SEVEN FIRST KISSES FINALE (EITHAN &BLAZE)

52 1 0
                                    

"Blaze maghiwalay na tayo naisip ko na mas makakabuti to para sa ating dalawa" nagulat ako ng bigla akong hilahin ng isang lalaki papunta sa isang eskinita habang naglalakad ako para sana bumili ng suka

"Ha? Hatdog" sabi ko nalang kasi wala akong idea sa sinabi niya ganito talaga ako pag bagong gising medyo lutang

"Sabi ko maghiwalay na tayo" ulit niya sa sinabi niya kanina

"Pwede next time mo nalang sabihin yan sa akin siguradong maghihiwalay talaga tayo pag hindi ako kaagad nakauwi at dala ang pinabibili ni mama" sabi ko at dali dali along umalis para bumili ng suka at umuwi na ng bahay

"Ma nariyan na yung pinabibili mong suka nilagay ko mesa" sabi ko at agad na pumasok ng kwarto ko dahil inaantok pa talaga ako

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong nahiga para matulog ulit. Pero wala pa nga siguro limang minuto akong nakakatulog ay pumasok si mama ng kwarto ko.

"Ma ano na naman ba?" naiinis na sabi ko

"Andiyan yung kaibigan mo sa labas hinahanap ka" sabi ni mama

"Sabihin mo natutulog pa ako balik nalang soya later" sabi ko at nahiga ulit

"Bago yan nak eh sa tuwing dadalaw yang kaibigan mo dito sa bahay eh halos parang sinisilaban yang puwet mo sa kilig" sabi ni mama

"Arghhh gusto ko pa sanang matulog eh" sabi ko

"Ehh bahala ka" sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko alam ko namang isa na naman yang naghihintay sa akin sa labas sa mga kalandian ko for todays bidyow dahil sawa na rin akong makipaglandian at sa susunod na araw naman ay iba na naman yung magiging kalandin ko. Pagod na ako sa ganung set up gusto ko ng mag settle sa isa lang pero pang habang buhay na

Nang makalabas na si mama ay bumalik na ako sa pagtulog pero kahit anong pilit kong matulog ay hindi na ako makatulog at parang pinipilit ako ng sarili kong lumabas kaya naiinis akong bumangon at lumabas ng kwarto

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong nakikipagkwentuhan si mama sa isang lalaki at mung makita ako ni mama ay agad niya akong tinawag

"Oh Ayan na pala si Blaze diba sabi ko sayo hindi ka matitiis niya lakas ng tama niyang anak ko sayo eh" bulong ni mama sa lalaki pero dinig ko pa rin o sadyang pinadinig talaga ni mama sa akin. In fairness supportive siya sa akin ah

"Mama naman eh binubuking mo ako" kunwaring pag iinarte ko at naupo sa tabi ni mama at nagulat ako dahil siya yung lalaking gustong makipag hiwalay sa akin kanina

"Alam ko naman po yun tita" tumatawang sabi nung lalaki

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki

Wait lang parang nakilala ko siya. Parang siya yung lalaking nagtitinda ng fishball sa labas ng university namin. Oo nga siya yun yung gwapong tindero ng fishball ackk my god isa pa naman siya sa mga crush ko.

"Gusto lang sana kitang makausap" sabi nung gwapong tindero ng fishball

Gwapong tindero ng fishball nalang muna yung tawag ko sa kanya dahil hindi ko pa alam yung name niya. Kasi kahit nuon pa man kapag bumili ako sa kanya dati tamang papansin lang ako ganun pa cute lang

"Anong pag uusapan natin yung date kung kailan tayo ikakasal" sabi ko

"Anak wag kang masyadong malandi hindi bagay sayo" bulong ni mama aa akin kaya napatawag ako

"Hindi yun gusto sana kitang makausap ng personal" sabi ni gwapong tindero ng fishball

"Okay saan ba tayo mag uusap? Sa kwarto ba kasi malambot yung kama ko eh" maharot na sabi ko

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now