Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ng kwarto ko. Pinanunuod ko yung vlog namin ng boyfriend kong si Theo Centrix. Tumatawa ako habang pinanunuod ko yung mga kulitan, asaran, at yung mga prank na ginawa namin sa isa't isa. Gabi gabi ito yung palagi kong ginagawa pag namimis ko si Theo.
"Hello guys panibagong araw panibagong kalokohan na naman ang gagawin natin ipaprank natin ngayon si Ivan na may ka sex akong iba" pagsasalita ko sa harap ng camera
Tawa lang ako ng tawa dahil inis na inis sa akin si Ivan dahil halos masubsob yung mukha niya kakamadali pagpasok ng kwarto namin dahil sa narinig niyang ungol. Halos hindi mapinta yung mukha niya nang mapagtanto niyang nagwowork out lang ako.
Pinanuod ko naman yung video na natutulog ako at pinagtripan ni Ivan yung mukha ko. Minake-up pan niya ako habang tulog ako at nung magising ako ay inaya niya akong kumain sa jollibee dahil sa minamadali niya ako nun ay hindi ko na na chech ko sarili ko sa salamin.
"Ate isa nga pong jolly spaghetti at isang bucket ng fried chicken anong gusto mo babe?" tanong ko kay ivan
Nagtataka ako dahil parang nagpipigil ito ng tawa pati yung crew ay nagpipigil ng tawa.
Nung makauwi kami ng bahay doon ko lang nakita na sobrang nakakatawa pala ng itsura ko daig ko pa yung mga bakla na sumali sa miss gay.
Sunod ko namang pinanuod ay yung pinrank ko si Ivan na may nabuntis ako.
"Babe? Sorry promise hindi ko talaga sinasadya lasing ako nun hindi ko alam yung nangyari sorry talaga" sabi ko habang umiiyak para mas kapani paniwala talaga
"Anong sinasabi mo Theo kinakabahan ako sayo eh" halata sa boses niyang kinakabahan talaga siya
"Babe nakabuntis ako nabuntis ko yung bestfriend kong si Jane promise babe hindi ko talaga sinasadya lasing ako nun" sabi ko
"Panong hindi sinasadya? Kahit lasing ka nun Theo kung alam mong may jowa ka hindi ka magpapadala sa kati niyang bestfriend mo" nasasaktang sabi niya
"Babe hindi ko talaga alam na may nagyari sa amin dahil nag pass out ako sa sobrang lasing siguro may nilagay sila sa inumin ko kaya wala akong maalala paggising ko tapos nito lang sinabi sa akin ni Jane na nabuntis ko daw siya noong una ayaw kong maniwala dahil baka pinagtritripan niya lang ako pero may pinakita siyang video sa akin na magtatalik kami at sabi niya wala siyang lalaking nakatalik maliban sa akin" todo iyak ako kunwari para mas effective talaga yung acting ko at hindi nga ako nabigo dahil kita ko yung sakit sa mata ni Ivan
"So anong plano mo kay Jane at sa bata?" tanong niya
"Papanagutan ko yung bata at nagkausap na yung both parents namin dahil sinabi sa kanila ni Jane na buntis siya at gusto g parents namin ni Jane na magpakasal kami habang hindi pa lumalabas ang bata" sabi ko
"Eh pano ako?" tanong ni Ivan halos basag na yung boses niya
"Sorry Ivan pero kailangan eh kailangan ko ng makipag hiwalay sayo" sagot ko
"Tama yan Theo panagutan mo siya yan naman talaga yung pangarap mo diba yung magkaroon ng sariling pamilya at magkaanak yun ang hindi ko maibibigay sayo" sabi ni Ivan habang umiiyak na talaga.
Halos mabasag ang puso ko na makitang umiiyak si Ivan. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay yung nasasaktan at umiiyak si Ivan kaya niyakap ko siya at hinalikan.
"Sorry babe prank lang po yun" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya
Nung malaman niyang prank lang yun at hindi niya ako pinansin buong are nun.
"Babe sorry hindi ko nasabi sayo yung sakit ko sorry dahil tinago ko to sayo" sabi ni Ivan sa akin sobrang hina ng boses niya at sobrang payat na rin niya dahil sa sakit niyang cancer.
"Promise mo na kahit wala na ako ay maging masaya ka parin ah" dagdag niya pa
"Pano ako magiging masaya pa kung ikaw lang yung kaligayahan ko babe gagaling ka pa maniwala ka lang kay god" pinipigilan kong umiyak dahil ayaw kong makita akong mahina ni Ivan dahil ayaw kong panghinaan din siya
"Goodnight Theo Centrix" sabi ni Ivan
"Good night babe matulog kana bawal sayo yung magpuyat" sabi ko kay Ivan
Pero hindi ko alam yun na pala yung huling araw ni Ivan.
Napahagulgol ako sa pag iyak sa huling video namin ni Ivan na pinanuod ko.
"Babe iprank mo naman ako dalawin mo ako ganun hehe" sabi ko habang tumawa ng peke.
Hindi ko nalamayang nakatulog ako sa pag iyak.
[The end]
Written by: seungwoonie_21