"Hoyyy Blaze Jacinth gumising kana malelate kana sa trabaho mo" dinig kong sigaw ni mama.
"Anong oras na ba ma?" inaantok pa na sabi ko
"Tanghali na diba may duty ka pa sa hospital?" sabi ni mama
"Ma inaantok ka pa nag aaral palang kaya ako?" sabi ko kay mama
"Ikaw bata ka wag mokong pinagtritripan ahh bumangon kana jan at maligo na kanina pa may tumatawag sa phone mo" sabi ni mama
Tiningnan ko ang phone ko at may ilang miss call nga. Binasa ko ang pangalan ng caller familiar siya akin.
"Dr. Klint Perez? Oh my God yung gwapong senior Med student" medyo kinikilig na sabi ko
Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko. Shuta tumatawag na naman si Klint. Agad ko itong sinagot.
"Hello Klint asan ka na kanina pa ako tawag ng tawag sayo" dinig kong sabi ni Klint sa kabilang linya
"Ahhm andito pa ako sa bahay eh" sagot ko
"Bilisan mo na diyan at maraming pasyente ngayon" sabi ni Klint
"Saan ba ako pupunta?" tanong ko
"Syempre dito sa hospital saan ka ba nagtatrabaho?" sagot ni Klint
"I mean saang hospital?" tanong ko ulit
"Seriously Blaze?" dinig kong tanong ni Klint "Bilisan mo diyan at pumunta kana dito sa Southfield Hospital I'll give you 20 minutes" dagdag pa ni Klint at pinatay ang tawag
Mabilis naman akong kumilos at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.
Na stress na ako sa sitwasyon ko ah kahapon estudyante palang ako ngayon may trabaho na ako. I'm sure epekto nanaman ito ng potion na binigay ng matanda sa akin.
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko ng maalala ko si Gilbert. Diba kahapon jowa ko siya so nagkatuloyan kami? Ohshitt kinikilig ako gagi.
Nang makarating ako ng southfield hospital ay agad akong nurse station. Nakita kong aligaga yung ibang nurse. Nagulat naman ako ng marinig kong sumigaw yung pangalan ko.
"Mr. Monterde anong tinutunganga mo pa diyan nakita mo ng andaming patient eh hindi ka pa tumulong" dinig kong sigaw ni Dr. Klint sa akin kaya aligaga naman akong kumilos at tumulong.
Katulad parin siya nung college palang suplado parin. Agad akong pumunta sa isang patient na nakaupo sa isang bench at maraming dugo yung damit. Nilapitan ko ito at inalalayang tumayo at dinala sa vacant bed para linisan ang mga sugat niya.
"Sir lilinisan ko yung sugat mo ah" sabi ko sa pasyente at hindi naman sumagot ito.
"Ouch dahan dahan lang naman" dinig kong reklamo neto kaya napatingin ako sa mukha niya dahil parang familiar sa akin yung boses niya.
"Gilbert? Anyare sayo bakit ka nandito?" tanong ko
"Saan ba dapat dinadala yung mga nadisgrasya?" tanong din niya "Kilala ba kita?" dagdag pa niya
"Ako ito si Blaze nakalimutan mo na ba jowa mo ako" sabi ko
"Bro anong jowa hindi ako bakla ah straight kaya ako" sabi niya at umakto pang parang nasusuka siya
"Hindi ka pa ba tapos diyan? andami pang patients oh nakikipaglandian ka pa diyan eh" sabi ni Dr. Klint at tiningnan ako ng masama
"Sorry doc" sabi ko at binilisan ang paglinis ng sugat ni Gilbert.
Medyo nasaktan ako sa trato sa akin ni Gilbert. Bakit hindi niya ako nakilala siguro nagka amnesia siya after naming mag break. Teka nag break ba kami aishhh.