[Alex Ignacio POV]
"Hoyyy Ford *hik* Zevourio luma-bas ka diyan *hik*" sigaw ko sa labas ng bahay nila Ford
"Hoyy Alex tumigil ka nga lasing ka lang at isa pa nakakahiya na sa kapit bahay ang ingay mo" suway sa akin ng isang babae ko
"Wag mo kong *hik* pigilan marites *hik* manahimik ka diyan o sungalngalin kita" sabi ko sa sabay turo dun sa babaeng pakielamera
"Gago ka Mama mo ako at wag mokong matawag na marites ahh baka sipain kita" sabi nung babae na nagpakilalang si mama daw mukha niya akala niya maniniwala ako sa kanya.
"Anong sinisigaw mo diyan ang ingay mo hating gabi na pero ang kung makasigaw ka akala mo yung tao dito hindi natutulog" masungit na sabi ni Ford
"Sorry Ford lasing na kasi itong si Alex eh kaya ganyan yan" sabat ni Mama
"Hindi ako lashing nakakalakad pa nga ako ng matuwid oh" sabi ko at sinubukang maglakad pero halos matumba ako dahil sa hilo.
"Iuwi mo siya tita ang ingay na eh nakakaistorbo na sa kapit bahay" sabi ni Ford
"Hindi ako uuwi sabi ko naman sayo diba gusto kita bakit ba ayaw mo maniwala bakit kailangan mo pa magpakasal dun sa haliparot na babaeng yun" sumisigaw na sabi ko dahil pilit akong hinihila ni mama
"Sige na tita iuwi mo na yan kung ano ano na yung sinasabi eh." sabi ni Ford
"Halika ka na nga umuwi na tayo nakakahiya kana naiistorbo na natin ang kapitbahay" sabi ni mama
"Ayoko ma maguusap pa kami ni Ford" sabi ko pero hinila na ako ni mama dahil sa kalasingan ay wala na akong nagawa kundi nag sumunod sa kanya.
Pagkapasok namin ng bahay ay halos kaladkarin ako ni mama papasok sa kwarto ko. Pagkahiga ko ay nagsermon na naman si mama pero hindi ko na siya pinakinggan dahil inaantok na ako.
Kinabukasan paggising ko ay halos mabiyak ang ulo ko sa sakit dahil sa hang over. Bakit ba kasi ako uminom kagabi. Inalala ko yung nangyari kagabi pero wala akong maalala wala naman akong ginawang kagagohan kagabi.
Bumangon ako at naligo bago lumabas ng kwarto. Pagpasok ko ng kusina ay halos patayin ako ni mama sa sama ng tingin niya. Nagpatay malisya lang ako kunwari hindi ko napansin at dumeretso sa ref at kumuha ng malamig na tubig.
"Ikaw Alex hindi ka na nga tumutulong dito sa bayarin sa bahay tapos maglalasing kalang buti sana kung ikaw lang ang napepwerwesiyo" sabi ni mama
"Bakit ma? Wala naman akong ginawa kagabi diba?" kinakabahang tanong ko kay mama
"Anong wala hating gabi na pero sumisigawa ka dun sa harap ng bahay nila Ford nakakahiya nga yung pinagsasabi mo eh" sabi ni mama
"Bakit ano bang sinabi ko kay Ford ma?" kinakabahan na talaga ako dahil feeling ko may sinabi talaga akong hindi maganda.
"Hindi mo talaga matandaan?" tanong ni mama
"Magtatanong ba ako kung natatandaan ko ma?" sagot ko
"Aba pilosopo tong batang to ah kagabi ka pa ahh tinawag mo pa akong marites kagabi sa harap ni Ford baka isipin nun chismosa ako" nanenermon na sabi ni mama
"Bakit ma hindi ba?" tanong ko kay mama
"Aba loko to ah batokan kita ng hard diyan eh" sabi ni mama habang nakatingin sa akin ng masama.
"Ano na kasi yung sinabi ko kay Ford kagabi ma" tanong ko ulit kay mama
"Sinabi mo lang naman na hindi ka papayag na magpakasal siya dun sa GF niya at gusto mo daw siya totoo bayun?" tanong ni mama nagulat naman ako sinabi ko talaga yun "Naiintindihan ko naman na ayaw mong magpakasal si Ford dahil siya lang yung kaibigan mo na parang kapatid mo na sabay kayong lumaki nun eh pero hindi ka naman bakla diba?" dagdag na tanong pa ni mama.
"Hindi ma no ano kaba alam mo namang si ayaw kong magpakasal si Ford sa GF niya dahil masama yung pakiramdam ko sa kanya eh" sabi ko kay mama
"Ako nga din nak eh" sabi ni mama
Sobrang close ko kay Ford magkasing edad lang kami magkaibigan din si mama at ang mama niya. Magkatabi lang kami ng bahay nila Ford kaya nung lumabas ako ng bahay para tumambay sa terrace ay nakita ko itong nakaupo at nagkakape. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay tiningnan niya ako ng masama kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya.
"Hoyy Alex tara na dun na sila Kaye sa tambayan natin kanina ka pa hinihintay" sigaw ni Sevi kaibigan ko
Lima kaming magbabakarda ako si Ford, Sevi, Kaye, at Kevin pero simula ng makagraduate kami si Ford ay hindi na sumasama sa amin dahil may trabaho na siya at kaming apat naman ay wala pa dahil hindi kami nakapasa sa board exam.
Nung makarating kami sa tambayan namin ay andun na nga si Kaye at Kevin kumakain ng dala nilang chutchirya. Naupo ako sa bakanteng upoan at habang nakatingin kay Kaye at Kevin na nagaaway pa dahil sa kinakain nila.
"Pre balita ko naglasing ka daw kagabi" tanong sa akin ni Sevi
"Saan mo naman narinig yan?" tanong ko kay Sevi
"Pre nakalimutan mo na ba na maraming chismosa dito sa atin?" sagot ni Sevi
"Ayy oo nga pala no kay Kaye palang halos lahat ng chismis alam na" sabi ko
Binatukan naman ako ni Kaye. Halos malaglag naman yung mga ugok na sina Kevin at Sevi.
"Sinong chismosa? Hindi ako chismosa ah chismis yung lumalapit sa akin" sabi ni Kaye
"Pero hindi mo iniiwasan kaya chismosa ka parin" nakangusong sabi ko
"Maiba tayo bakit ka nga naglasing kagabi at hindi ka talaga nang aya ah" sabi ni Kevin
"Ewan siguro dahil napperessure ako dahil palapit na yung public service exam" sabi ko
Naghahanda talaga ako para sa public service exam naka tatlong take na ako pero palaging bagsak ako kaya ngayong taon ay grabe yung paghahanda ko para sana ito na yung last year na magtake ako
(On going)