MY SECRET BOYFRIEND

45 1 0
                                    

Nakapila na ako sa counter sa 7/11 nung makita kong pumasok si Aldrin kasama ang isang magandang babae. Naka pulupot ang ang babae sa braso ni Aldrin habang namimili sila ng curls na bibilhin nila.

Aldrin and I are in secret relationship oo secret lang yung relasyon namin dahil sa sobrang strict ng parents niya at very patriarchal ang family nila at dahil nag iisang lalaki lang si Aldrin sa kanilang magkakapatid ay tinatago niyang hindi siya straight.

Sinusundan ko lang sila at sobrang sweet ng babae kay Aldrin kung makalingkis akala mo ahas. Nag ala spy ako kakasunod sa kanilang dalawa at nung palabas na sila ay napagdesisyonan kong komprontahin sila.

Binannga ko kunwari si Aldrin at sinadyang ihulog ang mga pinamili ko kaya yumuko silang dalawa para pulutin yung pinamili ko. Habang ako naman ay nakatayo lang at naka cross arm na nakatingin lang sa kanila.

"Pasensya na ah kayo naman kasi kung magharutan sa gitna pa talaga ng daan" sabi ko at binigyan ng matalim na tingin si Aldrin

"Ayyy ikaw na nga yung nakabangga ikaw pa yung galit ah" naiinis na sabi ng babae sa akin

"Nag sorry naman ako diba" sabi ko sinasabayan ang pagiging mataray ng babae

"Sayang gwapo pa naman sana kaso bading eh" mahinang sabi ng babae pero sapat lang para marinig ko

"Sorry ah" sabi ni Aldrin sa akin pero tiningnan ko lang siya ng masama na parang sinasabi kong lagot ka sa akin mamaya

"Tara na nga baby boy selos lang yan sa atin kasi wala siyang naharbat na lalaki ngayon" parinig pa nung babae saka hinila si Aldrin paalis na

Dahil sa selos na naramdaman ko at parang walang pakialam sakin yung boyfriend kong in secret ay hinila ko yung buhok ng babae.

"Arayy bitawan mo ako masakit" sigaw ng babae

"Wala akong pake kung masakit mas masasaktan ka pa sa akin—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawakan ako ni Aldrin at pilit na nilalayo sa babar

"Bitawan mo ako Aldrin sinasabi ko sayo parehas ko kayong page uuntogin my babaeng yan" sabi ko at pilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin no Aldrin

"Baby boy any scary niya ah baliw ba yan bigla nalang nananakit eh" sabi nung babae kay Aldrin

"Ahh baliw pala ah bitawan mo kasi ako eh" sabi ko kay Aldrin

"Kumalma ka kasi muna Keith" sabi ni Aldrin at pilit na pinapakalma ako

Nung kumalma ako ay nilapitan ni Aldrin yung babae.

"Baby boy kilala mo siya" sabi nung babae sabay turo sa akin

"Oo eh" sabi ni Aldrin at napakamot sa ulo niya

"So ano Aldrin mas pipiliin mo yan kesa sa akin?" sabi ko kay Aldrin

"Hindi sa ganun per—" hindi ko pintapos ang sasabihin niya nung magsalita ulit ako

"Pero ano? Na mas mahal mo na siya kesa sa akin?" tanong ko kay Aldrin

"Anong ibig niyang sabihin Aldrin?" serysosong sabi nung babae

"Manahimik ka nga muna pwede?" sabi ko dun sa babae at umarte pa siyang parang nagulat sa sinabi ko

"Guys pwede bang magpaliwanag muna ako? Pwede?" sabi ni Aldrin sa amin nung babae

Parehas kaming napatahimik nung babae at nagpatalasan pa kami ng tingin sa isa't isa.

"Althea he's Keith boyfriend ko" sabi ni Aldrin at napakamot sa kanyang ulo

"Oh boyfriend niya daw ako kaya distansya ka na sa boyfriend ko ah" sabi ko pa dun sa babae

"Kieth she's my twin sister Althea" pakilala ni Aldrin sa babae

"Twin? As in kambal? Kapatid mo siya?" tanong ko kay Aldrin at napatango naman siya parang kinain naman ako ng hiya ko at napayuko nalang ako at hindi makatingin sa kambal ni Aldrin

"Ayusin mo yang ugali ng jowa mo ah mag uusap tayo mamaya mauna na ako sayo sa bahay" sabi ni Althea at umalis na

Pagkaalis ni Althea ay tumingin sa akin si Aldrin habang ako naman ay nakatingin lang sa lupa at kunwari nagbibilang ng langgam.

"Hindi ka manlang magsosorry sa ginawa mo sa kambal ko at sa paggawa ng eksena dito?" seryosong tanong sa akin ni Aldrin

"HEHE I LOVE YOU" nasabi ko nalang

"Ang daya mo pag ikaw galit at nagtatampo halos kulang nalang kainin ko yung lupa mapatawad mo lang pero pag ako isang I love you mo lang okay na agad ako" sabi ni Aldrin na nakanguso

'Ang cute ng baby ko'

"Sorry na po ikaw naman kasi eh hindi mo sinabing may kambal ka pala" sabi ko

"Hmmm bahala ka jan galit ako sayo" sabi ni Aldrin at kunwaring nagtatampo kaya hinila ko yung kwelyo ng damit niya at binagyan ng mabilis na halik sa labi

"I love you" sabi ko kay Aldrin at ngumiti naman siya at parang kinikilig

"Ayan na tanggal na yung angas ko" sabi niya at niyakap ako

Pagkatapos nung PDA namin ay hinatid na ako ni Aldrin sa bahay namin.

           "If your going to LOVE,
                LOVE all the way!
    
  Don't be scared of getting HURT
Or you will never know real LOVE "

The end...

Written by: Seungwoonie_21

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now