Nakaupo ako ngayon sa library kasama yung kaibigan kong si Gwen. Nakikinig lang ako sa mga rants niya about sa boyfriend niyang hiniwalayan siya.
"Ayan kasi hindi mo sinunod yung mga tips ko sayo for Iwas Sawi" sabi ko at binatukan siya
"Gagi wala ka kayang binigay sakin na tips" sabi niya
"Ayy wala ba?" tanong ko kay Gwen
"Ano ba yang tips na yan para ma apply ko sa susunod na magpapaloko ako" sabi niya at pinahiran ang luha niya
"Tips para Iwas Sawi" panimula ko
"First tip dapat maganda/gwapo ka para hindi ka iwan kapag dugyot at maasim ka iiwan ka talaga nun" sabi ko at inamoy niya naman ang sarili niya
"Oo nga no? ang asim ko na hehe!!" sabi niya at napakamot siya sa ulo niya at napairap nalang ako sa ginawa niya
"Second tip dapat matalino ka turn off kasi sa aming mga lalaki kung bobo yung babae" sabi ko
"Ayyy wow lalaki? Sure ka?" Malakas na tanong niya sa akin kaya pinagtitinginan kami ng ibang estudyante
"Bakit ano bang tingin mo sa akin babae?" tanong ko sa kanya pero this time hininaan namin yung boses namin dahil baka palabasin na kami
"Ayyy sorry akala ko kasi transman ka eh Haha" tumatawang sabi ni Gwen at tiningnan ko lang siya ng masama kaya napa peace sign siya sa akin at sinabing ipagpatuloy ko na yung sinasabi ko kanina
"Third tip wag ka nalang magjowa punyete ka total hindi ka naman kagandahan" naiinis na sabi ko kay Gwen
Total masasaktan din naman siya dahil dakila siyang uto-uto at hindi kagandahan kaya wag nalang siyang magjowa. Ewan ko ba jan sa mga lalaki ba't napagtatyagaan pa nila ang babaeng to.
"Parang hindi kaibigan kung magsalita ah" sabi ni Gwen at kunwaring nasasaktan pa sa sinabi ko
"Ewan ko sayo" sabi ko at nilabas ko nalang yung phone ko at nag scroll sa fb
"What if pagselosin natin si Sandro?" biglang tanong ni Gwen sa akin
"Magpanggap tayong magjowa pagkaharap natin si Zandro and with that siguradong babalik siya ganda ko HAHAHA" dagdag pa ni Gwen at tumawa ng nakakaloko
"Ganda mo mahiya ka nga" sabi ko kunwaring nandidiri pa
"You too get out kanina pa kayo nagiingay" sigaw nung matandang babae na nagbabantay ng library
Pareho pa kaming nagulat ni Gwen kaya napayuko nalang ako dahil sa hiya pero si Gwen ay pinanganak talagang walang hiya at tumayo pa ito at tiningnan pa yung mga estudyanteng nakatingin sa amin.
"Anong tinitingin tingin niyo diyan? Gusto niyo ako? Ha asa kayo" sabi niya sa mga estudyante
Kinuha ko yung bag ko at iniwan si Gwen.
"Hindi ko po kilala yan hehehe" sabi ko sa mga estudyanteng nakatingin sa amin at mabilis na naglakad palabas
"Hoyyy Brylan hintayin mo ako" sigaw pa ni Gwen at sumunod sa akin
'Arghh nakakainis ang babaeng to hindi makahalata na pinapahiya niya na ako
Mas binilisan ko pa yung paglalakad ko pero napatigil ako nung mabangga ako kay Zandro.
"Aww ayan kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" sabi ni Zandro at inalalayan akong tumayo
"Hoyy anong ginawa mo sa boyfriend ko?" sabi ni Gwen na bigla bigla nalang sumusulpot
"Hoyy Zandro hindi porket may bago na ako jowa eh sasaktan mo na yung jowa ko" dagdag pa ni Gwen
"Jowa mo to?" tanong sa akin ni Zandro