MY LOVELY STAR

23 1 0
                                    

Nakasakay ako sa loob ng jeep when I overheard a couple na nagpapalitan ng pick up lines.

"Baby love pamasahe ka ba?" tanong nung lalaki sa gf niya

"Bakit?" tanong nung babae sa bf niya habang kinikilig

"Kasi pamahal ka ng pamahal" pfffft muntik na akong masubsob sa kina uupuan ko dahil sa walley nilang pick up lines

"Hehehe pereng tenge" sabi nung babae

Kung maka arte naman to kala niya talaga kagandahan siya eh

"Baby love sikreto ka ba?" tanong nung babae sa bf niya

"Bakit baby love?" tanong ng lalaki sa gf niya

HAHAHA bagay nga sila parehas silang mukhang tanga

"Kasi hindi kita kayang ishare sa iba boom" sabi nung babae at sinampal pa ang braso ng bf niya ng medyo may kalakasan

"Aray palagi ka nalang nanakit pag kinikilig ka" sabi nung lalaki at ngumuso pa

"Ang cute talaga ng baby love ko" sabi nung babae at hinalikan pa yung bf niya sa pisngi

"Ahem malandi" nauubo kunwaring sabi ko

Tiningnan ako ng magjowa ng masama pero patay malisya lang ako

"Para! andaming bitter naman dito" sabi ng babae at hinila pababa ng jeep ang jowa niya

Napatawa naman ako ng malakas kaya napatingin pa sa akin ulit ang magjowa

"Geh bilisan niyong bumaba" sabi ko nalang sa magjowa dahil parang gusto na nila akong saktan eh

"Haha bitter mo inggit ka sa kanila?" tanong ng katabi ko sa akin

"Bakit naman ako maiingit sa kanila? ang corny nila no" sabi ko

"Okay galit agad" sabi niya at napanguso pa

"Mukha kang pato" sabi ko kaya mas napanguso pa siya at bumulong bulong pa

"May sinasabi ka?" suplado kong tanong sa kanya

"Sana ako nalang si Juan tamad at ikaw naman ang bayabas" sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"Ayako maging bayabas baka magkasing amoy kita" sabi ko

"Sabihin mo nalang kasi bakit andami mo pang reasons eh" parang naiinis na sabi niya

"Oh bakit?" sabi ko

"Dahil aantayin kitang mahulog sa akin yiee" banat niya pero siya din naman ang kinilig

Tiningnan ko lang siya ng seryoso at nandidiri dahil sa ka cornihan niya

"Ayoko ng ampalaya" sabi niya ulit

'bat ba ang kulit ng lalaking to'

"Bakit naman" kahit napipilitan ay tinanong ko nalang siya kung bakit dahil alam kong hindi siya titigil ang kulit pa naman neto

"Hindi ko kasi kaya ampalaya-in ka" sabi niya at todo ngiti sa akin

"Huwag mokong binibiro baka kasi pag sineryoso kita hindi mo kayanin" sabi ko sa kanya

"Para" sabi ko at bumaba ng jeep

Nakasunod parin siya sa akin at nakangiti pa ng bonggang bongga

"Umuwi ka na hindi na ako natutuwa sayo" seryosong sabi ko

"Hindi ka natutuwa dahil naiinlab kana sa akin?" sabi pa niya

Nilapitan ko siya at tiningnan ng seryoso pero ang gagu hindi makaintindi

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now