SEVEN FIRST KISSES III(JUSTINE KEN & BLAZE)

45 1 0
                                    

"Blaze anak gising na maaga tayong luluwas ngayon papuntang probinsya" sabi ni mama habang inuuga ako

"Ma ang aga pa oh may trabaho pa ako ngayon patulogin mo muna ako" inaantok na sabi ko

"Anong trabaho? Bilisan mo na diyan bata ka para makarating tayo ng probinsya ng maaga" sabi ni mama at hinala ako patayo

"Mama naman eh" reklamo pero wala akong nagawa nung tinulak niya ako papasok ng banyo at binuhusan ng tubig

"Si mama naman parang hindi anak kung makabuhos ng tubig" naiiyak na sabi ko dahil sa lamig ng tubig

Kaya wala akong nagawa kundi ang maligo nalang. Pagkatapos kong maligo habang namimili ako ng damit ko ay wala akong makitang uniform ko ng college or yung nursing uniform.

Dali dali kong tiningnan yung sarili ko sa salamin at nagulat ako dahil medyo bumata yung itsura ko kaagad kong tiningnan yung date sa calendar. No way! So 15 years palang ako ngayon?. Parang ayoko ng matulog mamayang gabi dahil baka bukas paggising ko sa kabilang buhay na yung effect ng potion Huhuhu.

Dahil kanina pa putak ng putak si mama dahil aalis na daw kami ay nagbihis nalang ako ng damit.

Habang nasa biyahe kami papuntang probinsya nila mama ay hindi ko maiwasang maalala sila Gilbert at Klint sayang din kasi silang dalawa ang popogi pa naman nila.

Tanghali na kaming nakarating ng probinsya ni mama. Nakituloy kami sa bahay ni lola.

"Apo kamusta na? ang laki laki mo muna" tanong ni lola sa akin

"Okay lang naman po lola" sagot ko

"Halina't kumain na muna kayo nagluto ako ng mga paborito niyo" sabi lola

Habang kumakain ay tahimik lang ako habang sila mama at lola naman ay magkukwentohan. Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalam na maglilibot libot muna ako sa labas.

Naglakad lakad ako ng mapadaan ako sa basketball gym walang tao dun kaya naupo nalang muna ako sa bench.

Aalis na sana ako para bumalik sa bahay nung nakita kong may isang lalaking pumasok kaya napaupo ako ulit. Napatulala ako sa kanya dahil ilang taon ko rin siyang hindi nakikita. Si Justine Ken ang first crush ko.

Pinanunuod ko lang siyang maglaro ng basketball ang gwapo niya talaga napatingin siya sa akin at naglakad papalapit sa akin. Nakatingin siya sa akin ng deretso kaya napatingin din ako sa kanya parang nag slow mo nung bigla siyang lumuhod kaya napatayo ako at napatakip sa bibig ko at kunwaring nagulat sa gagawin niya.

Pinulot niya lang pala yung bola akala ko magpopropose na siya sa akin. Hindi ko napansin na gumulong pala yung bola papunta sa akin.

"Uyy Blaze ikaw na ba yan?" tanong ni Justine

"Ahhhh oo" sagot ko

"Pare ang gwapo mo na ngayon ah" sabi niya

"Ikaw din lalo kang gumagwapo sa paningin ko" sabi ko

"Kailan pa kayo umuwi dito?" tanong ni Justine

"Kanina lang nung tanghali" sagot ko

"Buti naman naisipan niyong magbakasyon dito kasi last year hindi kayo nakauwi dito eh" sabi ni Justine

"Naging busy kasi si mama sa munting business niya dun sa manila eh" sagot ko

"Tara maglaro muna tayo ng basketball" yaya ni Justine sa akin

"Ahh ikaw nalang hindi ako marunong eh" sagot ko

"Okay lang yan tuturuan kita" sabi ni Justine

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now