SEVEN FIRST KISSES V (MILE & BLAZE)

38 1 0
                                    

"Ahhhh bakit ganito nasan na si Sir Lougan bakit bumalik na naman ako sa bahay arghhh" inis na sigaw ko dahil bago lumabas ang araw ay bumalik ako sa kwarto ko.

Huhuhu akala ko pa naman pag hindi ako matutulog ay makakasama ko pa si Sir Lougan.

"Nakakainis naman oh panibagong landi na naman yung gagawin ko" nakasimangot na sabi ko pero sa loob loob ko gustong gusto ko naman

Dahil medyo maaga pa naman ay naligo na ako bago ako lumabas ng kwarto ko para mag almusal. Nakita kong nagluluto palang si mama ng agahan namin kaya tinulungan ko nalang ito.

Pagkatapos naming magluto ay nag agahan na agad ako. Nang matapos kaming mag agahan ay agad akong bumalik sa kwarto ko para mag bihis ng uniporme ko dahil ayon kay mama ay maaga pa daw yung klase ko.

Pagkalabas ko ng bahay namin ay napansin kong may grupo ng kalalakihan ang sumusunod sa akin. Sinundan nila ako mula sa bahay hanggang sa isang eskinita na wala masyadong dumadaan hinayaan ko nalang sila na sundan ako dahil baka isa sa kanila yung bagong ko namang kalandian.

Habang naglalakad ako ay bigla akong hinatak ng gwapong lalaki. Pagtingin kinda mukha niya ay napatulala ako sa kanya dahil sobrang gwapo niya. Shitt ang gwapo naman ng bagong boyfriend ko.

"Sigurado ba kayo ito yung palaging kasama ni Mile?" dinig kong sabi ng gwapong lalaki

Nakatingin lang ako sa gwapong lalaki  habang nagpapa cute

"Oo sigurado ako siya yan" sabi hung isang lalaki kasama ni gwapong jowa ko

"Sumunod ka sa amin kung ayaw mong masaktan" sabi hung gwapong lalaki

Hindi na ako naglaban pa at sumama ako sa kanila dahil sure naman akong hindi ako sasaktan ng gwapo kong bebe

"Hoyyy saan niyo dadalhin si Blaze?" napatigil kami dahil may isang lalaking humabol at pinatigil kami

"Ohhh andito na pala yung hero mo" sabi ni gwapo kong bebe

Pero imbis na tingnan ko kung sino yung bagong dating eh kay gwapo kong bebe parin yung paningin ko.

"Balak sana naming kidnapin yung jowa mo dahil andito ka narin naman ay dito nalang natin tapusin yung gulo na sinimulan laban sa grupo namin" sabi ni gwapo kong bebe sa bagong dating na lalaki

"Sino ba tong lalaking to at umeksena pa sa sweet moment namin ni bebe ko" sabi ko sa isip

Nung tingnan ko yung lalaking umeksena ay agad ko naman siyang nakilala. Si Mile yung kilalang siga dito sa amin. Gwapo sana si Mile kaso masyadong basag ulo kaya red flag para sa akin

"G*go ka Jimmy away natin to huwag mong idamay dito si Blaze" sabi ni Mile pero hindi ko siya pinansin dahil yung atensyon ko dapat ay sa bebe ko lang

"Hahaha bakit traidor ka din gumalaw ah patalikod ka nga kung tumirang g*go ka" galit na sabi ni bebe ko medyo nagulat pa ako nung sumigaw siya

"Ganyan ka ba kaduwag Jimmy para mandamay pa ng taong walang kasalanan sayo at nagdala ka pa talaga ng mga alagad mo ah" sabi ni Mile

Medyo umiba na yung awra nila at sobrang seryoso na ng mukha nila at parang anytime magsusuntukan na sila.

"Paalisin niyo na si Blaze sakin kayo may problema diba" sabi ni Mile

"Ano ka bobo? baka magsumbong pa yan sa pulis pag pinaalis ko" sabi ni Jimmy

"Sige pero wag na wag niyo siyang sasaktan dahil kapag may nakita akong maski isang galos sa katawan niya papatayin ko kayo" seryosong sabi ni Mile kikiligin na sana ako sa sinabi ni Mile kaso mas bet ko parin si Jimmy

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now