aksidente. Naiiyak ako dahil sa lahat ng pwede kong makalimutan ay yung alaala pa ng taong pinakamamahal ko.

Kinuha ko yung wallet ni Kiefer sa bag ko tiningnan ko ulit ang ID niya pagkakuha ko ay isang picture dun na nakatago. Picture naming dalawa sa likod nito may nakasulat na Kiefer love Cris Ivan.

Kahit wala na si Kiefer ay siya parin yung gumawa ng paraan para maalala ko siya. Niyakap ko yung picture habang umiiyak ako niyakap ko yun na parang si Kiefer ang kayakap ko

It takes a second to take a picture.
But the picture can be significant to one's life.
"FOREVER"

The End

Written by: seungwoonie_21

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now